THIRTEEN
“1.Heat oil in skillet and sauté shallots.” PUT@NGENA. Sakit sa utak. Ano ba yung mga sht na to? Amp.
Tinignan ko yung mga gamit sa kusina. Alin ba yung skillet dito? Yung takure ba yon? Pucha. Brainbleed. Teka, alam ko na.
“Alexi!” bumaba si Alexi sa hagdan pagkatawag ko.
“Pa-explain nga to.” Pinakita ko sa kanya yung How to make a carbonara na naresearch ko. Tinuro niya naman kung anong tawag dun sa mga ingredients at kung ano yung skillet at sauté shallots shits.
“Magluluto ka?” hindi. Bwahaha. Kunwari lang kasi na magluluto ko pero ang totoo, ipapaluto ko lang kay Manang G to. Gusto ko lang makita ni Alexi na lulutuin ko to para maaccomplish ko yung number two sa NTMSWDMF niya.
“Oo, sige, akyat ka na sa taas. Nakakadistract yang ganda mo e.” Joke ko tapos kinuha ko yung sibuyas para hiwain kunwari . Teka. Pano ba hinihawa to? Ah ewan.
Kinuha ko yung kutsilyo nun at naghiwa na. Nakikita ko padin nga si Alexi sa gilid ng mata ko kaya huminto ako para paalisin ulit siya.
“Umakyat ka na nga sa taas. Di porket gwapo ako di na ako marunong ma-conscious.” sabi ko na badtrip kunwari. Tumawa naman siya.
“Binabalitan kasi yan e.” kinuha niya yung sibuyas at kutsilyo sakin tapos binalatan at hiniwa niya.
“Alam ko, naconscious lang ako sa pagtitig mo.” parang naginit yung gwapo kong mukha . Pucha. Napahiya ako e. Kasi naman ayaw pang umalis e.
“Alis na kasi e.” inagaw ko yung sibuyas na kukunin niya dapat.
“Tulungan na kita.” Sabi niya nang siryoso tapos inagaw yung sibuyas sakin. Di pwede. Baka sabihin niya nag-cheat ako sa number two ng NTMSWDFM niya kapag tumulong siya.
“Para kay Liel ba to?” nagulat ako sa sinabi niya habang naghihiwa. Di tuloy ako nakapagsalita.
“Crush mo siya no? Oh wait. Lemme rephrase that. Mahal mo siya no?” dagdag niya nang patawa-tawa. Waa. Ba’t niya alam? Tsk. Pero di ako aamin. Bwahaha.
“Hindi. Ikaw kaya mahal ko.” Joke ko tapos tumawa ako. Parang umewan nga yung itsura niya tapos binaba yung kutsilyo. Bwahaha.
“Epal ka talaga.” Sabi niya tapos umakyat na siya. Bwahaha. Pustahan, kinikilig na sa taas yon. =D
Pagkatapos ng ilang minuto, umakyat ako sa taas para tignan kung nasa kwarto si Alexi. Ayos. Mukhang tulog pa siya.
Pinuntahan ko nun si Manang G sa kwarto niya kaso amp, umalis nga pala siya . Oo na. Fail na ang plano ko. Tsk. Pano na to? Teka, alam ko na. Bibili na lang ako sa restaurant. Bwahaha.
Lumabas ako agad nun at sumakay ng kotse ko. Nagpunta ako dun sa restaurant na binibilan namin ng Carbonara. Pagpasok ako, may nabangga akong babae.
“Sorry.” parang nagulat siya nung nakita ako at nagmadaling umalis. Teka, kamuka niya yung nerd na recruit nila Yulary a? Pero impossible, baka kapatid niya lang. Sobrang ganda kasi tapos ang hot pumorma.
Bumili na ko nun ng Carbonara tapos umuwe na agad ako. Pagpasok ko ng bahay, dumiretso ako sa kusina at nilipat yung binili ko sa plato. Ayos. Pag nabigay ko na to kay Alexi, 7 things na lang at mababasag ko na ang puso niya. Bwahaha.
Ang sama ko ba? Di naman. Tinutulungan ko lang ang karma sa paggawa ng trabaho niya. Isipin niyo nalang kung ilang metlog[ngogo version ulit. Lol] ang nabasag ni Alexi sa buong buhay niya. Sakin pa lang nga nakatatlo na siya e. Pano pa kay sa iba diba? Kaya eto na ang karma niyang digital: nablublutooth, nadodownload, nacocopy-paste at iba pa. Bwahaha.
Pagkalipat ko nung carbonara sa plato, tinago ko na yung mga binili ko na ingredients. Badtrip nga e. Meron naman pala kaming stock nun, bumili pa ko. Pero oh well, di na importante yun basta magawa ko lang ang number two sa NTMSWDFM ni Alexi.
Nanood lang ako ng TV habang hinihintay gumising si Alexi. Ang tagal nga e.
“Aero, Si Manang G?” Sa wakas. Gumising din. Kala ko binangungot na siya e. Bwahaha.
“Wala e. Umalis.” Reply ko habang iniisip kung pano ko maiaalok sa kanya yung Carbonara.
Nag-okay lang siya nun tapos naupo sa tabi ko. Tahimik lang kami na nanonood ng TV. Err. Pano ko ba sasabihin na pinagluto ko siya?
Pucha. Pati ba naman sa pekeng pagpapasweet, matotorpe ako?
Oo, inaaamin ko. Isa ako sa mga torpeng gwapo ng panahon na to. Ewan ko ba. Ang ewan kasi ng feeling magsabi ng feelings e. Kaya nga dinadaan ko lahat sa biro at pambobola. Malabo ba? Basta. Mahirap iexplain at intindihin kaya oo na lang kayo. Ang importante naman gwapo ako diba? =D
“Musta tulog mo?” tanong ko. Come on. Itanong mo na yung niluto ko para sasabihin ko na para sayo yun.
“Ayos lang.” reply niya. Tsk. Walang kwentang sumagot.
“Ah okay.” Natahimik ulit kami nun at nanood ng tv. Nag-isip naman ulit ako.
“Nagugutom na ko.” Parinig ko para ma-alok siya. Napatingin naman siya saken.
“Gusto mong kumaen?” nagsmile siya tapos nagshake ng head. PUT@NGENA.
“Ah okay. Sayang naman yung Carbonara.” Sabi ko na parang wala lang tapos tumayo na ko. Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko at nakita ko na parang nagbago yung expression niya. Ayos.
“Teka, gutom pala ako.” Sabi niya kaya natawa ako. Sus. Pakipot lang pala to e.
Nagpunta na kami nun sa dining table at kumain.
“Sarap.” sabi niya na parang bata kaya natawa ako. Ayos. Naaccomplish ko na yung number two sa NTMSWDFM niya. Bwahaha.
“Syempre, gwapo yung nagluto e.” joke ko kaya napatigil siya sa pagkain.
“Hindi pala.” Pucha. Binawi?
“Weh. Kaya pala nakakatatlong plato ka na.” Tinignan niya lang ako ng masama tapos parang may narealized siya.
“Di ba para kay Liel to?” Amp. Eto na naman siya sa Liel. Halata ba ko masyado? Teka, hindi.Nabasa niya nga pala yung story ko.
“Hindi ah. Para sayo yan.” Pagkasabi ko nun, nanlaki yung mata niya. Parang naginit naman yung mukha ko dahil ewan ko din. Buti nalang nga may nagbukas ng pinto kaya napatingin kami pareho.
“Sup, guys?” sabi ni Tita Mich. Kasama niya si Manang G at si
“Dad?” Cool. He’s back. =D