Deviltale [#17]

15.1K 238 16
                                    

SEVENTEEN


“Oi, samahan mo na ko sa mall!” kulet ko kay Alexi dito sa kwarto ko pagkatapos ko gawin yung report ko.

“Ehh. Nakakatamad. Natulungan naman na kita sa report mo e.”reply niya. Nagpatulong kasi ako kahit sobrang dali lang nung irereport ko.

“Weh. Gara o. Pero pag siya sinasamahan ko kahit saan. Sayang. Ang ganda mo pa naman.” Binatukan niya ko.

“Oo na. Ang lupet din ng strategy mo humingi ng favor no? Panggi-guilty at pambobola.” Sabi niya nang patawa-tawa.

“Ganon talaga pag gwapo.” natawa lang ulit siya.

“Whatev. Sige, magbibihis lang ako.” Paglabas niya, sinara ko na yung laptop at bumaba sa sala.

“Manang G, Aalis lang-“ napahinto ako dahil nasa sala yung nerd na kabarkada nila Yulary.

“Cynthia. Napadaan ka dito?” Napatingin ako kay Alexi na galing hagdan. Wew. Ba’t parang gumanda siya ngayon? Dahil sa suot niya? Tama, yun lang yon. Wag mag-isip ng kung ano ano.

“Isosoli ko lang tong notes mo. Thanks ha.” Nagsmile yung Cynthia kay Alexi tapos nagpaalam na. Ayos a. Friends pala sila.

Kinuha ko lang yung cellphone ko sa mesa tapos lumabas na kami  at sumakay ng kotse. Tahimik nga kami dahil ewan ko din. 

“Friends pala kayo ni Cynthia?” tanong ko para may maitanong lang. Bwahaha. Saka di naman kasi sila nag-uusap sa school.

“Ah, oo. Scholar din kasi siya tulad ko e.” sagot niya tapos natahimik ulit siya. Nanahimik din naman ako hanggang sa makarating kami ng mall.

“Ano bang bibilin mo?” tanong niya pagkapasok namin. 

“Basta.” Hinila ko siya at nagpunta sa may cine. Amp. Not Showing yung movie na naresearch ko. Badtrip.

“Magccine tayo?” tanong niya pero di ko lang pinansin at hinala ko ulit siya dun sa may mga DVD movies. Ngayon ko lang nga napansin na suot niya yung bracelet na binigay ko e. Kaya pala ang ganda niya. Bwahaha. Oi, wag niyo na ipakonek. Mahirap. Bwahaha.

“Napanood mo na to?” pinakita ko yung DVD ng The Notebook. Di niya lang  ako pinansin. Amp. Gumaganti.

“Oi. Di bagay sa maganda ang snob.” Natawa siya sa sinabi ko tapos kinuha niya yung DVD na pinakita ko. Sabi kasi sa internet, nakakaiyak daw yun e.

“Di pa. Bakit?” kinuha ko ulit yung DVD sa kanya at binayaran.

“Tara na. Uwi na tayo.” naglakad na ko at iniwan siya.

“Ang weird mo, alam mo yon?” sabi niya nung nakahabol na siya sakin.

“Gwapo naman.” inirapan niya ko nang pabiro. Sasabihin ko na sana na maganda din naman siya nang pabiro pero nagpunta siya dun sa may bilihan ng laptop.

“Ang cute nung pink.” Sabi niya. Teka, parang may laptop dun sa NTMSWDFM niya a. Tsk. Ewan. Titignan ko nalang mamaya.

“Favorite color mo yon no?” tanong ko na kunwari di ko alam. Nagsmile lang siya.

“Yep. Ikaw ba?” tanong niya. 

“#006400” tinaasan niya  ako ng kilay.

“Bagong kulay ba yon?” natawa siya sa joke niya kaya nakitawa na lang din ako.  Baka mapahiya e. Bwahaha.

“Google mo na lang.” pagkasabi ko nun, hinila niya ako at umakyat ng escalator. Huminto  kami sa may computer shop. Cool. May ganito din pala sa ganito. Sorry a. Cine, foodtrip at pagbili lang ginawa ko dito e.

Pumasok si Alexi sa computer shop kaya sinundan ko siya. Nag-log siya ng isang computer tapos ginoogle yung “#006400”.

“Talagang ginoogle mo a?” sabi ko nang patawa-tawa.

“Syempre. Ayokong may di alam e.  Ang swerte nga natin dahil naimbento na ang google e. I mean, kung icocompare mo sa lumang panahon, mas madali yung pag-gain natin ng knowledge. Ilang click lang, alam na agad natin yung sagot.”Tumayo na siya at nagbayad dun sa counter. Iba talaga pag scholar no? Masyadong studious.

Pagkabayad niya, lumabas na kami  at bumaba sa escalator.

“Greenwich muna tayo.” Sabi ni Alexi nang patawa-tawa. Amp. Nang-aasar ba to?

“Chill lang. Gusto ko lang mawala ang bitterness mo dun dahil favorite ko yun.” Dagdag niya nung tinignan ko siya nang masama. Kung sa bagay, favorite ko din yon e.

“Tara.” nagpunta kami sa pinakamalapit na Greenwich at bumili ng dalawang lasagna at maraming garlic bread. Adik ako sa ganito e. 

“Favorite mo din ang Garlic Bread?” tanong niya nung dumating yung order.

“Yep. Di masarap ang Lasagna kapag wala to e.” nag-agree siya sa sinabi ko tapos kumain na. Tahimik lang nga kami dahil gutom kami pareho.

“So.. Matagal mo na siyang mahal?” napatingin ako sa kanya pagkaubos ko ng lasagna ko. 

“Come on. Mas okay kapag nilalabas yan. Sige ka, di ka makakamove on.” Pucha. Ba’t ba lagi nalang siyang tama?

“Yep. Simula first year pa.” reply ko tapos kumain ulit ako ng garlic bread dahil madami pang natitira.

“Ah. Cool. First love mo? Ba’t di mo niligawan?” Tsk. Ba’t ba interesado siya masyado? Inlove na siguro sakin to no? Bwahaha.

“May ibang gusto e. Ikaw ba, may mahal ka ngayon?" Parang namula siya sa sinabi ko. Bwahaha. Pag ganyan, sa kausap inlove diba? Ayos. 

“W-wala. Tara na.” Tumayo siya na halatang naiilang. Bwahaha. Guilty. Wag ka mag-aalala, Alexi. Magiging tayo naman. Mababasag lang nga talaga yang puso mo. Bwahaha.

Sinundan ko na siya na sobrang bilis maglakad. Pagbalik namin ng kotse, nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa ko kaya tinignan ko. Si Liel pala. Di ko nga binasa at nilapag ko lang sa may harap ko. Wala lang. Baka mabadtrip lang kasi ako.

Nagdrive lang ako nang tahimik hanggang sa makauwi kami ng bahay. Pagpasok namin, binukas ko agad yung DVD at inayang manood si  Alexi.

“Bilis na. Maganda daw to e.” pilit ko pero tinawanan niya lang ako.

“Siryoso, Aero? Nanonood ka ng ganyan?”tinignan ko siya nang masama tapos hinila ko siya paupo.  

Nung nasa gitnang part na yung movie, inisip ko na sila Liel para maiyak ako. Teka. Ginagawa ko lang to dahil part to ng plano ko a. Di ako weak!

Pagtapos ng ilang minuto, di ako naiyak. Naasar lang kasi ako kapag naiisip ko sila e.  Kaya ayun, sumimple nalang  ako ng kuha sa eyedrops sa bulsa ko tapos pinatak ko sa mata ko.

Nung parang umiiyak na ko, may pumasok bigla sa pinto kaya napatingin ako.

“Sup, Aero?” parang natatawa si Gyptian nung nakita ako. Amp. Malas. Pinause ko yung movie tapos nagpunas ng luha gamit yung braso ko. Naramdaman ko nga yung tingin ni Alexi kaya alam kong accomplished na yung number 3 sa NTMSWDFM niya.

 “Peram kotse.”  Binigay ko yung susi sa kanya kaya umalis na siya. Gara nga e. Di siya nangbadtrip ngayon. Pero mas ayos na yon kesa naman sirain niya pa yung araw ko.

Umupo na ko ulit  sa sofa para manood nung movie. Nakatingin nga sakin si Alexi na parang nagtataka kaya nagsmile ako.

“Game na. Play mo na.” Pinindot niya yung play sa control tapos nanood lang kami buong movie nang tahimik. Di ko nga naintindihan masyado dahil sila Liel yung iniisip ko. 

Nung patapos na yung movie, umiiyak na ng todo si Alexi. Napasmile nga ako e.

Ang ganda niya padin kasi kahit umiiyak.

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon