TWENTY FIVE
“Aero, patawag nga yung catering. Ang tagal e.” binigay sakin ni Alexi yung number. Friendship Prom na kasi mamaya at ang usapan dadating sila ng 5pm dito sa venue.
“Asan na kayo?” tanong ko nung may sumagot.
“Pardon?” reply nung babaeng manager. Amp.
“Kami po yung nagpacater. San na ba kayo? 5pm usapan a.”sagot ko na medyo badtrip. Parang ewan kasi e.
“Pero diba cancelled na?” Amp. Gagu talagang Gyptian yun. Tinapos ko na yung call tapos humarap ako kay Alexi.
“May nagcancel daw.” Sabi ko. Kaya pala di makakapunta si Gyptian. Tsk. Badtrip, papalpak pa ata yung isang event namin.
“What? Sure ka?” tanong ni Cynthia na halatang nag-aalala. Ang gara nga kasi madalas tahimik lang siya. Pero oh well, concern lang siguro.
“Sht. Pano na yan?” tanong naman ni Izzard. Teka, alam ko na. Nagdial ako sa Greenwich at umorder ng Maraming Pizza, Lasagna, Drinks at iba pa. Tapos nun, tinawagan ko din yung KFC para sa chicken.
“Pwede na yun kesa wala diba?” Nagsmile lang sakin si Alexi. Ngayon yung sounds nalang kulang. Kasama kasi yun sa package nila e. Amp nga e. Ang hirap pala maging incharge sa ganito. Ang mas mahirap pa, pag pumalpak, kick out ako.
“Yung sounds pano?” tanong ni Cynthia. Naalala ko yung sound system sa bahay kaya tinawagan ko si Dad para dalin dito.
“Ge, dadalin ko.” Sagot ni Dad tapos nagbye na siya. Yon. Ayos na. Buti nalang talaga gwapo ako. Ang galing kong magimprovise e. Bwahaha.
“Okay na.” sabi ko sa mga tao kaya nagsmile sila. Tapos nun, nag-ayos sila nung table at iba pa.
Ako naman, lumabas na ko nung venue para hintayin si Dad. Nagpunta nga ako dun sa may Garden dahil ang tagal e. Tapos nun, umupo ako sa may table.
Naisip ko yung nagpacancel nung catering at sounds. Gagu talaga yung si Gyptian. Buti nalang naniniwala ako sa motto na “When life gives you lemons, magthank you.” Bwahaha. Korni ba? Sorry na. Nalaman ko lang kay Zain yan e. Bwahaha.
“Aero?” tumigin ako dun sa tumawag sa gwapong pangalan ko. Si Liel pala kaya nagsmile ako.
“Ui. Ba’t andito ka?” tanong ko nang nagtataka dahil di naman siya required magpunta. Nagsmile siya tapos umupo sa harap ko.
“Wala lang. Namiss ko yung gwapo kong bestfriend e.”naramdaman ko yung sincerity niya. Gwapo daw ako e. Bwahaha. Pero di na rin kasi kami ganon nagkakasama dahil nga may bf na siya tapos busy din ako sa mga council shts ng school.
“O? Tara. Tayo nalang. Iwan mo na si Zain.” Joke ko. Oo. Joke lang yan. Tanggap ko na kasi na wala na talaga akong pag-asa. Saka parang nakamove on na rin ako. Masaya naman kasi sila pareho e. Kaya anong karapatan kong manggulo? Saka kahit ano namang mangyari, gwapo parin naman ako. Bwahaha.
“Di ba pwedeng wag na magbreak? Kabet kita, ganon?” natawa lang ako sa joke niya. Wew. Namiss ko to.
“Game. Papayag naman siguro si Zain kapag binayaran natin siya diba?” Tumawa lang siya sa pagsakay ko sa joke niya.
“Oo nga. Mukang pera yon e.” Wew. Kala ko di niya napapansin yun e. Bwahaha.
"Tama, tama. Saka no match sayo yun e. Mahal ka kasi masyado.” Nagsmile siya sinabi ko. Totoo naman kasi. Maniniwala ba kayo na laging si Zain ang nagbabayad nung mga gastos nila sa date at iba pa? Ang galante pa nga ng gagu manlibre kapag kasama si Liel e. Kaya ayun, sigurado akong mahal niya nga si Liel. Saka subukan niya lang lokohin bestfriend ko, papabaog ko siya kay Alexi. Bwahaha.
“I second that.” Sumiryoso yung itsura niya pagkasabi niya nun. Err. Bakit? O.O?
“So wala ka talagang sabihin na namiss mo din ako?” nagpout pa siya ng lips. Aww. Ang cute niya pag gumaganyan e.
“Wala e.” sagot ko nang siryoso kunwari tapos tumawa kami.
“Kung sa bagay, andiyan naman si Alexi e.” Amp. Pag nasali sa usapan yon? Di kaya nagseselos siya? Bwahaha. Ang gwapo ko talaga.
“Joke lang. Syempre, namiss ko rin yung magandang bestfriend ko.” Tumayo siya nang nakasmile.
“Weh, hug mo nga ako?” Sabi niya kaya tumayo din ako at niyakap siya.
“Ayii.” napatingin kami dun sa epal. Andun si Dad sa pinto nang patawa-tawa.
“Kayo na? O no match ka padin kay Zain?” sabi niya kaya lumapit ako at binatukan siya. Tumawa lang naman kami pati si Liel.
“Hi Tito Pierro. Pasalubong ko?” sabi ni Liel nang nakasmile kay Dad. Ngayon lang kasi sila nagkita simula nung paguwe ni Dad.
“Nasa bahay pa e. Binusted mo kasi si Aero agad. Di mo tuloy nakuha.” joke niya pero sila lang natawa. Nakakailang e.
“Asan na yung sound system, Dad?” tanong ko para mabago yung usapan. Sinabi naman niya na nasa loob na kaya pumasok na ko. Nagulat nga ako na andun si Zain nang nakasmile sakin. Nag-apir lang naman kami tapos nun, dumating na yung mga inorder ko.
Nung 7pm na, inistart na ni Alexi yung program. Kasama niya nga si Izzard sa pagiging hosts e. Akalain niyong may talent ang gagu sa pagaganon? Bwahaha.
Pagtapos nung program, kumain lang kami tapos nagparty party na sila. Naupo lang nga ako dahil wala ako sa mood sumayaw. Saka, mahirap na. Baka pagkaguluhan pa ko. Ayoko pa naman tumatanggi sa mga babae. Bwahaha.
Pinanood ko lang yung mga tao habang nagsasayaw sila. Ayos. Success yung first event namin. Dalawa nalang at di na ko kick out. =D
Habang sumasayaw sila nun, biglang naging senti yung kanta. Syempre, nagslowdance yung mga tao pero umupo din yung iba. Dun ko lang napansin na andito pala si Gyptian. Ang nakakabadtrip pa, nagsslowdance sila ni Alexi. Amp.
“Are you like, jealous much out there?” tinignan ko yung nagsalita sa tabi ko. Si Goldy pala. Amp. Epal a.
“If so, lets like go dancing there with me then.” tumawa lang ako sa sinabi niya kahit di ko masyadong naintindihan tapos nun, umalis na siya kasi dumating si Liel.
“Geez, Aero. Ang slow mo talaga.” Tinignan ko lang siya nang nagtataka.
“Hanggang kailan ka ba magpapaconfused diyan? Kapag sila na?” Err. Anong sinasabi neto?
“Bhie, dance tayo.” napatingin kami kay Zain nakaoffer yung kamay kay Liel. Nagsmile naman ako para sabihin na okay lang kaya sumayaw na sila.
Tapos nun, tinignan ko si Alexi na parang nakayakap kay Gyptian habang sumasayaw. Amp. Put@ngena.
Nagseselos ba talaga ako sa kanila?