ONE
“Wow. Mr. Villarino, na-late ka ata?” sabi ni Ms. Z nang sarcastic pagpasok ko ng classroom. Amp. Kailan kaya to masasanay na may isang sobrang gwapo na laging mala-late sa klase niya? Ang tagal e. Mga matatanda talaga, nagsysyntax error yung utak minsan e.
Bobolahin ko na sana yung gurang kong teacher para papasukin pa ko kaso may dumating na magandang babae sa gilid ko na pagod na pagod.
Patay. Pagod na pagod o. ALAM NA.
Naghandan siya! Bwahaha. Nag-activate ba yung berde niyong utak? Sorry a. Di naman kasi lahat ng gwapo, Ma-L e. Tapos, sobrang gwapo ko pa. Kaya sobrang wholesome ko. Palag? Pakyu na lang po! Oi teka, wholesome din yan a!
“Ms Z. Late din o.” Tinuro ko yung babae sa gilid ko kaya tinignan siya nung gurang naming teacher. Tama yan. Kausapin mo siya.
“What’s your name, Miss?” tanong ni Ms. Z sa babaeng di ko alam ang pangalan.
Transferee siguro to. Kasi kung hindi, imposibleng di ko siya kilala e. Ako pa. Lahat ata ng magandang babae dito naging girlfriend ko na. Oo. Siryoso.. Ikaw ba namang maging sobrang gwapong tulad ko e. Tapos matalino, mayaman, talented at hot pa. Sino ba namang matinong babae ang mambubusted sakin? Wala diba?
Unti unti na kong umupo sa tabi ng katropa kong si Izzard habang busy si Ms. Z kay miss transferee.
“I’m Alexi Henson.” Nagpunas siya ng pawis niya pagkatapos niyang sumagot. Wew. Ang ganda niya kahit pawis na pawis. Ganito yung mga masarap maging girlfriend e. Maganda nang di nageeffort.
Yung iba kasi kahit todo make up na. Wala pa ring nangyayari e. Bwahaha. Joke lang a. Naniniwala talaga ako na maganda lahat ng babae kahit di sila magmake up. Siryoso. Yun nga lang. Medyo exempted yung iba. =D
“I see. Ikaw yung transferee, tama?” Nice one, Aero Villarino. Ang galing mo. Transferee nga siya. Iba talaga ang mga sobrang gwapong tulad mo. Damn hot and amazing e. =D
Pinaupo na ni Ms. Z si Alexi nun habang ako, nagtulug-tulugan na nakasandal sa desk yung ulo.
“Mr. Villarino, pinapasok na ba kita?” nag-hikab ako kunwari pagtaas ko ng ulo ko.
“Po?” sabi ko na kunwaring nagtataka.
“Pre, anong sinasabi ni Ms. Z?” tanong ko kay Izzard na nagshrug lang ng balikat. Amp. Ang kj talaga neto. Minsan nga ayoko ng maging katropa to e. Pano napakatahimik tapos ang moody pa ng gagu.
“Miss, kanina pa po siya andiyan.” Sabi ni Liel. Bestfriend kong babae. Naalala niyo yung sinabi kong lahat ng maganda dito naging gf ko na? Well, exempted siya dun.
Ang totoo kasi, natotorpe akong ligawan siya. Saka, may iba siyang gusto e. Amp nga e, ako na pinakagwapo sa iskwelahang to, tapos may iba pa siyang gusto. Di kapanipaniwala e no?
“Oo nga Ms. Z. Siya nga po nagbukas nung classroom kanina e.”Sabi naman ni Zain, katropa ko din. Ayos yan. Maloko ding tulad ko. Siya nga yung gusto ni Liel pero amp, napakamanhid na gagu.
Pucha kasi e. Kung ako nalang kasi sana yung minahal ni Liel edi sana masaya pa kami pareho.
Pero sige. Dahil katropa ko naman si Zain, aaminin ko. May pagkagwapo din yang gagung yan at ang moody na gagung si Izzard. Pero kahit san pang angulo niyo tignan, ako talaga pinakagwapo e. =D
“Diba kakapasok niya lang?” tanong ni Miss Z nang nagtataka.
