Deviltale [#21]

14.9K 234 19
                                    

TWENTY ONE


“Aero, bilisan mo.” Sigaw ni Alexi sa labas ng kwarto ko habang sinusuot ko yung pantalon ko.

Nalate kasi ako ng gising para dun sa pagpapasched namin ng venue at pag-aayos ng iba pang sht sa Friendship Prom next week. Prom yun para sa mga sophomores at freshmen na pauso ni Alexi.  Strategy niya kasi yun para makuha boto nila kahit di naman talaga kailangan. Syempre, sa kagwapuhan ko palang, amin na boto nila. Bwahaha.

Pero oh well, wala namang nangyaring botohan e. Dahil kasi sa nangyari kay Yulary, pinagsama lang yung dalawang parties at wala nang naging election.  Kaya ang nangyari, si Goldy yung treasurer habang si Cynthia yung isang representative. Ayaw na kasi sumali nung iba nilang kabarkada at masyadong nadepressed ata sa nangyari sa leader nila. Si Zain naman at Tiara, nagvolunteer na mag-giveway dahil ayaw naman daw talaga nila. Amp nga si Zain e. Di sinoli yung 5k ko. Wala daw kasi sa usapan yun. Nabadtrip tuloy ako. Ang gagu kasi mangatwiran e. Bwahaha.
 
“Eto na.” Kinuha ko yung Tshirt ko at binukas yung pinto dahil galit na galit na yung tono ni Alexi.

“Ano ba-“ umewan yung itsura niya tapos tumalikod. Tsk. Nagnasa na naman sa hot kong katawan. Bwahaha.

“Magtshirt ka na nga. Tara na sa baba.” Nagtshirt naman agad ako at sinundan siya. 

Pagbaba namin ng sala, andun si Gyptian na nanonood ng TV. Oo. Batch representative padin siya. Nagulat nga ako at di siya umayaw e.

“Tagal mo pre a?” sabi niya tapos  tumayo na siya at pinatay yung tv. Di ko lang siya pinansin kaya tumawa siya.

“Asan na yung iba?” tanong ko kay Alexi dahil anim dapat kami dito.

“Pinapunta ko na sa may ari nung venue. Tayo nalang mag-aayos nung sa music at catering.” Nag-‘okay’ lang ako nun tapos lumabas na kami.

“Dito tayo sa likod, Alexi.” Aya ni Gyptian kay Alexi kaya dun sila sumakay. Ako naman, naiwan sa harap mag-isa.

Habang nagddrive ako, ang ingay nung dalawa sa likod. Ang saya nga ng tawa ni Alexi kaya medyo natatawa ako. Kasi ewan ko din. Nakakatawa yung tawa niya? May ganon diba? Oo kayo. Di maganda sa maganda/gwapo ang pumapalag. Bwahaha.

“Alam mo ba nung grade 6 kami, umiyak si Aero dahil pinagtripan ni Liel?” tumawa ulit si  Alexi sa sinabi ni Gyptian. Pucha. Ba’t ako bigla pinagkwentuhan nila? Porket gwapo lagi ng topic? =D

“Omg, Aero. Kahit dati pa, pinapaiyak ka na ni Liel?” tinignan ko nang masama si Alexi sa salamin sa harap kaya tumawa sila. Tsk. Lakas mangtrip.
 
“Wag nga kayong maingay.” sabi ko nang badtrip dahil sa dinami dami ng pagkkwentuhan, ako pa talaga. 

“Oo. tapos nung magpapatuli na yan, umiyak din dahil takot na takot.” Sabi ulit ni Gyptian kaya tumawa si Alexi.

“Ungas. Pauso ka masyado a.” Totoo naman e. Di ako umiyak nun. Kinabahan lang ako nun kasi baka kung anong gawin sakin nung doctor. Alam niyo na, gwapo ako e. Syempre, nakakaparanoid. Bwahaha.

“Woo. Kaya pala tinakot ka pa ni Tito Pierro bago ka nagpatuli.”Tumawa ulit si Alexi sa sinabi ni Gyptian. Ang lupet nga ng tawa niya e. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyang kasaya. 

Amp.  Teka nga. Ba’t  ba ang dami kong napapansin ngayon? Ay, nevermind. Gwapo nga pala ako. Bwahaha.

“Talaga? Anong sabi ni Sir Pierro?” tanong ni Alexi nang patawa-tawa.

“Baguhin niyo nga yang topic niyo. Nakakabadtrip e.” sabi ko dahil napakadami namang ibang topic sa mundo.

“Ano nga sabi ng Dad mo nun, pre?” patawa-tawa pa talaga si Gyptian  habang tinatanong  ako tapos parang nag-isip siya. Tsk. Lakas mangimbento.

“Ah. Ganito sabi ni Tito Pierro nun e.” huminto siya tapos parang pinalaki yung boses.

“Aero, pag di mo ginawa to, di ka sasagutin ni Liel kahit kailan.”Tumawa ulit si Alexi. Natawa nga din ako dahil parang ewan lang yung boses ni Gyptian.

“Tsk. Barbero.”sabi ko lang tapos nagconcentrate na ulit ako sa pagddrive.

“Tapos meron pa e…” natahimik sila sa likod ko kaya tumingin ako sa salamin sa taas. Tumawa naman sila nung napansin ako.

“Oi. Ano yan?” tumigil sila sa kakatawa tapos nagtinginan sila  at tumawa ulit. Amp.

“Sige lang. Pagtripan niyo pa ko, ibabangga ko to.” Tumawa lang ulit sila kaya tinapakan ko yung break at parang tumalsik sila papuntang harapan. Bwahaha. Ako pa napili nilang pagtripan a.

“Sorry. Natapakan.” Sabi ko lang nang patawatawa tapos tinignan ko sila sa may salamin. Nagbulungan ulit sila tapos tumawa. Tsk. Ewan.

Nagdrive lang ako nun nang tahimik habang ang ingay padin nung dalawa sa likod. Badtrip. Pano ba sila naging close nang ganyan? 

Nung nakarating na kami dun sa restaurant na magcacatering, bumaba na yung dalawa at iniwan ako. Amp. Parang driver lang a. Oh well, gwapo naman. Bwahaha.

“50,000 for everything. Deal?” Sabi nung manager na babae pagpasok ko.

“Deal. We’ll send you the details.” May pinirmahan si Gyptian na papel tapos tumayo na siya at hinila si Alexi papunta sakin. Naka-english pa ang gagu e no? Bwahaha.

“Grabe. Ang mahal nun. Hanap na lang tayo ng iba.” Sabi ni Alexi kay Gyptian pero nagsmile lang yung gagu.

“Wag ka mag-aalala. Si Goldy naman treasurer natin e. Barya lang sa kanya yon.” Natawa ako sa sinabi ni Gyptian. Mayaman kasi  si Goldy e. Ang alam ko nga transferee yon galing US e. Hulaan niyo nalang kung bakit lumipat dito. Bwahaha.

Pero kawawa yon kila Yulary e. Lagi nauutong manlibre. Tingin ko nga kaya siya sinali sa barkada nila dahil lang sa dun e. Pero oh well, wala akong pake. Bwahaha.

“Tara, mall tayo. Nakakatamad pang umuwe e.” Sabi ni Gyptian samin.

“Mag-isa ka.” Reply ko nang badtrip. Gusto ko nang umuwe e.

“Sus, kj neto o. Sige ka pag di tayo nagmall..” nag-grin siya habang nakatingin samin si Alexi. Pucha. Blackmail na naman.

“Joke lang. Di ka na mabiro ngayon?” Sabi ko nang patawa-tawa tapos tinignan ko siya nang masama nung di na nakatingin si Alexi.

“Ayos. Tara Alexi, sa likod ulit tayo.” Sumakay na ko ng kotse nun at nagdrive papuntang SM. Nagkulitan lang ulit yung dalawa kaya nabadtrip lang ako.

“Libre mo to diba, Aero?” sabi ni Gyptian pagpasok namin sa may Greenwih tapos nag-grin siya. Oo na. Pucha. Lakas mangblackmail.

“Wow. Baet mo ngayon a?” tumawa lang si Alexi tapos naglakad na sila at umorder sa counter. Ang dami ngang inorder ni Gyptian e. Lasagna tapos tatlong box ng hawaian pizza na takeout. Amp. Gagu talaga to. Pang-asar e. 

Mayaman din kasi yang si Gyptian e. Malakas lang talaga mangurakot. Siryoso. May tatlong kotse pa nga yan na hindi pinapagamit sa kanya ng parents niya dahil sa mga kalokohan niya e. Kawawa e no? Buti pa ko, gwapo na, mabaet pa parents.  Bwahaha

Kumain lang ako nang tahimik ng lasagna at maraming garlic bread habang yung dalawa ay nagkukulitan na naman. Badtrip nga e. OP na naman ako. Sa susunod talaga kina Cynthia at Goldy nalang ako sasama. Baka sakaling di pa ko masyadong mabadtrip.

Pagtapos namin kumain, nagcr muna si Alexi kaya naiwan kaming dalawa sa table.

“Ano bang problema mo?” tanong ko kay Gyptian dahil kanina pa siya nangbabadtrip.

“Wala. Bakit?” tumayo siya na medyo natatawa. Pucha. Pang-asar talaga.

“Alam mo, boy. Kung nagseselos ka samin, ikaw yung may problema, di ako.” Tumawa siya tapos umalis at nagpunta sa CR.  Amp.

Sa gwapo kong to magseselos ako? Asa.

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon