Deviltale [#24]

14K 243 24
                                    

TWENTY FOUR


Pano ba malalaman kung mahal mo yung isang tao? Teka, nakakatamad maggoogle kaya kung balak niyong isuggest yon, manahimik nalang kayo. Bwahaha.

Pero ba’t ba kasi ako naguguluhan? Sigurado naman akong mahal ko si Liel e. Kasi maganda siya, mabaet, matalino at masarap maging asawa. Diba ganon naman pag mahal mo? Tapos nasasaktan ka kapag may gustong iba?

Kaya tama. Di ko mahal si Alexi.

Oo sige, maganda siya. Pero di siya yung tipo ng babaeng mamahalin ko e. Di naman kasi lahat ng gwapo tumitingin lang sa panlabas e. Syempre, gusto din namin yung kagaya ni Liel. Yung tipong kahit saang angulo mo tignan, masarap maging asawa. Bwahaha.

Kaya tama talaga. Hindi ko mahal si Alexi. Bakit ko nga naman mamahalin yun? Ang sama nga nun e. Sino ba namang mangangarap mapangasawa ang isang babaeng mahilig mangbasag ng ano? Wala naman diba? Kung ngayon palang nga malapit na siyang makabaog, pano pa kaya pag asawa ko-. Na nila siya. Baka nga maglevel up pa yung pambabasag niya sa pangdidisect at iba pa e. Bwahaha.

Kaya asa, malabong mahalin ko yon. Kaya ko lang naman ginagawa yung NTMSWDFM niya para gumanti diba? Kaya nga di ko na talaga itutuloy yon dahil baka mahalin ko-. niya pa ko e.

“Aero?”Tinignan ko si Alexi na umupo sa tabi ko. Nakahiga kasi ako sa may terrace namin ngayon dahil gusto kong mag-isip. Amp. Nakakailang. Gagu kasing Gyptian, ang daming pauso e.

“Bakit?”sabi ko nang di tumitingin. Ang ewan na naman kasi ng nararamdaman ko e. Tsk. Anong klaseng sakit ba to?

“Wala lang. Ba’t tahimik ka simula kahapon?”tanong niya tapos nahiga din siya. Kung nagtataka kayo, nagswimming lang kasi ako nang mag-isa habang nagkukulitan sila ni Gyptian kahapon. Wala lang. Nakaka-OP e.

“Trip ko lang.”reply ko. Amp. Ano ba tong nararamdaman ko? Parang di ako mapakali na ewan. Tsk. Magoogle nga to mamaya. Baka may nakakamatay na kong sakit e. Bwahaha. Joke lang. Baka malungkot pa kayo pag nabawasan ng gwapong tulad ko e. Bwahaha.

“Ah. E bakit tahimik ka parin hanggang kanina?”tanong niya ulit. Amp. Ba’t ba interesado siya masyado? Mahal na ba talaga niya ko? Oi, teka. Joke lang yan a! Si Gyptian mahal niyan. Bwahaha.

“Come on. Pwede namang magshare e. Yan mahirap sa inyong mga lalaki e. Kapag may problema kayo, tinatago niya lang. Di naman weak magkaproblema e.”Amp. Ba’t ba ang kulet niya? Teka, alam ko na. Tutulugan ko na lang kunwari para matapos na tong kaewanan na to.

Di ko siya sinagot tapos pumikit ako.

“Aero?”narinig ko siyang tumawa.

“Batugan ka talaga kahit kailan. Hay. Pasalamat ka, ma-“napahinto siya dahil tinawag siya ni Dad.

“Bakit po?”sabi ni Alexi tapos parang tumayo siya.

“Anong ginagawa niyo diyan?”tanong ni Dad nang may malisya. Amp. Adik talagang ama to.

“Nako, wala po. Nag-uusap lang po kami tapos tinulugan ako ni Aero.”Halata yung pagkailang ni Alexi kaya medyo natawa ako.

“Sus. Bagal talaga ng gagung yan. Btw, wag mo na kong i-po.”Sabi ni Dad tapos nagbye na si Alexi. Umupo naman ako na kunwari nagising.

“Ang ingay a.”sabi ko kaya tumawa si Dad tapos umupo sa tabi ko.

