THIRTY FIVE
“Sigurado ka bang sa zoo gusto makipagkita ni Liel kay Zain?”tanong ni Alexi sakin dito sa kotse ko. Magdadate kasi kami e. Yun nga lang, di niya alam. Eto kasi yung pinakaplano nila Liel e.
“Oo, sa zoo daw. Mahilig kasi sa hayop yung si Zain e.” sagot ko kahit na si Alexi talaga yung mahilig dun. Di ko nga alam yun e. Sinabi lang sakin ni Liel kaya eto, magdadate kami sa Zoo kahit na ang weird. Pero oh well, wala naman sa lugar yun diba? Ang importante, maganda at gwapo yung nagdadate. Bwahaha.
Pagdating namin sa zoo, nagbayad lang kami ng fee tapos pumasok na kami at hinintay kunwari sila Liel.
“Ang tagal naman nila. Text mo, Aero.” Tinext ko si Liel nun na kung anong sasabihin ko. Nagreply naman agad siya kaya umacting na ko.
“Tsk. Di na daw tuloy e.” sabi ko na kunwaring badtrip tapos tinignan ko si Alexi na parang badtrip din.
“Tara, ikot tayo?” tanong ko habang hinihintay yung reaction niya. Pumayag ka, Alexi. Please?
“Tara.” Nagsmile siya tapos naglakad na kami sa Zoo. Una kaming nagpunta dun sa may ahas na nakapulupot dun sa braso nung trainer. Tama ba, trainer sila? Di ko alam tawag sa mga tao dito e. Bwahaha.
“Omg. Ang ganda.” Tinignan ko si Alexi na parang tuwang tuwa sa ahas. Wew. Mahilig pala siya sa ahas? O teka, utak niyo. Wholesome yan. Bwahahaha.
“Kuya, pwedeng mahipo?” natawa ako sa mahipo. Wala lang. Ang gara e. Bwahaha.
Nung um-oo yung trainer, lumapit na si Alexi kaya nilipat sa kanya yung ahas. Parang tuwang tuwa nga siya kaya natuwa din ako e.
“Aero, try mo.” Sabi niya sakin pero tumanggi ako. Wala lang. Masyado akong gwapo para puluputan ng ahas e. Bwahaha.
“Come on, pag di ka pumayag, di ka na gwapo.” narinig kong tumawa yung trainer kaya lumapit na ko at nilipat niya sa braso ko yung ahas. Kinabahan nga ako dahil ano e. Ano. Ang lapit namin masyado ni Alexi. Oo, tama. Dahil dun.
Nanahimik lang ako nun habang nasa braso ko yung ahas dahil baka anong gawin sakin. Syempre, kahit ahas di nakakatiis ng gwapo diba? =D
“Sht. Patanggal.” Sabi ko dahil biglang humigpit yung pagpulupot sakin. Tsk. Sabi ko sa inyo e. Delikado ang gwapo sa mga ahas. Mukha kasi kaming masarap. Bwahaha.
Tumawa lang si Alexi nun habang ako naman, naginit parang nag-init yung gwapong mukha.
“Omg. Aero. Ang epic ng mukha mo.” Sabi niya habang patawa-tawa kaya naglakad na ko at huminto ako dun sa unggoy na kulay gold na kasama yung elepante. May naalala nga ako kaya natawa ako e.
“Alexi. Tignan mo.” Tinuro ko yung unggoy kaya huminto siya sa pagtawa tapos tinignan niya.
“Wala ka bang naalala sa kanila?” tanong ko nang natatawa. Parang nag-isip naman siya sandali tapos nun, bigla siyang tumawa nang malakas.
“Ang sama mo, Aero!” sabi niya na pinalo pa ko habang patawa-tawa.
“Bakit? Tinatanong ko lang kung may naalala ka e.” sabi ko nang patawatawa.
“Goldy, Eat your banana na.” Napatingin kami dun sa Trainer na binigyan yung unggoy ng saging kaya natawa kami lalo.
“Kuya, anong pangalan nung Elepante?” tanong ko kaya natawa si Alexi. Wala lang. Baka kasi Tiara e. Bwahaha.
“Tara.” Sabi nung trainer kaya natawa kami lalo ni Alexi. Malapit na kasi e. Isang letter nalang. Bwahaha.
Naglakad na kami ng patawa-tawa nun habang tinitignan yung ibang hayop. Ang kulet nga ni Alexi e. Kung sino sino kasi naalala sa mga hayop. Yung si Lizard daw parang si Izzard tapos yung Zebra daw parang si Zain. Katunog at kafirstletter daw kasi e. Natawa na lang nga ako sa kanya dahil ngayon ko lang narealized na may ganong uri siya ng pagkatao.
Pero yung naman talaga ang purpose ng date diba? Para mas makilala yung mahal mo at di para maka-kiss lang o ano. Nice e no? Dumami bigla alam ko. Bwahaha.
Nagikot lang kami nun sa zoo hanggang sa lumabas na kami. Pawis na pawis na si Alexi sa kakatawa kaya binigay ko yung panyo ko. Ayos nga e. Ang ganda niya padin kasi. Ang sarap talagang maging asawa. =D
“Grabe Aero, ngayon lang ako ulit nakatawa ng ganito.” Sabi niya pagkapunas ng pawis niya.
“Syempre, may ka-date kang gwapo e.” joke ko pero parang namula yung itsura niya na pinilit tumawa.
“Baliw, tara na. Nagugutom na ko.” Pumasok na siya ng kotse ko kaya natawa ako. Ang guilty e. Bwahaha.
Dahil lunch na nun, nagpunta kami sa may Greenwich dahil pareho naming favorite yon.
Pagdating namin dun, umorder na agad kami at naupo sa may table.
“Sayang, di natuloy sila Liel no?” sabi ni Alexi pagkaupo namin.
“Oo nga e. Naayos na ata nila yung relasyon nila. Ganon pag true love diba?” sabi ko tapos kinabahan ako. Paano ko ba sasabihin na mahal ko siya? Amp e. Nawrongsend pa kasi ako kay Goldy dati e. Tsk.
“Oo nga e. May tanong pala ako.” Sabi bigla ni Alexi kaya mas lalo akong kinabahan.
“A-ano yon?” tanong ko tapos kumain ako nung lasagna para mabawasan yung kaba ko.
“Sino yung babaeng may bangs nasinasabi nung tindero dati?”Tinignan ko siya nang nagtataka nun tapos naalala ko yung bumili kami ng ingredients nung carbonara. Narinig niya nga palang sabi nung tindero nun.
“Si Bangs yon. Batchmate namin dati.” Sabi ko tapos kumain ulit ako.
“Ah. Bakit mo hinahanap?” tanong niya ulit. Bakit ba curious siya masyado dun? Pero oh well, kung magiging asawa ko siya, dapat alam niya lahat diba? =D
Kinwento ko sa kanya yung nangyari hanggang sa matapos kaming kumain.
“So naguguilty ka kahit wala ka namang kasalanan?” tumango lang ako.
“Wow, Aero. Di ka lang pala talaga basta gwapo no?” Parang umewan yung itsura niya nun kaya natawa ako.
“Ayos lang yon. Sanay na kong di naiintindihan ng mga tao.”Ganon naman talaga e. Porket gwapo kala nila, lagi nang gagu.
“I mean, di lang halata na ganon kang tao. Ayun. Tara na?”sabi niya na halatang naiilang kaya tumayo na kami at sumakay ng kotse.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating ng bahay dahil ewan ko. Maganda at gwapo kami? =D
Pagpasok namin, huminto ako tapos humarap ako sa kanya.
“Alexi. Thank you.” Sabi ko nang kinakabahan. Gagantihan ko na kasi siya ng pagnanakaw niya sakin ng kiss e. Bwahaha.
Tinignan niya ko nun nang nagtataka kaya nagisip agad ako ng sasabihin.
“Kasi napagsabihan kita tungkol kay Bangs.” Dagdag ko kahit di naman talaga dahil yon. Amp. Minsan talaga ayoko ng maging gwapong ganito e. Nagsmile lang naman siya sakin tapos nung aakyat na siya papuntang kwarto niya, huminto siya.
“No prob. Basta I’m always here lang pag kailangan mo ng kausap. Thank you din pala. Nagenjoy ako.” Sabi niya tapos nagmadali siyang umakyat. Tsk. Sayang. Walang kiss.
Di bale. Pag naging asawa ko na siya, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya lahat ng kiss na ninakaw niya. =D