THIRTY THREE
“Next year ka na kasi magpunta dun.”kulit ko kay Alexi dito sa kotse ko. Ihahatid ko kasi siya sa may bus station dahil nga pupunta siyang probinsya.
“Baliw. Malapit na tayo e. Saka one week lang naman ako dun kaya di mo ko mamimiss.” Sabi niya nang patawa-tawa.
“Mamimiss kaya..” napahinto ako dahil naramdaman ko yung tingin niya sakin.
“..ikaw nila TitaMich.” Ramdam ko pa din yung tingin niya kaya medyo nailang ako. Wew. Ang torpe ko.
“Saka, walang gwapo dun na titigan mo tulad ng ginagawa mo ngayon.” Natawa lang siya sa sinabi ko habang ako naman, hininto ko na yung kotse dahil nakarating na kami sa may station.
“Ang hangin mo talaga. Sige. Bye na. Yung mga bata a.”bumaba na si Alexi ng kotse ko. Gusto ko nga sanang sumama kaso baka pagkaguluhan yung kagwapuhan ko dun. Bwahaha. Saka di rin pumayag sila Dad dahil baka manggulo lang daw ako dun.
Pinanood ko lang muna si Alexi sa pagsakay niya ng bus bago ako umalis papuntang orphanage. Ipapaalam ko kasi yung mga bata para dun sa huling event namin. Kailangan kasi ng mga bata dun sa Children’s Fair kaya ayun, nagvolunteer ako kay Alexi na ako na lang yung gagawa nun para sa kanya. Wala lang. Pinapakilig ko lang siya. Bwahaha.
Pagtapos ng isang oras nang pagddrive, nakarating din ako dun sa orphanage ng simbahan.
“Kuya Mayabang!” narinig kong sabi ni Grei pagbaba ko ng kotse. Wew. Ba’t parang mas naging cute pa to? Bwahaha.
“Oi, bata. Asan si Sister?” tanong ko pagkalapit ko sa kanila na kumakain ng pizza. Yaman e no? Papizza pizza na lang. Bwahaha.
“Asa loob e. Dusto mo?” inalok niya ko ng pizza. Kukunin ko na nga sana kaso kinaen niya bigla. Amp. Ayos mag-alok to e no? Paasa.
“Joke lang.” sabi niya pagkakaen tapos tumawa sila nung mga tropa niyang bata. Tsk.
“Gagu.” Ginulo ko yung buhok niya tapos pumasok na ko sa loob para kausapin si Sister.
Pagpasok ko, nagulat ako dahil may kausap na lalaki si Sister habang kumakain ng pizza. Tsk. Patay na. Gumagawa ng kasalanan si Sister. Bwahaha.
“Sister.” Napatingin sila sakin nung kausap niya.
“Sup, Aero?” tinignan ko nang mabuti yung lalaki. Wew. Gagu talaga tong si Gyptian o. Pati si Sister, di pinatawad. Bwahaha.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Sister samin nang nagtataka kaya tumango ako.
“Schoolmate po kami. Sige Sister, labas po muna ako. Thank you po sa pagpayag.” Nag-smirk pa sakin si Gyptian bago lumabas. Amp. Angas talaga.
Paglabas ni Gyptian, umupo ako dun sa may tapat ni Sister.
“Sister. Papaalam ko lang po yung mga bata para sa event ng school namin.” Nagsmile sakin si Sister.
“Para dun ba sa Fair niyo? Nasabi na ni Gyptian yon at pumayag na ko.” Inalok ako ni Sister nung pizza pero tumanggi ako.
“Ah ganon po ba? Sige, thank you nalang po.” Tumayo na ko para lumabas.
Amp. Naunahan ako ni Gyptian. Tsk. Ano nalang sasabihin ni Alexi neto? Mas gwapo gwapo ko pero ang bagal ko?
“Kuya Aero!” napatingin ako kay Shei na tinawag ako tapos lumapit siya sakin.
“Sama mo ko dun.” Hinila niya ko papunta dun kila Grei na nasa balikat ni Gyptian. Wew. Close pala sila?
“Ano meron?” tanong ko kay Shei.
“Niaaway nila ako ni Kuya G e.” sagot niya kaya nagtaka ako. Si Gyptian si Kuya G? Weh? Yung gagung to, tumutulong dito? Ayos a.
“E mas bagay si Ate Alexi at Kuya G e.” sabi ni Grei tapos tumawa sila. Amp.
“Di kaya. Mas bagay si Kuya Aero at Ate Alexi!” sabi naman ni Shei na dumila pa. Tama, tama. Mabaet talagang bata to e no? Nagsasabi ng totoo e. Bwahaha.
“Diba no, Kuya Aero, mas bagay kayo?” napatango lang ako dahil ang ewan ng tanong niya. Pero totoo naman diba? Mas gwapo kasi ako kay Gyptian kay mas bagay kami ni Alexi. Bwahaha.
“O-ha. Sabi sa inyo e.” tumawa lang si Gyptian nun kay Shei tapos tumunog yung cellphone niya kaya tinigan niya. Napasmile nga siya tapos binaba na niya si Grei.
“Ge, kids. Next time nalang ulit. Ingat kayo kay Kuya Mayabang a.” Sabi niya sa mga bata kaya tumawa sila bago siya tapos sakin.
“Pasabi kay Alexi, okay na yung sa event a.” sabi niya nang nangaasar tapos lumabas na. Amp. Teka, di kaya pupuntahan niya yung GF niya?
Dahil curious ako at gwapo, nagbye na ko sa mga bata para masundan si Gyptian.
Paglabas ko, nakita ko siyang sumakay ng kotse kaya sumakay din ako ng kotse at sinundan sila.
Huminto yung kotse nila sa may mall kaya huminto din ako. Tapos nun, bumaba si Gyptian kasama nung babaeng mahaba yung buhok na pamilyar yung likod. Susundan ko na sana sila kaso biglang nawala nung pagpark ko ng kotse. Tsk. Sayang.
Dahil wala narin akong gagawin nun, nagpunta nalang ako ng KFC para kumaen. Wala na kong pake kung magmukhang loner ako. Ayos lang naman maging ganon kapag gwapo e. Bwahaha.
Pagkaorder ko, umupo ako sa may table malapit sa may counter. Tapos nun, nagsimula na kong kumain habang iniisip kung ano nang ginagawa ni Alexi.
Habang kumakain ako, pumasok si Gyptian na kasama yung babaeng pamilyar yung mukha. Teka.
Si Goldy to na naka-wig a? Bwahaha. Nagdadate sila?
“Gyptian!” sumigaw ako kaya tumingin sila ni Goldy sakin. Parang umewan nga yung itsura ni Gyptian kaya natawa ako. Bwahaha.
Lumapit si Goldy sakin habang si Gyptian naman tumingin lang nang masama tapos umorder na.
“Hi there, Aero. Why you like, eating here so alone? Wanna me to join you?” sabi niya kaya natawa ako. Ang pode ng itsura e.
“Wag na, baka magalit date mo e.” sabi ko nang patawa-tawa.
“Don’t be like in jealousy that, I was just making accompany him in buying out there.” Dagdag niya kaya nabadtrip ako. Ang gagu e.
Dahil naasar ako nun, kumain lang ako hanggang sa lumapit si Gyptian na may dalang maraming take out.
“Tara na, kups.” Sabi niya kay Goldy tapos umalis na sila. Bwahaha. Ano na kaya gagawin nila?
Pero teka, di kaya si GoldY si Y? Bwahaha.