“Busted ka daw a?”napatingin ako sa kanya nang gulat. Tsk. Mang-aasar to panigurado kaya di ko lang sinagot.

“Ayos lang yan. Alam mo ba na first heartbreak ko yung mom mo?”Woah. Ikkwento niya ba yung lovestory niya sakin? Di kasi ako interesado e. Bwahaha.

“Okay.”Sabi ko lang kaya binatukan niya ko. Amp.

“Alam kong wala kang interest sa ganito pero malay mo, may matutunan ka kaya makinig ka.”natawa ako dahil ang siryoso niya.

“Nakadroga ka, dad?”binatukan niya ulit ako tapos tumawa.

“Alam mo kasi Aero. Sa pag-ibig, di importante kung sino yung first mo e. Kasi panigurado magkakamali at magkakamali ka. After all, bata ka pa. And young people are entitled to make mistakes; especially when it comes to their first love.”Woah. Naka-english pa a? Pustahan, malupet na droga tinira neto. Bwahaha.

Napasmile lang ako dahil sa haba ng panahong kasama ko to, ngayon ko lang siya narinig magsalita nang siryoso. Bwahaha. Puro kalokohan lang kasi madalas e.

“Naintindihan mo ba? O baka kailangan mo pa ng google translate? Sabihin mo lang.”binatukan ko siya tapos tumawa kami.

“Ano bang nangyari sa inyo?”sumiryoso yung itsura niya sa tanong ko. Sa 16 years ko kasi sa mundong to, hindi ko tinanong kung anong nangyari sa kanila. Wala lang. Tapos na e. Saka di naman babalik si Mom kapag nalaman ko yun e.

“Bestfriend ko kasi yun si Alexandra e. “Mom ko yun.

“Nung 8 pa lang kami, gusto ko na siyang maging asawa. Kasi maganda siya tapos gwapo ako kaya akala ko perfect na kami sa isa’t isa. Tapos nung naghighschool kami, naging kami. Ang saya nga nun e. Kasi akala namin we’re forever tapos yon, nag-alam-mo-na kami at nabuo ka. Gusto mo bang ikwento ko pa yon?”tumawa siya. Amp.

“Wag na.”tumawa lang ulit siya.

“Tapos nung pinanganak ka, we realized na mali kami. Puro away. Magulo. Mahirap. Tapos isang araw. I met someone else tapos naghiwalay kami. The end.”Ah. Wala naman palang kwenta yung lovestory nila e. Bwahaha.

“Pero wag ka mag-alala, nakamove on din naman kami eventually. Kaya ikaw, take your time. First heartbreak palang yan. Marami pang susunod diyan.”sabi niya tapos tumayo na siya.

“Teka, Dad. Pano mo nalaman na iba pala mahal mo?”tanong ko, nagsmile lang siya.

“Naramdaman ko lang nung nakilala ko TitaMich mo.”Tinignan ko siya nang nagtataka.

“Alam mo kasi. In love, the heart overrules the brain. I mean, sure, pwede kang magset ng standards ng kung sinong gusto mo. Pero at the end of day, the heart always decides who it wants inside.”Pagkasabi niya nun, nagsmile siya tapos umalis na siya. Goosebump a. May tinatagong utak pala yung ama ko? Bwahaha.

Tumayo na din ako pag-alis ni Dad tapos pumasok na para magpunta sa kwarto ko.

Pagpunta ko dun, naghihintay si Alexi sa tapat kaya umewan na naman yung nararamdaman ko.

“Hey. Musta tulog?”tanong niya nang nakasmile tapos lumapit siya at kinuha yung kamay ko. Pucha. Ba’t parang kinabahan ako bigla? Tsk. Labo.

“I know we didn’t really start that well. But if you need someone to talk to, andito lang ako. Thanks and Sorry.”may nilagay siya sa kamay ko. Flashdrive?

“Nakita mo na?”tanong ko dahil nawawala yon dati.

“Yep. Don’t worry, di ko binasa yung story mo at wala talagang copy sa 4shared. Pakadelete nalang ha?”Pagkasabi niya nun, pumasok na siya ng kwarto niya. Amp. Niloko ako. Tsk. Pero ba’t ganon?

Alam kong nakakabadtrip yung ginawa niya pero ba’t di ko magawang magalit sa kanya?

Dahil din sa gwapo ako? O.O?

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon