Third person's POV
Nagtatakang pinagmasdan ni Maeie ang pinsang si Naiumi na kanina pa ngumingiti. Kinikilabutan siya rito dahil ito ang unang beses na makita niya ang pinsan na parang tangang nakangiti.
"Oy, Naiumi. Anyare sayo?" Tanong ni Maeie kay Naiumi. Pero di siya pinansin kaya sinapok niya ito.
"Awww~!!!" Daing ni Naiumi.
"Hoy four-eyed! Anong nangyari? Bakit ganyan ka makangiti?"- Janelle
"Eh kasi.... Nagpakilala na sakin yung secret admirer ko, tapos liligawan niya raw ako" nakatunganga niyang sabi. Nagkatinginan ang lima saka mapanuksong tinignan Si Naiumi.
"Ganito kasi yun...."
Nag-umpisa nang magdaldal si Naiumi tungkol sa nangyari kanina. Pinaulanan naman siya ng asar ng lima.
Tatlong araw na ang lumipas. Valentine's day na.
"Nelle, paalam ka sa parents mo, ide-date kita" walang pag-aalinlangang sabi ni Ray kay Nelle. Namula si Nelle dahil sa sinabi ng kasintahan.
"May performance ba kayo mamayang gabi? Meron kasi samin" sabi naman ni Nelle.
"Wala eh, di pumayag si Mark na magperform kami mamaya, may pinaghahandaan eh" bigla namang sumama ang mukha ni Nelle, napansin iyon ni Ray.
"Bakit Nelle? May nasabi ba akong mali?"
"Hmp. Sabihin mo sa leader niyo na tigilan ang leader namin. Ayoko sakanya para kay Maeie" naka-irap na saad ni Nelle. Natatawang niyakap ni Ray ang kasintahan.
"Nelle, hayaan mo na lang. Malay mo, matanggap mo rin siya para sa kaibigan mo, o di kaya, di rin magiging sila. Just wait, okay? After all, meron naman tayong sariling love story, diba?" Pigil sa kilig na inirapan ni Nelle si Ray.
"Ang landi mo" hinalikan niya ito.
"Sayo lang"
"Aba, dapat lang. Wag mong babasagin ang puso ko, Mr. Heartbreaker" tinitigan niya ito sa mata saka seryosong nagsalita.
"No. I'll never do that. At wag na wag mo rin akong lalandiin lang" piningot niya si Ray.
"Syempre. Mamahalin din kita. Lika na nga. Pasyal tayo sa mga booths"
~•~
"Ano ba!? Sinabi ko na ngang di ako magpapaligaw diba?! Bakit ba ang kukulit niyo?! Layuan niyo nga ako! Tangina!" Niliko ni Naiumi ang daan niya habang patuloy pa rin sa pagtatakbo. They keep on bugging me out! Nakakainis! At nakakakilig. Ugh! Shut up mind! Sabi ni Naiumi sa isip niya.
"Not so fast, honey" tuluyan na siyang nawala sa sarili nang may humigit sa bewang niya. Isinandal siya sa pader at pinagdikit ang noo nilang dalawa.
"Please, be my valentine" humihingal na sabi ni Jerry. Nag-init ang buong mukha ni Naiumi. Napatingin siya sa paa ni Jerry na marahang nanginginig. Tumitiklay siya. Pfft. Sabi ni Naiumi sa isipan niya.
"Naiumi" tawag ni Jerry sakanya.
"Naiumi ko!!!!" Sigaw naman ni Jeffrey nang mamataan si Naiumi at Jerry na magkasama. Naikuyom niya ang dalawa niyang kamay.

BINABASA MO ANG
Enemies In love
Teen FictionDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...