Tatlong linggo na ang lumipas mula nung mailabas ako sa hospital. Wala pang malay si Tyler nun kaya lagi lagi dun ang mga kaibigan niya. Di na nga sila pumapasok eh. Sabagay, recognition day na bukas. Sayang, with honors pa man din siya.
"Maeie, eto na ang invitation oh, para sa graduation ball niyo" kinuha ko ang invitation kay mom at tinitigan ito. Hmfft, di na lang ako pupunta. Wala naman akong partner eh. Si Caster? Sus, alam ko namang yayayain niya si Katly. Si Adrian? Paniguradong si Jyle na partner niya. Si Ray? Pfft. May gf na yun. Si Jerry? Di rin pwede, emcee silang dalawa ni Naiumi eh. Mr. ang Ms. Valentines naman sila Erjo at Izzle. At mas lalo namang di makakapunta si Tyler. Miss ko na siya (╥_╥)
"Di na po ako pupunta, mom" ibinalik ko ang IC sakanya at tipid siyang nginitian. Nagtataka naman niya akong tinignan.
"Ha? Bakit? Pupunta lahat ng kaibigan mo" may panghihinayang sa boses niya ng sabihin yun. Bahagya akong yumuko upang di niya mapansin ang namumuong luha sa mata ko.
Di ako pwedeng pumunta, wala akong partner. Wala si Tyler
"Di na po mom. Tsaka may pupuntahan din ako" tumayo na ako at agad na tumalikod.
"Sige, kung yan ang gusto mo"
~×~
Recognition day
Inilibot ko ang paningin ko. Wala talaga siya
"Ae!!! Di ka ba masaya? Senior high na tayo next school year oh!" Tipid lang akong ngumiti sakanya
"Ngiti naman diyan. Di ka na nga pupunta mamayang gabi sa graduation ball eh" nagtatampong sabi ni Izzle.
"Porke si Erjo lang partner mo" tukso ko sakanya. Bahagyang pumula ang pisngi niya niya tinawanan ko siya.
"A-ano naman ngayon!? E-edi di na lang din ako pupunta! Balasiyadun!" Nauutal niyang sabi. Mula sa likod niya ay nakita ko si Erjo na papalapit samin. Uh-oh, mukhang narinig niya ata. Mukha siyang badtrip eh.
"What did you say?" Tanong ni Erjo na nagpagulat kay Izzle. Mukha siyang gulat na gulat. Hinawakan ni Erjo ang palapulsuhan ni Izzle at mariin itong tinignan.
"You'll come tonight whether you like it or not. And I'll be your partner. And you'll be mine. Got that?" Naiwang nakatulala sa kawalan si Izzle habang papaalis naman si Erjo.
"Sumunod ka na lang" sabi ko sakanya at tinapik siya sa balikat. Iniwan ko na siya dun at pumunta na ng kotse habang hawak hawak ang tatlong medalya at isang certificate.
"Manong sa hospital po" sabi ko kay manong at nagdrive naman siya papunta dun. Di ko na inalintana ang mga matang nakatingin sakin pagpasok ko ng hospital. Naka-uniform ako habang may nakasabit na apat na medalya sa aking leeg at hawak hawak ang mga medalya ni Tyler at pati na rin ang kanyang certificate.
Pagbukas ko ng pinto ay unang bumungad sakin si ang mama niya. Ngumiti ako at nagmano sakanya.
"Maraming salamat iha" hinaplos niya ang ulo ko at niyakap ko naman siya. Napadako naman ang tingin ko kay Tyler. May benda ang kanyang ulo. Marami ring pasa ang katawan niyang unti unti ng gumagaling.
Lumapit ako sakanya at inilagay sa tabi niya ang certificate niya pati na rin ang mga medalya.
"A-attend ka ng gradball??" Tanong sakin ng mama niya. Medyo close ko na siya kasi lagi akong bumibisita dito.

BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...