Chapter 10: His P.A

71 4 0
                                    

Nievea's Pov

Whhhhhooooo!!!! Ang daming kaartehan sa katawan yung mapeh teacher namin! Nakakainis! Wala lang sports attire, inabsent na ako sa klase niya! Eh di naman niya sinabi na magp-p.e ngayon eh! Yan tuloy! Mag-isa ako ngayon dito sa classroom! Argh! Kainis! Hmmp!!! So daya!!!!

"Makapunta na nga lang sa cafeteria, tutal magre-recess naman na" naglakad na ako papunta sa cafeteria. Nag-order na ako ng pagkain ko at umupo na.

Hmmm... Ano na kayang nangyayari sa gym?

Maeie's Pov

"Ano ba?! Sabing wag kang manulak eh!" Sigaw ko kay Anikha. Putanyemes kasi eh! Kita ng nagjojogging, nanunulak?!

"Manzano! Ano ba yan?" Sinenyasan ako ni sir De Leon na lumapit sakanya, and so I did.

"Bakit ka sumisigaw?"

"Si Morales kasi sir. Nanunulak" tinawag ni sir si Morales at pinagsabihan. Hahaha... Buti nga sayo!

"Maeie! 4 laps pa! Lika na!" Nakisabay na ako sa pagjogging sakanila. Buti pa si Nievea, di niya naranasan ito. 10 laps sa buong gym! Tapos ang lawak lawak pa! Nakakamatay.

Habang tumatakbo.....

Natalisod ako----- hindi, tinalisod!!!

"A--aray!!!!!!!!!!!!" Rinig sa buong gym ang sigaw ko.

"Tin! Ayos ka lang???" Tanong sakin ni Marianne

"Ikaw kaya matalisod habang nagjojogging, magiging okay ka kaya? (ToT)" nagkamot naman siya sa ulo niya at ngumiti. Ang sakit... Nasubsob ako.

"Manzano, break" inakay ako ng mga kaibigan ko na umupo. Humanda ka sakin kung sino ka man na nagtalisod sakin.. Kahit sino ka man! Kahit palaka ka pa! Di kita uurungan! I will have my revenge!

"Tubig oh"- Janelle

Kinuha ko yung tubig na inabot sakin ni Janelle. Inikot ko yung paningin ko sa mga kaklase ko. At........ Nakita ko si Erjo na nakatingin sakin habang nakangisi. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Nilapitan ko siya at agad na sinuntok kaya napaupo siya. Naramdaman ko na lang na may humawak sa magkabilang braso ko at inilayo ako kay Erjo.

"Manzano! Bakit mo siya sinuntok?!"- Sir Dear Leon

"Siya yung nagtalisod sakin eh!"

"Are you sure na siya? How can you say?" This time, umurong yung dila ko. Oo nga naman, how can I say na siya yung nagtalisod sakin? Pero... Yun yung feeling ko eh. Bakit siya magi-smirk diba? Dahil natalisod ako? Tsss. Hindi. Dahil siya yung tumalisod sakin. Malakas ang pakiramdam ko na siya yun.

Enemies In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon