SIX
“Ano ba. Alarm clock ka ba?”tanong ko kay Alexi dahil ginising na naman niya ako.
“Hindi. Tao ako.”Sagot naman niya ng siryoso. Sus. Boring neto mambara no? =D
“Weh? Ba’t ginising mo yung natutulog na gwapo?”Umirap lang siya sa joke ko at lumabas na ng room. Bwahaha.
Tumayo na din ako ng kama at naligo dahil nawala na yung antok ko. Tapos nun, nagbihis na ko ng uniform at lumabas na ko para magbreakfast.
Nagpunta ako ng kitchen dahil may naamoy akong masarap na niluluto.
“Manang..”humarap saken si Alexi nang nakaapron.
“O, ba’t di ka pa nakauniform? Ayaw mong malate diba?”tanong ko dahil ang aga aga niya kong ginising tapos dahil sa kanya, malalate lang ako.
Tumawa naman siya kaya tinignan ko siya nang masama.
“Sabado kaya ngayon. Pahiya ang gwapo?”asar niya. Amp. Oo nga pala. Pucha naman kasi e. Ang aga niya kong ginising.
“Asa. Di napapahiya ang gwapo no.”sagot ko. Di naman talaga. Porket gwapo ba, bawal nang magkamali? =D
“Yeah, right.”Tumalikod na siya at bumalik dun sa niluluto niyang parang pasta. Lumapit naman ako sa kanya.
“Ba’t mo ba ko ginising ng maaga? Miss mo na makita yung kagwapuhan ko?”tanong ko pero di niya lang ako pinansin.
“Weh. Ang Ganda ganda mo, nangii-snob ka ng gwapo?.”di parin niya ko pinapansin. Tsk. Makatulog na lang nga ulit.
Umakyat na ko sa taas para magpunta sa kwarto ko. Nagtanggal na ko ng polo at whiteshirt pero nung kukuha na ko ng damit, napansin kong wala nang stock. Amp. Bukas pa yung tagalaba dadating at ayokong magwhiteshirt dahil madudumihan. Wala lang. Ayoko lang. Oo nalang kayo a? Bwahaha.
Lumabas ako ng kwarto para maglaba ng shirt pero saktong nakita ako ni Alexi. Nabitawan niya nga yung tray na hawak niya kaya natapon yung pasta na dala niya. Tsk. Pustahan, dahil yan sa hot kong katawan.
“Ayos ka lang?”tanong ko na medyo natatawa.
“O-oo.”Sabi niya na parang ewan yung itsura tapos umupo siya para pulutin yung natapon kaya tumulong ako. Tinignan naman niya ako na parang badtrip.
“Ako na. Alis.”Sabi niya nang pagalit. Sus. Kunwari pa. Kung alam ko lang, nageenjoy siya makita ng malapitan ang hot kong katawan. =D
“Tulungan na nga kita e.”nung kukunin ko na yung kutsara, nahawakan ko yung kamay niya kaya nagkatinginan kami. Ganda pala ng mata neto. Kulay blue.
“O. M. G.”Sabi ni Tita Mich sa may hagdan kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.
“Ba’t shirtless ka, Aero? Grabe talaga kayong mga teens ngayon o.”sabi niya na parang galit. Wew. Wala lang shirt, may ginawa na?
“Wala po kaming ginagawang masama.”Depensa agad ni Alexi.
“Uy. Guilty much.”Sabi ni TitaMich tapos tumawa siya. Natawa naman ako dahil parang namula si Alexi. Yan kasi. =D
“Joke lang, Alexi. O siya sige, magbihis ka na, Aero. Ang hot mo e.”Sabi sakin ni TitaMich kaya natawa ako. Baliw talaga tong si Tita Mich. Pasalamat siya nasa US si Dad kundi matagal ko nang sinumbong yung pagnasasa niya saken. Bwahaha. Joke lang.
“Sige, Alexi.”Sabi ko nang medyo natatawa. Nag-nod lang kasi siya na halatang naiilang.
Bumaba naman na ko at nagwashing machine ng damit kong pambahay. Tapos nun, ni-dry ko at umakyat na ko pabalik sa kwarto ko.
Pagpasok ko, nakaupo si Alexi sa may couch tapos may tray sa harap niya dun sa table.
“Para sayo o.”sabi niya na halatang naiilang pa din.
“Wow. Nililigawan mo ba ko?”joke ko paglapit sa kanya.
“Ang Feeling mo din e no? Wala kaya akong gusto sayo. Manghihiram lang naman ako ng laptop kaya kita pinagluto e.”sabi niya nang badtrip kaya natawa ako. Tsk. Di ako naniniwala. Sa gwapo at hot kong to, imposibleng di niya ako gusto. =D
Umupo ako sa tabi niya at tinignan siya ng siryoso.
“Alam mo, Alexi, Joke yun e. Dapat tinawanan mo lang.”sabi ko pero umirap lang siya at nagpunta na sa laptop ko na nakahibernate. Tinatamad kasi akong ishut down yun e.
Nakita kong parang ginalaw niya yung mouse kaya lumabas na yung screen. Ako naman, kinain na yung luto niya. Sarap nga e.
“Ano to?”sabi niya kaya tinignan ko siya nang nagtataka. Nakaturo siya sa screen ng laptop na nakaopen sa document. Pucha. Tumayo agad ako at in-X.
“Wala yun. File ni Liel.”Palusot ko. Amp. Nabasa niya kaya?
“Weh? Ba’t lalaking POV?”sabi niya nang patawa-tawa.
“Ewan ko. Maniwala ka na lang nga.Tsk. Ganda ganda, mapagduda.”Bumalik na ko sa kinakaen ko bago pa siya magtanong pa.
“Sarap neto a.”sabi ko para mabago yung topic tapos sumubo ulit.
“Infairness Aero a. Never kong naimagine na isa kang writer.”Nabulunan ako sa sinabi niya kaya natawa siya.
“Di nga saken yun! Amp. Ang kulit.”Sabi ko nung nahimasmasan ako.
“Woo. Pabasa nga ako kung di sayo yun!”patawa-tawa pa siya. Amp. Oo na nga. Aaminin ko na ang pagiging secret writer ko.
“Okay. Sige. Akin nga yon. Pero asa ka. Para sa pinakaimportanteng tao ko lang ipapabasa yun e.”Oo, sinusulat ko yun para kay Liel. Wala lang. Mahal ko kasi e. =D
Nagsmile lang si Alexi sa sinabi ko tapos naglaptop na. Nagpsp lang ako dahil wala akong magawa hanggang matapos siya.
“Thanks.”sabi niya after nung ginagawa niyang reporting. Nagvolunteer kasi siyang magreport sa History class.
“No prob. Basta wag mong sasabihin kahit kanino yung file a.”sabi ko dahil secret ko nga ang pagiging writer. Wala lang. Baka kasi mawirduhan ang mga tao na si Aero Villarino, ang pinakagwapong pasaway nang school ay isang writer pala. Diba? Ang hirap ikonek nun. Nakaka-braindamage.
“Sure.”Sabi niya lang nang nakasamile.
“Basta gagawin mo lahat ng gusto ko.” Dagdag niya.
Anak ng pucha. Blackmail ba to?