Chapter 29: Her best friend's boyfriend

25 3 0
                                    

Maeie's POV

"Lagi ba kayong nag-aaway?" Tanong sakin ni JeyEl

"Yup. Sanay na ako" sagot ko naman

"Eh? Di ka ba naiilang kapag nag-aaway kayo? Ang gwapo niya kaya!" Tinuktukan ko siya sa ulo niya.

"Ikaw, di ka ba kinikilabutan sa pinagsasasabi mo? Gwapo? Saan banda?"

"Tsk. Maeie, Magpa-EO ka nga! Grabe ah, di mo man lang naappreciate kagwapuhan niya. Tapos mabait pa!" I blinked three times.

"Mabait??? Sigurado ka? Porket tinulungan ka niya at dinala sa bahay nila, mabait na agad? Ay wow"

"Tss, Ewan ko sayo Emkey, basta mabait siya"

"Ay, Aba, ewan ko rin sayo no" inirapan ko siya. Baliw ba ang babaeng ito? Kung alam lang niya kung ano ang mga pinag-gagagawa sakin ni Tyler. Pero ayaw ko namang siraan siya sa kaibigan ko. Halata namang mas gusto siya dun eh

"May gusto ka sakanya no?" Gulat niya akong tinignan

"Halata" dagdag ko pa. Namula naman ng bahagya ang pisngi niya. Patago akong napairap. Siguro dahil naiinis ako kay Tyler? O sa kaibigan ko? Bigla tuloy akong nabadtrip

"May klase pa ako. Uwi ka na" sabi ko. Inayos ko na ang gamit ko at nagpuntang classroom. Nandun naman yung lima sa labas, mukhang hinihintay ako.

"Di ka man lang nag-aya ng lunch" sabi ni Nievea.

"Porke andiyan childhood best friend mo? Kinalimutan mo na agad kami"- Marianne

"Hey, guys. Wag natin siyang pag-awayan, okay?" Sabi ko. Alam ko naman kung saan hahantong ito eh.

"Bahala ka nga diyan"- Naiumi

Pumasok na sila at ako naman ay naiwan dito sa labas. Oh, oo nga pala. May mga kaibigan pala ako. Pumasok na rin ako at nag-umpisa na rin ang klase

•••••

"Maeie! May favor ako" sabi ni JeyEl na kakasulpot lang mula sa likod ko. Di ako agad nakasalita. I promised my friends that after class ay Ililibre ko sila sa café ko. I owned a café a few kilometers away from NEA, pero di ako hinayaan ni dad na I-manage yun kaya siya muna daw, although tumutulong din ako sa pagbi-bake dun.

She held my hand and she looked at me with her pleading eyes.

"Tulungan mo naman ako kay Tyler oh,please?" Sabi niya. Sa mga oras na to, gusto kong bawiin ang kamay ko sakanya at sampalin siya. Pero why would I, diba? I should be happy for her but I can't. Funny, gusto ko na ata talaga si Tyler. Gusto kong umiling, pero napatango ako.

"Yey! Thank you bestie! Lika libre kita!" Hinila niya ang kamay ko pero marahas ko iyong binawi. Gulat niya akong tinignan. Maging ako ay gulat din sa ginawa ko. Tinago ko ang dalawa kong kamay sa likod ko saka hinimas iyon.

"Ano, may lakad kami ng mga kaibigan ko, pasensya na"

"At mas uunahin mo sila kesa sakin? The f Maeie!? Araw araw ka nilang nakakasama! Ako minsan lang! Di mo man lang ba ako magawang pagbigyan?" Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Tinawag niya akong Maeie, hindi Emkey

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon