Deviltale [#36]

12.7K 195 18
                                    

THIRTY SIX


“Izzard, palit tayo,” sabi ko dito sa classroom. Nabunot kasi niya si Alexi para dun sa Children’s fair ngayon. 

Pumayag lang siya na parang wala na naman sa mood. Itatanong ko nga sana kung ano na naman natira niya pero pinagpartner na kami ni Ms. R kaya lumapit na ko sa magandang partner ko. =D

“Partner kita?” tanong ni Alexi paglapit ko. Pinabunot kasi kaming mga lalaki ng babaeng partner namin ngayon. Buti nga si Izzard nakabunot kay Alexi kaya madali akong nakapagpalit.

“Oo. Ang swerte ng magiging anak mo no? Ang gwapo ng ama  e.” Tumawa siya dahil akala niya ata yung mga bata ngayon yung tinutukoy ko. Magiging magulang kasi kami ngayon nung mga bata galing orphanage. Sana lang talaga di sinabotage ni Gyptian tong event na to dahil kawawa naman yung school pag nakickout yung gwapong tulad ko. Bwahaha. Joke lang. Yung mga bata talaga yung kawawa.

“Guys, andito na sila.” Pumasok na yung mga bata nun ng classroom namin tapos inaassigned na sila ni Ms. R isa isa.

“Kuya Aero!” lumapit sakin si Shei na sinundan ni Grei. Amp. Samin din tong napakacute na batang to? =D

“Ate Alexi. Bakit yan daddy namin?” tumingin pa sakin nang masama si Grei. Amp. Angas. Pasalamat talaga siya, gwapo siya paglaki. Bwahaha.

“Oo, bakit?” tanong ko nang nanakot kunwari. 

“Gusto ko si Kuya G e.” tumawa si Grei kaya parang nagalit si Shei.

“Eww. So Gross. Mas gwapo kaya si Kuya Aero dun!” sabi ni Shei  kaya natawa kami ni Alexi. May Eww So Gross pang nalalaman e. Pero matalinong bata talaga tong si Shei no? Alam yung totoo e. Bwahaha.

Lumabas na kami nun ng classroom habang nasa gitna namin yung dalawang batang makulet.

“Teka. Mali naman kayo e.” Sabi ni Grei kaya tinignan namin siyang tatlo. Bumitaw naman siya kay Alexi tapos pinabitaw niya sakin si Shei.

“Ganito dapat o.” pinaghawak niya yung kamay namin ni Alexi kaya parang umewan yung pakiramdam ko. Ngayon ko lang nga napansin na suot pala ni Alexi yung bracelet na may butterflies na binigay ko sa kanya dati. 

“Yan. Tama na. Wag niyong tatanggalin a?” sabi ulit ni Grei tapos lumipat siya sa kabila ni Alexi habang si Shei naman, pumunta sa kabila ko.

Naglakad lang kami ng nagkaganon hanggang sa makita namin sila Goldy at Tiara na may kasamang matabang bata. Natawa nga ako dahil naalala ko yung sa Zoo e.

“That kid is like so much of a cutienessGo out and tell us your name?” sabi ni Goldy kaya tinignan ko si Grei na parang natakot. Bwahaha. 

“Tinatanong ka, Grei.” Asar ko kaya hinila niya si Alexi na hawak padin yung kamay ko. Nadaan nga namin sila Liel at Zain na nag-okay sign pa sakin bago kami huminto sa  nagtitinda ng cotton candy.

“Kids, gusto niyo?” tanong ni Alexi kaya umoo naman yung dalawa na tuwang tuwa dun sa umiikot na lutuan.

“Oops. Bawal tanggalin!” sabi ni Grei at Shei  na nakaturo dun sa kamay naming magkaholding hands. Pero dahil kukunin ko yung wallet ko nun, di ko lang sila pinansin.

Pagkatanggal ng kamay namin sa isa’t isa, biglang umiyak yung dalawa ng sabay. Kinuha ko naman agad yung kamay ni Alexi para tumigil sila.

“Yan na. Nakabalik na.” sabi ko kaya nagtinginan sila tapos tumawa. Amp. Lakas mangtrip ng dalawang to a.

“Alexi, pakuha yung wallet ko.” Sabi ko kahit nakakailang. Ginawa naman niya tapos binilan na namin ng cotton candy yung dalawa. Nag-yii pa nga yung kambal kaya medyo natawa ako. Wala lang. Ang kulet e.

Nag-ikot lang kami sa may Fair nun habang kumakain sila ng cotton candy. Ang dami ngang pinagawa nung dalawa tapos tuwing magbibitaw kami ng kamay ni Alexi, umaacting sila nang iiyak. 

“Ate Alexi, sakay tayo dun sa umiikot.” Tinuro ni Grei yung Ferris Wheel sa may school grounds. May mga rides din kasi dito pero konti lang dahil para sa mga bata nga tong fair na to.

“Ayoko, pagod na ko e.” sagot ni Alexi kaya medyo natawa ako. Halata kasing natatakot siya e.

“Ayoko din. Katakot. Kayo nalang ni Kuya Aero.” Sabi naman ni Shei tapos hinila niya si Alexi papunta dun sa may upuan.

“Tara, Kuya mayabang.” Hinila ako ni Grei papunta dun sa bentahan ng ticket kaya wala na kong nagawa. Saka, baka umiyak pa siya kaya sumama nalang ako. Bwahaha.

“Dalawa nga po.” Sabi ni Grei dun tapos tinignan niya ko para bayaran ko. Nung di ako kumilos, kinuha niya yung wallet ko tapos siya nagbayad. Amp na bata to o. Iba e. Cute na, matalino pa. Bwahaha.

Binalik niya yung wallet ko pagkakuha nung ticket tapos pumila na kaming dalawa.

“Kuya mayabang, takot ka ba diyan?” tanong niya habang hinintay namin yung next ride.

“Alin sa Ferris Wheel?” tumango siya tapos nun, napansin kong di niya sinasabi yung pangalan nung ride. Bwahaha. Di niya siguro masabi. Maasar nga to.

“San ba?” tanong ko nang patawa-tawa.

“Sa Ferris Wheel nga.” Amp. Fail yung hinala ko. Tsk. Iba na talaga pag gwapo paglaki e no? =D 

Naghindi lang ako sa kanya nun tapos sumakay na kami nung next ride na.

“Tagal naman!” sigaw ni Grei kaya natawa yung mga tao. Ang angas e. 

Nung umandar na yung Ferris Wheel, nagyehey na siya kaya natawa ako. Tapos nun, huminto kami sa may taas dahil may sumasakay na bago.

“Kuya mayabang, dusto mo ba talaga si Ate Alexi?” tanong niya bigla kaya napatingin ako sakanya. Amp. Ba’t ang daming alam neto?

“Oo. Bakit?” sagot ko nang siryoso.

“Wala lang. Ang bagal mo kasi e. Alam mo bang sasabihan na ni Kuya G si Ate Alexi ng Iyabyou bukas?” medyo natawa ako saIyabyou niya. Ang bulol e. Bwahaha.

Pero siryoso? Sasabihin na ni Gyptian yun? Amp. Kala ko pa naman nagbackout na siya dahil narealized niyang mas gwapo ako. Bwahaha.

“Kaya dapat sabihan mo na si Ate Alexi ng Iyabyou mamaya.”sabi niya ulit tapos bigla nang umandar yung Ferris Wheel kaya nag-yehey na ulit siya.

Amp. Tama. Magtatapat na ko kay Alexi mamaya. Sasabihin ko na lahat pati yung plano ko dati na pagtripan yung feelings niya. Bahala na kung anong magiging reaction niya. Mas ayos naman na to kesa kay Gyptian niya pa malaman diba?  

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon