Deviltale [#30]

13.3K 221 27
                                    

THIRTY


“Oi. Wag mong sasabihin kay Alexi yung plano ko sa kanya a? Kundi alam mo na.” text ni Gyptian sakin. Amp. Sayang. Gagamitin ko pa naman sana yon para di siya sagutin ni Alexi. Bwahaha.

Itetext ko na sana siya na wala ng pustahan dahil di naman talaga ako pumayag. Kaso amp, wala na kong load kaya nilagay ko na yung phone ko sa bag at lumabas na ko. Papaexperience kasi samin maligo dun sa may waterfalls kaya iniwan ko dun. Astig nga e. Pwede daw kasi tumalon kung trip namin.

Paglabas ko ng tent, nakita ko si Izzard na kausap si Cynthia tapos biglang umalis si Cythia na parang badtrip. Nagulat pa nga siya nung nakita ako bago umiwas ng tingin e.

“Oi, LQ kayo?” tanong ko  nang patawa-tawa kay Izzard pero di lang siya sumagot. Tsk. Wala na naman sa mood ang gagu.

“Chill lang, pre. Nagjojoke lang ako.” nagsmile siya ng pilit tapos nagpunta na kami sa may waterfalls. 

Pagdating namin dun, nakita ko si Gyptian na kausap si Alexi. Nagsmirk pa nga sakin yung gagu nung nakita ako e. Amp. Pano ko ba liligawan si Alexi kung iba gusto niya? Teka. Pano nga ba manligaw? Sorry a? Di kasi talaga ako nanliligaw. Oo. Siryoso. Tinatanong ko lang kasi yung 100+ na ex ko kung gusto nila magkabf na gwapo tapos nagiging kami na e. Kaso imposibleng pwede yung kay Alexi e. Iba kasi siya e. Saka.. Err. Mahirap. 

Napansin kong nakasmile sakin si Alexi nun kaya nagsmile din ako tapos umiwas agad ako ng tingin. Tsk. Ba’t ba ang weak ko sa ganito? 

“Yii.” Sabi ni Liel at Zain dun sa gilid. Amp. Alam kasi nila na mahal ko nga si Alexi. Nagpapatulong kasi ako sa panliligaw e. 

Di ko lang sila nun pinansin kaya tumawa sila.

“Grabe, Aero. Ang torpe mo talaga.” tinignan ko si Liel nang masama. Amp nga e. Tumawa lang kasi siya tapos tinawag niya si Alexi kaya lumapit sila ni Gyptian.

“Bakit?” tanong ni Alexi paglapit nila.

“Talon tayo sa falls.” Aya ni Liel tapos kumindat siya sakin. Tsk. Anong plano neto?

“Come on.” Hinila niya si Alexi kaya sumunod kami ni Zain. Kasama nga si Gyptian na patawa-tawa kaya nabadtrip ako. Ang angas e. 

Pagdating namin dun sa taas ng falls, nakita namin sila Tiara at Goldy na naguusap.

“Go like if you can go, Tiara. I bet you wouldn’t like, be there and jump.” Sabi ni Goldy tapos tinulak siya ni Tiara kaya natawa ako. Ang bading nang pagsigaw e. 

Tapos nun, tumalon din si Tiara. Nagkatsunami tuloy. Bwahaha.

Habang tumatawa sila Goldy at Tiara sa baba, napansin ko sila Izzard at Cynthia dun sa may batuhan na naguusap. Gara nga e. Ngayon ko lang napansin na nagkakamabutihan na sila. 

“Liel, I can’t do it, okay? Takot ako sa heights.” Napatingin ako kay Alexi na halatang kinakabahan. Di lang naman siya pinansin ni Liel dahil busy sila ni Zain sa pagtulak kay Gyptian patalon sa pababa. 

Nung natulak na nila, tumalon din sila nang magkaholding hands pa. Kami nalang tuloy ni Alexi naiwan sa taas habang tumatawa naman yung tatlo sa baba. Amp. Anong gagawin ko?

“Alexi. Aero. Jump na!” sigaw ni Liel sa baba kaya tinignan ko si Alexi.

“Di mo kailangan ma-pressure.” Sabi ko nang nakasmile kahit nagwawala na yung butterflies sa lungs ko. Yun daw kasi tawag sa ewan na feeling sabi ni Zain e. Bwahaha.

Nagsmile lang naman si Alexi sakin kahit halatang takot siya.

“Hindi. I need to face my fears.” Pagkasabi niya nun, huminga siya nang malalim tapos muntik na siyang madulas. Medyo natawa nga ako dahil ang cute ng itsura niya na parang kinabahan na ewan e. 

“OMG. Tara, baba na tayo.” Sabi niya kaya natawa ako lalo. Saka ko lang napansin na hinila niya pala yung kamay ko. Sht. Sana lagi nalang siyang takot. =D

“Sabi ko sayo di mo kailangan mapressure e.” Sabi ko nang patawa-tawa habang bumababa kami dun sa may hagdan na bato.

“E kasi..” binitawan niya ko tapos umiyak siya.  Amp. Bakit?

“Err. Ayos ka lang?” Dun ko lang napansin  na nanginginig pala siya. Amp. Ba’t ngayon ko lang pinansin. Tsk. Pinagtawanan ko pa. Ang gagu ko talaga minsan.

Kinapa ko yung bulsa ko nun para sa panyo ko. Kaso amp, nasa bag ko nga pala. Kaya yun, niyakap ko nalang siya at dun umiyak siya sa tshirt ko. Ang bilis tuloy ng heartbeat ko.

“Sige iyak lang. Isipin mo nalang panyo ako na gwapo.” natawa siya tapos pinalo ako nang pabiro. Yon. Bawal umiyak pag mahal ko e. =D

“Ano ba meron sa heights?” tanong ko nung medyo nakarecover na siya. Nagsmile na nga siya kaya natuwa ako e.

“Share. Yan hirap sa inyong mga babae e. Wala kayong tiwala sa mga gwapo.”  Pinalo niya ulit ako nang pabiro.

“Ang hangin mo talaga kahit kailan. Natuyo luha ko e.” Sabi niya tapos umupo siya sa may hagdan na bato. Umupo rin naman ako dun sa tabi niya.

“Gwapo naman.” Tumawa lang siya ulit tapos sumiryoso yung itsura.

“Uhm. Aero. Sasagutin kita pero secret lang a?” Tinignan ko siya ng gulat. Kaso naalala ko na tinanong ko nga pala siya kung anong meron sa heights. Tsk. Napahiya utak ko dun a. Bwahaha.

Umupo ako sa tabi niya para makwento na niya kung bakit siya takot sa heights.

“Sure.  Di bagay sa gwapo nagkakalat ng secret e.” tumawa ulit siya tapos sumiryoso na yung itsura niya.

“Nung bata kasi ako, umakyat ako sa may  third floor nung ginagawang bahay namin. Since walang pader dun. Nahulog ako. Grabe. I was so scared nun. Pumikit nalang nga ako dahil wala narin akong magawa.” Wew. Buti  nakasurvive siya?

“Tapos..” naiiyak na ulit siya.

“Pagdilat ko. Nagulat ako dahil di ako nasaktan. Then I saw my Dad sa ilalim ko. Tumalon pala siya para protektahan ako. He told me he loved me and then.. He died.  I killed him, Aero.”Wew ulit. Akala ko pa naman simpleng phobia lang yon.

Nanahimik lang ako nun habang umiiyak siya sa balikat ko. Wala akong masabi e. Ba’t ba ang hirap magpatahan ng tao? No match pati yung mga gwapo e. Bwahaha.

Pagtapos ng ilang minuto, dumating yung camp master kaya tumayo na kami. 

“Okay ka na?” nagsmile siya kahit halatang malungkot parin siya.

“Yep. Thank you.” Sasabihin ko na sana na no problem kaso nagulat ako nung hinalikan niya ko sa pisngi tapos tumakbo  siya pababa.

Amp. Nakanakaw na naman ng kiss si Alexi sakin.  Tsk. 

Humanda siya. Gaganti ako. =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon