EPILOGUE
“What the hell? Anong klaseng ending to?” sabi ni Alexi pagkatapos basahin yung story na ginawa ko. Inupdate ko kasi yung last chapter hanggang dun sa surprise ko sa garden pero nilagyan ko ng twist at ginawa kong magkapatid kami.Oo. Di yun totoo at mamaya pa uwi nung mom ni Alexi. Ang boring kasi pag happy ending lang e. Kaya ayun, kinonek ko yung pareho kami ng blood type, parehong may Alex yung name niya at ng mom ko pati yung sinabi ni Dad na kahawig niya si Mom sa twist ng story.
“Deviltale kasi yung title e.” sagot ko habang nag-ppsp dito sa kama ng apartment niya.
“Edi sana binago mo nalang yung title.” Tinignan ko siya na parang naasar. Bwahaha. Ang ganda niya talaga lalo pag naaasar.
“Relax lang, beb. Ganda ganda mo, siniryoso mo yang story ko.”Sabi ko nang patawa-tawa pero parang badtrip pa din siya.
“Ewan. Pano kung magkatotoo yon?” shinutdown niya yung laptop na bigay ko tapos umupo sa tabi ko sa kama. Wew. Anong binabalak niya? Bwahaha. Joke lang.
“Asa naman. Masyado ata tayong maganda at gwapo para mawalan ng happy ending.” Tumawa ako pero parang napaisip lang siya.
“Teka. Bakit ba Deviltale ang title nun?” tanong niya kaya di ko sinagot. Katamad magexplain e. Bwahaha.
“Oi, bakit nga?” tanong niya ulit na pinalo pa ko nang pabiro habang nagppsp ako.
“E kasi diba may fairytale na may prince charming, masamang stepsister, btch na stepmother tapos happy ending? ” tinignan niya lang ako na parang ginoogle translate niya pa sa utak niya yung sinasabi ko.
“So what?” tanong niya pagtapos mag-isip. Umupo naman ako at nilapag yung psp ko.
“Sus. Pasalamat ka maganda ka kundi..” binatukan niya ko kaya natawa ako.
“E kasi sa story natin diyan, merong wicked pero sobrang gwapong prince charming, may helpful na halfsister, may mabaet na stepmother at walang happy ending kaya Deviltale.”Parang nagets na niya kung bakit Deviltale. Syempre, maganda siya e. Bwahaha.
Dun kasi sa story na ginawa ko, ako yung wicked pero sobrang prince charming. Tapos dahil magkapatid kami, siya yung helpful halfsister at si Tita Mich yung mabaet na stepmother.
Sa maikling salita, fvckedup version ng fairytale yung deviltale.Ayun. Gets niyo? Malamang oo. Maganda/Gwapo kayo e. Bwahaha.
Pero kung hindi, tanungin niyo yung gwapong author neto na kapangalan nung sobrang cute na batang si Grei. Bwahaha.
“Pero pwede din namang Deviltale kasi story siya ng isang napakasama, napakaangas at napakapasaway na lalake na nainlove as isang napakagandang babae at nagbago diba?” sabi niya kaya natawa ako. Ang lala na kasi ng pagkahawa niya sa confidence ko e. Bwahaha. Iba na talaga pag gwapo no? Nakakahawa e. Bwahaha.
“Di rin. Kulang ng napakagwapo e.” natawa siya sa sinabi ko. Tsk. Siryoso kaya yun.
“Oo na. Infairness Beb, ang cool ng naisip mo ha.” sabi niya na parang napilitan lang kaya umacting ako na nasaktan.
“Fine. Amazing na yung naisip ng gwapo kong bf. Happy?”dagdag niya nung napansin yung reaction ko pero di ko parin binago.
“Okay. Sige na. Amazing na yung naisip ng sobrang gwapo, hot, matalino, at higit sa lahat, mahal na mahal kong bf.” Natawa na ko nun sa kanya. Sabi na di niya ko matitiis e. Bwahaha.
“Weh? Binobola mo lang ata ako e.” sabi ko nang patawa-tawa.
“Edi hindi na!” sabi niya nang pagalit tapos tumayo siya na parang aalis. Hinawakan ko naman yung braso niya para pigilan siya tapos tumayo ako kaya naging sobrang lapit ng mukha namin.
“Joke lang. Alam ko namang hindi sinungaling yung sobrang ganda, sexy, hot, matalino at higit sa lahat, mahal na mahal kong gf e.” Pagkasabi ko nun, nagsmile siya tapos unting unting lumapit yung mukha namin sa isa’t isa.
“What’s going on here?” napatingin kami dun sa pinto kung san nanggaling yung boses. May maleta siyang dala tapos kamukha niya si Alexi.
“Mom?” sabay naming sinabi ni Alexi kaya napatingin siya sakin.
“mo?” kumindat ako sa kanya kaya natawa siya tapos lumapit ako dun sa Mom niya.
“Hi Mom. I’m Aero nga pala. Yung napakagwapo at napakabaet na bf ng anak niyo. Wag po kayong mag-aalala, hinding hindi ko sasaktan yan. No match ako diyan e.” Sabi ko kaya natawa silang dalawa.
“Mas maganda pala kayo sa personal. Sa inyo po nagmana si Alexi no?” parang namula si mom sa sinabi ko. Bwahaha.
“Haynako. Ikaw pala yung kinukwento netong anak ko. Anyway, nice meeting you.” Reply ni mom tapos lumapit samin si Alexi.
“Yes, Mom. Siya yung maangas kong classmate. Anyway, welcome back! I miss you.” Sabi ni Alexi tapos nagyakap sila. Nag-imy too naman si Mom habang magkayakap sila.
“Awts. Maangas lang?” sabi ko tapos umacting ako nang nasaktan kaya napatingin sila. Tapos nun, tumawa ako at kinuha yung surprise ko sa bulsa.
“Joke lang, beb.” Sabi ko tapos tumingin ako sa Mom niya.
“Mrs. Henson, Alam ko po masyado pang maaga. Pero may I marry your daughter?” pinakita ko yung box na kinuha ko sa bulsa at binukas. May bracelet yun na may nakasabit na engagement ring.
“Sinabihan mo ko ng maganda e, makakahindi pa ba ako?”reply ng Mom ni Alexi tapos tumawa silang dalawa.
“Teka. Magbibihis lang ako. Behave kayo a.” dagdag nya tapos kinuha na niya yung maleta niya at lumabas. Nag-“Sure, mom” naman ako kaya natawa si Alexi.
“Pano ba yan, beb. Pumayag na si Mom.” Sabi ko nang patawa-tawa tapos kinuha ko yung wrist niya para malagay yung bracelet.
“Edi kayo magpakasal.” Tumawa siya pero di ako nagreact. Wala lang. Trip ko lang. Bwahaha.
“Sus. Ang gwapo-gwapo mo, siniryoso mo yon? Saka nagawa mo yung “Ten things my soulmate will do for me” ko e. Tatanggi pa ba ko?” tinignan ko siya nang nagtataka.
“Diba 9 lang yon?” tanong ko dahil di ko alam na dinagdagan niya.
“Nope, dinagdagan ko ng number ten.” Nagpunta siya may drawer niya tapos kinuha yung Diary at pinakita sakin.
Quote
TEN THINGS MY SOULMATE WILL DO FOR ME.
ONE. STAND UP FOR ME AGAINST IMMATURE BULLIES.
TWO. COOK FOR ME. CARBONARA DAPAT!
THREE. CRY WITH ME WHILE WATCHING A SAD MOVIE.
FOUR. PLAY WITH ME IN THE RAIN.
FIVE. DO A CHARITY WITH ME. FOR KIDS HA!
SIX. CATCH ME WHEN I FALL.
SEVEN. READ A LOVE POEM TO ME.
EIGHT. GIVE ME A PINK LAPTOP. XD
NINE. CATCH A PINK BUTTERFLY FOR ME.
TEN. ASK MY MOM IF HE COULD MARRY ME.
“Cool. Sabi na soulmates talaga tayo e.” Sabi ko nang patawa-tawa pagtapos kong basahin yung TTMSWDFM niya.“Sus. Kaya pala nag-emo ka pa kay Liel dati.” Tinignan ko siya na parang siryoso sa sinasabi niya. Bwahaha. Maasar nga to.
“Ang ganda kasi nun e no?” medyo natawa ako dahil parang naasar yung itsura niya.
“Ewan.” Aalis na sana siya pero pinigilan ko yung braso niya kaya humarap siya.
“Kaso no match siya sa girlfriend ko e. Smile na, beb. Nakakapanget sa maganda yung ganyan e.” napasmile ako dahil pinipigil niya yung tawa niya.
“Bilis na. I love you pa naman tapos...” pinigilan niya yung bibig ko gamit yung daliri niya. Yon o. Iloveyou lang pala katapat neto e. Bwahaha.
“Oo na. Pasalamat ka, I love you din.” tumawa lang ako sa sinabi tapos nilagay ko yung kamay ko sa likod niya para ilapit siya sakin.
“Weh? Kiss mo nga ko?” sabi ko kaya nilapit niya yung mukha niya at hinalikan ako.
THE END. (A/N: ETO, TOTOO NA. =D)