“Hala, Miss. Baka Pinaparanormal activity na naman kayo.”Nagtawanan yung mga classmates ko sa sinabi ko.
Nung third day of classes kasi, kinwento ni Ms. Z na may nakita siyang estudyanteng pugot ang ulo nung nagovertime siya. At dahil, gwapo at matalino ako, ginagamit kong palusot na may doppelganger ako kapag late ako sa klase niya. Pero minsan ko lang namang gawin yon. Most of the time kasi, nadadaan din siya sa bola.
Oo. Kahit mga gurang na, kinikilig pa din pag nasabihan ng maganda sila. Lalong lalo na pag galing sa isang sobrang gwapong tulad ko. Di naman porket menopause, di na marunong kiligin diba?
“Susmaryosep. Class dismiss!” sabi ni Ms. Z na nagsign of the crosss pa at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nagtawanan naman kami.
“Nice one, pre. Nakalusot ka na naman kay Miss Z. San tayo?”sabi sakin ni Zain pagtayo ko.
“Kain tayo. Di pa ko nagbbreakfast e.” Paalis na dapat kami kaso hinarangan kami ni Alexi.
“What the hell was that?” tanong niya na parang badtrip. Wew. Ang ganda niya padin kahit badtrip.
“Ang sama ni Miss Transferee o. What daw si Ms. Z.” sabi ko sa mga classmates ko kaya nagtawanan sila. Inirapan naman ako ni Alexi.
“Shut up. Walang nakakatawa. Napakawalang respeto niyo!”Napashut up naman yung mga classmate ko.
“Like, loosen up, girl. Who on earth do you think you are ba?”sabi ni Yulary. Ex ko na hanggang ngayon, obsessed padin sakin. Nagsisisi nga akong pinatulan ko yan e. Wala pa kasing isang oras na naging kami, nag-aya na agad mag-alam niyo na. Pero syempre, bilang isang gentleman na gwapo, di ako pumayag. Saka, naka-reserved na kasi ang unang kaligayahan ko para kay Liel e. =D
“Yulary, calm down, alright?” napatingin kami lahat kay Liel na lumapit kay Alexi. Ganda talaga oh. Kaya mahal na mahal ko yan e.
“Hi Alexi. I’m the president of this class. You can call me, Liel.”Nagoffer siya magshakehands kay Alexi pero tinignan lang siya ng babaeng transferee. Pucha. Binastos yung mahal ko. >=|
“Anong klaseng president ka? Imbis na pagsabihan mo tong mga loko mong classmate, sumasawsaw ka pa.” sabi ni Alexi pagkatapos niyang di pansinin yung kamay ni Liel. Amp. Para yun lang, galit na galit na?
“Alam mo Miss Transferee, uso yon dito kaya wag ka nang pumalag. Kung may problema ka dun, magdrop ka. Ganon lang kasimple yon.” Sabi ko para makaalis na kami. Nagwawala na kasi yung esophagus ko e. Gusto ng madaanan ng pagkaen.
“Alam mo Mr. Maangas, di porket uso, tama na. Walang excuse sa pagiging mali at walang respeto.” Lumapit ako sa kanya ng siryoso pagsabi niya nun.
“Weh? Ba’t ang ganda mo?” Parang umewan yung itsura niya na parang namula kaya natawa ako.
“Joke yon.” Pagkasabi ko nun, nagtawanan yung mga classmates ko. Parang nagalit naman yung itsura ni Alexi kaya nagsmirk ako.
“Yabang mo.” sabi niya nang galit tapos lumapit siya at binasag niya yung weakest point ng pagkalalake ko. Napaupo tuloy ako sa upuan habang naglalakad paalis si Alexi.
Amp. Manyak na babae! Manghihipo lang mananakit pa? Payag naman akong magpaharass e. =D
“Pre, gusto mo ng ice?” sabi ni Izzard na pinipigil yung tawa kaya tinignan ko siya ng masama.
Tangena. Humanda yang Alexi Henson na yan. Gaganti ako!Babasagin ko din yung weakest point ng pagkababae niya. =|