ELEVEN
“Oi, Liel. Marunong ka magluto ng carbonara?”tanong ko kay Liel habang nagrereport si Alexi ng history ng kung ano sa harap. Magkatabi kasi sila sa seatplan kaya lumipat muna ako para maranasan naman ni Liel magka-seatmate na gwapo. =D
“Hindi e. Bakit?”sagot niya habang nagnonotes. Amp. Pano ko kaya magagawa yung number two sa NTMSWDFM ni Alexi?
TWO. COOK FOR ME. CARBONARA DAPAT!
“Me, Aero. I know how magluto nun. I’m so great pa nga e. Why ba?”epal ni Yulary dun sa likod. Amp. Sabat ng sabat.
“Ah. Sayang.”Sabi ko lang kay Liel. Si Yulary naman, tumayo bigla kaya tinignan siya ng lahat tapos umiyak at lumabas. Amp. Artist.
“Pinaiyak mo na naman. Lagot ka.”Joke ni Liel. Tumawa lang naman ako.
“Wala naman akong ginawa a.”Sabi ko. Wala naman talaga diba?
Nakinig lang ako kay Alexi nun na siryoso sa sinasabi niya. Galing nga e. Di ako nabored. Pag yung teacher kasi, tinutulugan ko lang e.
“Thanks Ms. Henson. So sino ang gustong next magvolunteer?”Tumayo na ko ng upuan dahil pabalik na si Alexi.
“Si Aero daw po.”Tinignan ako ng mga classmate ko dahil tinuro ako ni Alexi habang nakatayo sa tabi ko. Tinignan ko naman siya nang masama.
“Role model.”Bulong niya kaya nagsmile ako kay History teacher na di ko matandaan yung pangalan.
“Is that true, Mr. Villarino?”tanong ni teacher na parang di makapaniwala. Bumulong naman si Alexi ng “story” nun kaya no choice na ko.
“Opo. I volunteer.”Nag-woh yung mga classmates ko na parang ayaw maniwala sa sinabi ko. First time ko kasing mqg-volunteer buong buhay ko.
“Talaga? May sakit ka ba?”tanong ulit ni teacher. Amp. Daming tanong neto.
“Wala po. Bawal po ba magvolunteer kapag gwapo?”nagtawanan yung mga classmates ko sa sinabi ko.
“Di naman. O siya, ang topic mo ay interesting facts about Egypt.”Sabi ni teacher nang patawa-patawa tapos dinismiss na kami. Amp. Katamad gumawa ng report. Humanda talaga saken si Alexi pag nagawa ko na yung NTMSWDFM niya.
Paglabas nung teacher, nagpaalam na ko kina Liel dahil may reresearch pa ko. Teka. Di yung sa history, next week pa naman yun dahil Friday ngayon. Ireresearch ko kung pano gumawa ng Carbonara para makabili na ko ng dapat bilin mamayang uwian.
Paglabas ko ng classroom, nakita ko si Yulary na kausap si Gyptian. Di na nga yan bumalik nung lumabas siya kanina. Adik. Buti nalang mabait si History Teacher.
Tinignan lang nila ako tapos umalis na din ako papuntang Computer Lab. Nag-log ako dun sa may record book tapos, diretso na sa may computer.
Pagkatapos ng ilang click, nakakita na ko ng instructions sa ehow.com.Quote
HOW TO COOK CARBONARA
Things You'll Need:
1 tbsp. olive oil
2 shallots, diced
1/2 lb bacon, sliced in strips
1 onion, chopped
1 clove garlic, finely chopped
1 lb fettucini pasta
2 egg yolks
1 cup heavy cream
1/2 cup parmesan cheese
Salt and pepper, to taste
1.Heat oil in skillet and sauté shallots.
2.Add chopped onion, bacon strips and garlic. Cook until bacon is done. Remove from heat and set aside.
3. Boil water and add fettucini. Cook to al dente for about 10 minutes.
4. In a bowl, whisk together egg yolks, cream and Parmesan cheese.
5. Combine the bacon mixture, pasta, cream sauce and lightly toss. Salt and pepper to taste.
Sus. Madali lang pala magluto neto e. Kinopya ko sa word document yung page tapos sinave ko para ipaprint.
Humanda ka Alexi. Mamayang uwian, 7 things nalang at maiinlove ka na sakin. =D
“How to cook Carbonara.”basa ni Gyptian sa likod ko kaya inexit ko.
“Kailan ka pa naging chef, pre?”tanong niya nang patawa-tawa.Tumayo naman ako nun para ipaprint yun.
“La ka na don.”Sabi ko pero tumawa lang siya.
“Para kay Alexi ba yan?”Amp. Galing manghula neto a.
“Ulul.”Sabi ko lang tapos nagpaprint na ko at naglog out dun sa record book.
“Teka, pre. Peram kotse sa Sunday.”pigil ni Gyptian nung palabas na ako. Amp. Abuso talaga to e no?
“Sige, punta ka nalang sa bahay.”Pagkasabi ko nun, nagthanks siya at nagpunta na ko ng canteen.
Pagdating ko dun, magkatabi na naman sina Liel at Zain na nagkukulitan kaya binilisan ko yung pagupo.
“Asan si Alexi?”tanong ko para magulo yung pagkukulitan nila. Bwahaha.
“Ayi! Iba na yan a.”sabi ni Liel nang nangaasar. Amp. Sayo lang kaya tong puso ko. =D
“May tatanong lang ako e.”Sabi ko dahil ayoko ng ganon yung iniisip niya.
“Ang pag-ibig ay di maiikubli ng isang mapagkunwaring bibig.”Sabi bigla ni Izzard kaya binatukan ko. Amp e. Dumami na naman yung alam.
“Aray, pre. Nakakadami ka na a.”sabi niya kaya binatukan ko ulit. Wala lang. Trip ko lang. Bwahaha.
Tumawa lang naman sila tapos ako, bumili na at kumain.
Pagtapos nung lunch, umakyat na kami ng room. Andun nga si Gyptian na kausap si Alexi. Patawa-tawa pa sila na parang nagkukulitan.
Amp. Di pwede to. Saken lang dapat mainlove si Alexi. >=|