Napatulala ako sa kisame ng kwarto ko. Kahahatid lang sakin ni Mark. Masakit pa rin. Iba kasi yung feeling eh, first time. Tsaka, naiilang ako kay Mark. Ewan ko ba. Nakakailang kasi yung mga ginagawa niya sakin eh.
"Oy, may naghahanap sayo sa labas" sabi ni kuya. Bumangon na ako. Ayos naman na siguro itong suot kong loose T-shirt na kulay black at leggings diba? Nasa bahay lang naman ako. Akala ko yung lima yung pumasyal dito, pero bakit sila?
"Ay grabe, may patay? Bakit, all black?" Di ko pinansin ang sinabi ni Caster.
"Ano bang ginagawa niyo dito? At paano niyo nalaman na dito ako nakatira?" Isa isa silang napatawa. Pilit na tawa.
"Usap-usapan kasi sa school ang café mo kaya, buksan mo naman"- Ray
Okay? Anong konek nung tanong ko sa sagot niya? Tss, nevermind
Umikot ang dalawa kong mata saka naglakad palabas.
"Oh? Saan ka pupunta?"- Adrian
"Sabi niyo i-oopen ko yung café?"
"Ng ganyan ang suot mo?"- Jerry
"Ano namang pake mo?, eh dun lang naman punta ko"
Wala ng umimik sakanila kaya lumabas na din sila. Pumasok ako sa kotseng dala nila. Apat lang silang pumunta sa bahay, wala si Tyler, na labis kong ipinagpapasalamat, at wala din si Mark.
"Anong order niyo?"
Sinulat nila sa order pad yung order nila at ibinigay nila sakin iyon.
4 slice blueberry cake
4 chocolate frappe
4 crinkles
1 whole pizza (overload)Sa crew's room muna ako pumasok para makapag-ayos, naglagay ako ng hair net at apron. I washed my hands then went on the kitchen.
"Uh, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa apat. Nagsusuot sila ng apron at hair net.
"To help you, marami kaming inorder and I don't think na makakaya mong gawin ang lahat ng iyon"- Ray
Di na ako umimik at hinayaan sila sa pagtulong sakin
"Maeie, we saw you earlier, crying. Si Tyler ba?" Natigil ako sa paglalagay ng mga ingredients sa pizza dough at tinignan si Caster. Nakatingin silang lahat sakin. Di ako nakapagsalita.
"A-ah, yun ba? Ano.... W-wala yun, siguro nasaktan lang ako pero wala talaga yun, normal lang yung mga ganong bagay" iniiwas ko ang aking tingin sakanila at tinuloy ang ginagawa ko. Nang mailagay ko na ang pizza sa oven ay nagsalita naman si Dian (Y/n: pronounced as [Di-yan])
"Nasaktan ka? Ibig sabihin, may gusto ka kay Tyler?"
"Medyo" naiilang kong sinabi. Shit! This is awkward. Dapat ay nag-aaway kaming lahat ngayon pero bakit about sa love life ko ang topic namin?
"Tanga talaga nun. Nagtataka nga rin kami eh, biglang nagbago ang takbo ng isip niya. Sabi niya na-love at first sight daw siya"- Jerry
"Oo, tapos di ka na daw niya liligawan"- Ray
"L-liligawan niya dapat ako?"
"Oo, pero hindi na eh, pasensya na Maeie, iba talaga takbo ng isip nun eh. Nagtataka tuloy ako kung talagang tao yun"- Caster.
BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...