FORTY
[A/N: Oi. May Epilogue pa to. Wag niyo kalimutang basahin yun! =D]
“Happy monthsary, beb.” Binigay ko yung regalo kong may laman na pink na laptop dito sa apartment ni Alexi. Lumipat na kasi siya simula nung naging kami para iwas temptasyon daw. Badtrip nga e. Hindi naman kasi ako nagmamadali. =D
Pero teka. Alam kong iniisip niyo na walang kwenta yung regalo ko kaya may hinanda pa kong surprise para sa kanya. Oo. Sobrang swerte na ni Alexi. Magkaron ba naman ng gwapo at sweet na bf na gagawin yung last three sa NTMSWDFM niya e.=D
“Monthsary?” tanong niya nang nagtataka pagkakuha nung regalo ko. Amp. Nakakabadtrip. Tama bang kalimutan yung first monthsary namin?
“Akin na nga yan.” Inagaw ko yung regalo ko tapos naglakad na ako pababa ng kwarto niya. Badtrip e. Alam niyo bang siya lang ang unang babaeng pinaghandaan ko sa monthsary tapos nakalimutan niya lang? Oo. Sa 100+ na naging girlfriend ko, ngayon ko lang ginawa to. Siya lang kasi umabot sa monthsary e. Bwahaha.
Pero sa susunod talaga makukuntento na ko sa pagiging gwapong bf. Ayoko nang mageffort na maging sweet kung ganto lang din naman.
Nung palabas na ko ng apartment niya, may nakita akong regalo dun sa tapat ng pinto na nakagiftwrap ng papel na may doodles.
“Sige lang, iwan mo ko.” Sabi ni Alexi dun sa likod ko kaya napatingin ako.
“Happy monthsary too, beb. Go ahead, para sa gwapo kong bf yan.” Kinuha ko yung regalo dun sa pinto at lumapit sa kanya. Pasalamat siya sinabihan niya kong gwapo. Bwahaha.
“Joke lang kaya yun, beb. Galing kong umarte no?” palusot ko tapos lumapit ako at binigay yung regalo ko sa kanya. Amp naman kasi. May nalalaman pang nakalimutan kunwari.
“Woo. Oo na lang.” sabi niya nang patawa-tawa.
“Sus. Ganda, ganda mo, di ka naniniwala?” Natawa lang siya sa banat ko tapos hinila ko siya dun sa may garden nila dahil andun yung surprise ko.
“Anong meron dito?” tanong niya dun sa malaking box na secret muna yung laman.
“What’s the password?” Sabi ko pagkalapit ko dun sa box pero tinawanan niya lang ako. Amp na Zain yan. Sabi ko na korni yung suggestion niya e!
“Gwapong Aero.” Pagkasabi ko nung password, binukas ko na yung box tapos lumipad na yung mga pink butterflies na hinuli ko para sa kanya. Siryoso. Hinuli ko yan sa may petshop. Bwahaha.
“OMG. Ang ganda!” Sabi niya na parang batang tuwang tuwa. May dumapo pa nga sa kanya kaya natawa ako e.
“Ang mga paru-parong yan ay saksi ng ating wagas na pagmamahalan.” Nilabas ko yung panyo ko dahil di ko maalala yung kasunod sa tula na pinagawa ko kay Izzard.
“Kasing ganda mo yun o.” Tinuro ko yung isang black and pink na butterfly kaya napapunta dun yung atensyon niya. Tapos, tinignan ko nang mabilisan yung codigo sa panyo.
“Dahil..” Amp. Di ko mabasa yung panget na sulat ni Izzard.
Titignan ko pa sana nang mabuti yung tula pero inagaw ni Alexi yung panyo sa kamay ko.
“Anong tinitignan mo dito?” in-inspect niya yung panyo tapos bigla siyang tumawa. Amp. Fail ang surprise ko. Tsk. Sorry na. Di naman lahat ng gwapo, perpekto diba? =D
“Hulaan ko, gawa ni Izzard to no?” sabi niya nung mukhang tapos na niyang basahin. Aagawin ko pa sana sa kanya yun pero nilayo niya at tinapon sa malayo.
“Pu-“ napatigil ako dahil tinignan niya ko nang masama. Tsk. Bawal nga pala magmura pag kasama to. Nagpeace sign lang ako kaya nagsmile na siya.
“Alam mo, Mr. Maangas. Hindi mo naman kailangan tumula pa e.” sabi niya tapos lumapit siya saken. Naalala ko yung first time naming magkakilala, gantong ganto tawag niya saken nun e.
“Alam mo rin, Mrs. Villarino. Tama ka e. Maganda ka na masyado para gawin ko pa yan.” Sabi ko kaya natawa siya.
“Di nga? Di ko sasabihin na gwapo ka. Pwede mo pang bawiin.”Asar niya. Tsk. Badtrip. Nagdeny pa sa kagwapuhan ko. =D
“Di na. Totoo naman e. Maganda ka. Gwapo ako. Kaya bagay na bagay tayo.” natawa lang siya sa sinabi ko tapos nun naupo na kami sa may table.
Binukas namin pareho yung regalo namin sa isa’t isa. Jacket yung regalo niya saken na sobrang cool. Siryoso. Bagay na bagay sa gwapong tulad ko.
“OMG. Nakakahiya.” Sabi niya nung pagkakita nung laptop kong regalo.
“Sus, sa ganda mong yan, nahihiya ka?” joke ko kaya pinalo niya ko nang pabiro.
“Bukas mo,bilis,may surprise pa ko na file.” Binukas niya yung laptop tapos pinapindot ko yung “DEVILTALE”
Lumabas yung prompt ng password kaya napasmile siya. Nag-type naman siya ng “gwapongaero” kaya nagopen na yung file.
“Ano to?” tanong niya nang patawa-tawa.
“Naalala mo yung nakita mo sa laptop ko na story?” sabi ko kaya parang nagisip naman siya.
“Wow. Eto yon?” reply niya na parang natuwa.
“Yep. Diba sabi ko sa pinakaimportanteng tao ko lang ipapabasa yon?” nagsmile siya na parang kinikilig. Bwahaha. Effective. Ibang story kasi yun e. Buti nga di totoong binasa niya yun. Etong Deviltale kasi, story naming dalawa na mamaya ko pa isusulat yung ending.
“Alam mo, Beb? Sobrang gwapo mo. I love you, promise.” sabi niya na halatang sincere. =D
“Tagal na. I love yo-.” di ko natapos yung sinasabi ko dahil may pumasok bigla sa pinto ng garden.
Tumingin kami pareho dun sa babae na may dalang maleta.
“MOM?” sabay naming sinagot tapos nagkatinginan kami.
PUT@NG. INA.THE END