"No, Tyler. I won't let you have her tonight"
Pagkatapos sabihin ni Erjo yun ay hinila na niya ako pababa nang stage. Papunta na kami ngayon sa parking lot ng school nang may humigit naman sa braso kong isa. Napapikit ako ng mariin. Oh please, I want to rest. Pagod ako.
"Mark, don't test my patience"
"And don't test mine too, Tyler"
Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan silang dalawa.
"I'm tired guys. I want to rest" hinila ko ang kamay ko kay Tyler at tinanggal naman ang pagkakahawak sakin ni Mark.
"Then let me--" agad akong umiling.
"No. I'll go home, by myself" saka ko sila iniwan sa parking lot. Dinumog naman ako ng nga estudyante at pinaulanan ng tanong
"Saan ka pinunta ni Mark?"
"May relasyon ba kayo ni Tyler?"
"Nag-away ba sila?"
"Ano bang meron sainyong tatlo?"
"Sino ba ang gusto mo sakanilang dalawa?"
"Nanliligaw ba sila sayo?"
Pilit akong kumakawala sakanila dahil di nila ako pinaparaan.
"Let me through please" pagmamakaawa ko sakanila pero parang di nila ako narinig at nagtanong pa rin ng nagtanong.
Sa depress ay di ko na napigilan ang paglabas ng luha ko sa mata.
Bago pa ako madaluhan ng isang estudyante ay may humila na agad sakin at tinakpan ang ulo ko gamit ang polo niya.
"Paraanin niyo na lang kami, please"
"Lafuente! Anong relasyon mo kay Manzano?"
Mas lalo ko pang isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Bakit ba ganito sila? Masyado nila kaming pinapakielaman.
"Nasan yung dalawa?" Tanong niya sakin.
"Nasa parking lot sila. Please, puntahan mo na sila" sabi ko. Tumakbo naman siya papuntang parking lot. Nagpaalam na ako sa lima kong kaibigan at umuwi na. Tama ba itong ginagawa ko? Sa bagay, bukas tapos naman na eh, balik ulit kami ni Tyler sa dati. Pero si Mark? Sheeeps.
"How's your program, sweetie???" Bungad sakin ni mom pagka-uwi ko. I just smiled at her at nagmano.
"Hmmn, I guess you're tired" sabi niya na ikinatango ko na lang. Nagtungo na akong kwarto at di na nakapagbihis pa dahil na rin sa pagod at antok.
~•~
Pagpasok ko ng school ay di pa rin naaayos ang mga booths and rides. Baka bukas pa mag-end ang program.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. At doon, nakita ko si Tyler na malaki ang ngiti at naglalakad palapit sakin.
"Maeie, pwedeng mag-extend? Please? Promise, last na talaga ito" pakiusap niya. Napaisip ako, tutal may kanya kanyang date naman ang mga kaibigan ko, bakit di ko pa pagbigyan? Hmmm, sige na nga.
Tumango na lang ako at agad niya naman akong hinila para mayakap. Niyakap ko din siya.
"Thank you" he said
BINABASA MO ANG
Enemies In love
Fiksi RemajaDalawang grupo ang hindi magkasundo. Laging nagbabangayan sa tuwing nagkakatapatan. Walang matinong pag-uusap at puro sigawan lang. Ngunit..... Dito nga lang ba iikot ang istorya ng buhay nila? Mag-aaway away lang ba sila hanggang magsawa sila? O...