Chapter 11: Adobo

33 3 0
                                    

Maeie's Pov

"Wala kang stocks sa kusina mo, kaya mag-gogrocery lang ako" tumango siya. Nilahad ko ang palad ko sakanya. He look at me. Tinaasan ko siya ng kilay. Kinuha niya naman ang wallet niya at tinapon sa malayo. Then I saw him smirked.

Bwissiiiiiiiiiiiitttttttttt!!!!! Padabog kong pinulot yung wallet niya at lumabas. Kainis!!!!

Hiniram ko yung kotse niya at pumayag naman siya. Ngayon, on the way na ako sa malapit na grocery store.

I parked the car then pumasok na ako. Tinignan ko ang laman ng wallet ni BOSS at binilang ko yung pera. Ayos.... 10k

Nagtungo ako sa meat section at bumili ng pang-adobo. Bumili na rin ako ng iba pang recipe para sa adobo.

Nakakapagod palang mag -grocery ng mag isa nu?

First time kasi to na mag-grocery na mag isa dahil nga sa pesteng DEAL na yan, tch.

Pumunta na ako sa counter at luckily, isa na lang ang nakapila.Buti na lang. Kundi haggard na naman ito sa bangs. Napansin ko,bakit dalawang grocery cart ang dala niya?ang dami ha.

"Uhy!Maeie!Hi!" Tinignan ko siya,she looks familiar though.

"Uhm?hi ate??"I gave her my question look face

"Ate Gabby! Ako yung member sa choir sa church na pinagdalhan sayo ni Jarus! Hindi mo ako naaalala?"tinuro niya ang sarili niya. Ate Gabby?Ah!si Ate Astig!Coooolllll!!

"next please"

"See you next time..." We exchange goodbyes and then she left. Pumunta na ako sa counter at nagbayad. 3k lang yung nagastos ko. Haha... Kukupitin ko yung one thousand "ψ(`∇')ψ haha... Joke.. Para naman na akong nagnakaw

Lumabas na ako at sumakay sa kotse. Finally, nakarating din...

~•~

"Tapos na yan?" Biglang sumulpot si Marvin mula sa likod ko kaya napaharap ako.

O.O

Shet.......

A-ang lapit.....

"Tinatanong kita..." Luh.... Ang bango ng hininga niya. Nahiya naman yung mouth wash ko sa mouth wash niya.

"Di ka sasagot?" Mas nilapit pa niya yung mukha niya..  Aish! Bakit di pa ako umiwas? Oo nga noh? Ay ang tanga!

Iniwas ko yung ulo ko pero hinawakan niya ang baba ko at pinaharap niya ako sa kanya. Napalunok ako ng ilang beses. Kinagat niya ang ibabang labi niya at itinuon ang tingin sa.....













LABI KO!!!!!


Dahil alam ko na ang mangyayari(kahit na di ako sigurado) nilunok ko na ang nakabara (eeww) sa lalamunan ko at nagsalita.

"A-ah... Y-yung niluluto ko... Uhm, ano... B-baka sunog na.. Hehe" saka ako tumalikod sakanya. Whew. Ano bang nakain ng lalaking yun? At pinagtripan ako ng ganun? Duh! Weakness ko kaya yun... Yung ano.. Yung, pagseseduce... Pero, nagseseduce ba siya? Ah ewan! Makapagluto na nga lang.

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon