THIRTY ONE
“Alexi. Penge ako number mo.” Binigay ko yung phone ko kay Alexi para malagay niya number niya. Wala lang. Para matext ko siya ng mga sweet na bagay. Saka mas malakas loob ko sa text e. Bwahaha.
Binalik niya sakin yung phone ko pagtapos niyang isave number niya tapos pumasok na kami ng school.Oo, nakauwe na kami galing camp. Di pa nga ako nakakaganti sa kiss ni Alexi e. Pero ayos lang, mahahalikan ko naman siya sa kasal namin diba? =D
Pagdating namin ni Alexi sa classroom, andun si Gyptian na naghihintay kausap si Zain.
“Oi Alexi, patulong sa assignment namin.” Nilagay ni Alexi yung bag niya sa upuan niya habang si Gyptian naman, umupo dun sa upuan sa left niya. Ako naman, umupo lang sa upuan ko bago pa ko mabadtrip ng di oras.
“Guluhin mo, pre.” Tumingin ako kay Zain na nakatingin dun sa dalawa na nagtatawanan.
Dahil gwapo ako, tumayo ako at kumuha ng upuan at nilagay dun sa right ni Alexi. Tinignan naman nila ako ni Gyptian kaya nag-isip agad ako ng sasabihin.
“Alexi, may report ka na?” parang nagtaka yung itsura ni Alexi tapos biglang nagbago.
“Crap. Nakalimutan ko.” Parang nagpapanic siya tapos nagbell na kaya umalis na si Gyptian. Yon. Wala nang istorbo. Bwahaha.
“Siryoso, wala kang report? E diba ngayon ka na?” tanong ko dahil di kapanipaniwala. Si Alexi Henson, walang report? Parang joke lang e. Bwahaha.
“Oo. Crap. Nakatulog kasi ako kagabi e.” sabi niya na halatang badtrip tapos nun, dumating na si Ms. Z kaya tumayo kami para mag-goodmorning.
“Relax. Akong bahala.” Sabi ko Alexi nang nakasmile tapos tumayo na ako at bumalik sa upuan.
“Oi Zain, Ang ganda ni Ms. Z ngayon no?” nilakasan ko talaga yung tanong ko para marinig ng teacher namin. Natawa nga yung mga classmates ko dahil alam na nila tong strategy ko.
“Oo nga e. Iba na talaga pag magaling na teacher e.” reply ni Zain kaya tinignan ko si Ms. Z na parang namumula na. Bwahaha.
“Sinabi mo pa. Sana next meeting nalang yung reporting no? Wala lang. Gusto ko kasi makita magturo si Ms. Z ngayon e.” sabi ko ulit kay Zain tapos tumawa si Ms. Z kaya tinignan namin siya.
“Haynako. Ang bolero niyo talaga. Pero sige, next meeting na yon.” Sabi niya samin na kunwari pang di naflattered. Bwahaha.
“Weh? Di nga, Miss? Ayos lang naman po kung ngayon na yun e. Siryoso, maganda parin kayo kahit ngayon na.” sabi ko nang siryoso kunwari. Tumawa lang naman yung gurang naming teacher pati yung mga classmates ko.
“Ewan ko sayo, Mr. Villarino. Sige na class, bring out your books na.” Bwahaha. Yon. Ang dami talagang benefits pag gwapo no? Nakakauto ng teacher e. Bwahaha.
Naglesson lang sandali si Ms. Z tungkol sa kung ano tapos nagpaggawa siya ng seatwork sa libro.
Nung nagseaseatwork na kami, may nag-abot sakin na papel na nakatupi kaya binasa ko.
“Ang gwapo mo talaga, Aero. Thank you!” tumingin ako kay Alexi na nakasmile saken kaya kumuha ako ng papel at nireplyan siya.
“Weh? Di nga? Gwapo talaga ako? Parang di naman e. =D”pinaabot ko dun sa classmate ko yung reply ko. Narinig ko ngang tumawa si Alexi kaya natuwa ako e. Wala lang. Ang sarap pakinggan ng tawa niya e . =D
“Ms. Henson, may I see your powerpoint report?” Biglang kinabahan yung itsura ni Alexi kaya napatingin ako kay Ms. Z. Amp. Ba’t icheheck niya pa yon?
Teka. Alam ko na.
“Miss, may tao po.” tumuro ako dun sa may pinto kahit wala namang tao. Tumingin naman yung gurang namin teacher tapos parang natakot. Bwahaha. Sabi na e. Di parin siya nakakamoveon dun sa paranormal activity na nangyari sa kanya . Bwahaha.
“Susmaryosep. Nevermind. Assignment na lang yan, class.”Nagmadali na siyang umalis nang kwarto kaya natawa kami.
“Grabe Aero, ang baliw mo talaga.” lumapit sakin si Alexi tapos umupo sa tabi ko. Absent kasi si Izzard na seatmate ko e.
“Gwapo naman.” Joke ko kaya natawa siya.
“Thanks ulit ha. Ngayon ko lang naappreciate yang kalokohan mo.” Tumawa ulit siya kaya tumawa din ako. Wew. Ang ganda niya talaga pag tumatawa. Kaya bagay na bagay kami e. Ang gwapo ko din kasi pag tumatawa. Bwahaha.
“You’re welcome. Ganon talaga pag gwapo talaga diba?”tumawa ulit siya tapos tumayo na dahil dumating na yung next teacher namin.
Naglesson lang kami buong araw nun. Boring nga e. Buti nalang andiyan si Alexi. Isang tingin ko lang, nawawawala na pagkabored ko. =D
Nung uwian na nun, dumiretso kami sa may Student Council Office para pag-usapan yung last event namin. Ang tagal nga ni Gyptian at Goldy e. Nakakapagduda tuloy. Maaga kasi sila lagi dumating pag may meeting e. Tapos naging magpartner lang sa tent, tumagal na. Bwahaha.
“Cynthia Marriz Santos.” Binasa ko yung libro ni Cynthia ng Chemistry sa table. Oo. Junior palang siya kahit di halata. Meron nga siyang kaapelyido sa batch namin kaya lang di ko matandaan kung sino e. Saka napakadaming Santos sa mundo kaya baka di niya rin yun kaano-ano.
Nagsmile lang sakin si Cynthia tapos napatingin kami dun kina Goldy at Gyptian na dumating.
“We’re apologized we are gotten like, so late. Our teacher is somuch overtiming today.” Sabi ni Goldy kaya natawa kami. Hinihingal pa kasi ang kupal bago sila umupo dun sa table tapos nagstart na kami ng meeting.
Pinagusapan lang namin nun yung Children’s Fair na mangyayari next year. Oo, bagong pauso na naman ni Alexi. Alam niyo yung Mini Fair diba? Parang ganon siya pero bawat magpartner na student, may kasamang bata galing orphanage.
Pagtapos namin magplano at magassigned ng mga gagawin, umuwe na kami dahil medyo gabi narin.
“Aero, peram ako laptop ulit.” Sabi ni Alexi pagsakay namin sa kotse ko.
“Ayoko nga. Pakielaman mo pa ulit.” Joke ko pero di siya tumawa.
“Bilis na. Promise, wala na kong gagalawin.” Di ako nagreact para mas kulitin niya pa ko. Wala lang. Ang sarap magpapansin e. Bwahaha.
“Haiz. Sige, nevermind. Magrerent nalang ako.” Sabi niya na halatang nalungkot. Aww.
“Joke lang. Ang ganda ganda mo, di kita papahiramin?”tumawa ako pero di lang siya nagreact. Tinignan ko tuloy siya nang nagtataka tapos bigla siyang tumawa. Tsk. Naloko ako dun a.
“Syempre, hindi. Alam ko namang di ako matitiis ng isang gwapong tulad mo e.” tumawa lang ako tapos pinark ko na yung kotse dahil nasa bahay na kami.
Pagpasok namin, binigay ko yung laptop ko sa kanya para magawa na niya yung report niya. Tapos nun, umalis na siya kaya nahiga ako sa kama at kinuha yung phone ko.
Chineck ko yung balance. Ayos. May piso pa. Matext nga si Alexi.
“Pst Ms. Pretty. Hulaan mo kung sinong gwapo to. =D Wag magpakapagod sa report a? Wala lang. I love you e.” Isesend ko na sana yung text pagtapos ko pag-isipan ng isang oras kaso wala akong nakitang Alexi sa phonebook ko. Amp. Anong name nilagay niya?
Hinahanap ko kung anong nadagdag dun sa phonebook. Ganda?Bwahaha. Nakakahawa talaga yung confidence ko e no?
Tinignan ko pa yung phonebook kung meron ibang pangalan na bago para sigurado. Pero nung yung Ganda lang talaga yung nakita ko, pinindot ko na at sinend.
Nilapag ko yung cellphone ko nun tapos nahiga ako dahil kinakabahan ako ng sobra. Pucha. Siryoso. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Pag tinitext ko kasi ng iloveyou yung mga ex ko parang wala lang e.
Nung tumunog na yung cellphone ko, napatayo ako agad para basahin. Amp. Pucha. Sht. !@#$. Eto na.
“Who’s there?” Put@ngena. Nawrongsend pa.