"What? Did I disturbed you guys?" Sarkastikong tanong niya. Kinabahan naman ako sa pinapakita niyang ekspresyon ngayon. She's fuming mad.
"It's not what you think, JeyEl" marahan siyang napatawa ng malakas
"It's not what I think? How can you say that if my boyfriend kisses my best friend in her cheek?! Huh!? Well, I just caught you two dating and you expect me to think nothing!? Are you that dumb, Maeie??!!!" May tumakas na luha sa mata niya na agad naman niyang pinunasan. Shit. I feel bad.
"You're not that close to have a friendly date, in fact, you two are enemies! So how did it come? T-ty, are you cheating on me, with my best friend?" Nanghihinang tanong ni Louie kay Tyler. Nilingon ko si Tyler na napayuko lang. Gusto kong sabihin na 'hindi!' pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. So I remained silent.
"Bullshit!!!!!" Sigaw ni Louie at sinugod ako. Sinampal niya ako ng malakas. Next thing I knew, napaupo na ako sa sahig at yakap yakap na siya ni Tyler sa likod habang nagpupumiglas siya at galit na galit na nakatingin sakin. Napatulala na lang ako.
"Shit" dinig kong mura ni Tyler. I felt like my head was spinning and I'm dizzy. Naramdaman kong may tumulo galing sa ilong ko, shit naman, ngayon pa ako sinipon!
I wiped it using the back of my palm. Nagimbal ako nang hindi sipon ang makita ko sa kamay ko, dugo.
Hinawakan ko ang butas ng ilong ko at naramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula rito. Halos pula lang ang nakikita ko kaya di na ako nakagalaw.
"Maeie..." Nag-aalalang tawag ni Tyler sa pangalan ko
"No, Tyler! You'll stay here with me! Go to her and I'll end this relationship right now" maotoridad na sabi ni Louie kay Tyler.
"Louie! She's your best friend! Hahayaan mo na lang siyang ganyan???"
"No! Wala akong kaibigang ahas!"
"You got it all wrong!"
"At anong gusto mong isipin ko!?"
Rinig kong pagtatalo ng dalawa. Napasinghap ako at sa ginawa kong iyon ay nalasahan ko ang dugo dahil bumaba ito sa lalamunan ko.
"Damn! Maeie!!!!!!!"
Iniangat ko ang tingin ko at kung di ako nagkakamali ay si Mark ang nakita ko na tumatakbo palapit sa akin kasama ang mga kaibigan ko at kaibigan niya.
Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at niyugyog ito.
"Maeie! Maeie! Hey! Snap out of it!" Dinig kong sabi niya pero wala sakanya ang atensyon ko. Nang mapansin niyang di ko siya pinapansin ay napatingin siya sa tinitignan ko, ang mga kamay kong may bahid ng dugo. Binalot niya sa kamay ko gamit ang panyo niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Maeie... Look at me. Maeie" Pinaharap niya ang mukha ko sakanya. Nanlabo naman ang tingin ko kaya niyakap na niya ako
"You're an asshole, Ty!!!!" Sabi ni Nievea.
"You let your bitchy girlfriend harm our friend!? How could you!" boses ni Marianne.
"It's not my fault kung malandi ang kaibigan niyo!" sigaw naman pabalik ni Louie. Ramdam kong umangat ako sa lupa. Yun pala, binuhat ako ni Mark.
"You still feel dizzy?" Kumurap lang ako. My mind and mouth won't respond kaya di ko siya nasagot. But hell yeah, I'm still fucking dizzy!
BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...