TWENTY
“Ate Alexi!”Tumayo si Shei kaya sinundan ko ng tingin. Andun si Alexi sa may entrance, amp. Ba’t andito to?
Hinawakan siya sa kamay ni Shei tapos pinaupo sa tabi ko.
“Diba sabi ko, bawal namagbleak?”natawa ako pano parang matanda si Shei na nagagalit.
“Oo nga. Kiss na ulit kayo.”Sabi naman ni Grei kaya ginulo ko yung buhok niya. Ang daming alam e. Naalala ko tuloy yung first kiss ko na ninakaw ni Alexi tapos parang umewan yung nararamdaman ko. Pucha, nababaliw na ba ko?
“Kulet niyo talaga. Ba’t pala andito kayo?”tanong ni Alexi sa kanila pagtapos tumawa.
“Nikidnapkami ni Kuya Mayabang e.”sabi ni Grei nang patawa-tawa pagkaayos ng buhok niya. Ginulo ko nga ulit. Pauso e. Bwahaha.
“E ikaw, ba’t andito ka?”nagsmile lang sakin si Alexi.
“Uwian na e. Syempre, hinanap ko yung driver ko.”Tumawa ulit siya. Teka nga. Ba’t parang wala lang nangyari?
“Ang gwapo naman ng driver mo.”Joke ko. Nawala na kasi yung pagkabadtrip ko kasi ewan ko din. Ang labo ko e no?
“Di naman. Mayabang lang talaga.”natawa lang kami sa sinabi niya tapos natahimik kami.
“Kamusta na pala si Yulary?”tanong ko dahil baka namatay na. Bwahaha. Joke lang. Curious lang ako sa nangyari sa kanya.
“Comatose daw e. Kakausapin nga daw tayo ng TitaMich mo about sa decision ng board sa election bukas.”Ah. Kawawa naman pala. Ang tanga kasi bumaba ng hagdan e. Bwahaha. Joke lang.
“Kuya Mayabang,usogka nga.”Siniksik ako ni Grei papunta kay Alexi tapos ganon din ginawa ni Shei. Nakakailang tuloy dahil sobrang magkadikit kami.
“Yan na. Kiss na ulet kayo!”Ginulo ko ulit yung buhok ni Grei sa sinabi niya. Ang kulet e. Tinignan lang niya lang ako nang masama tapos parang guguluhin niya yung buhok ko kaya hinawakan ko yung kamay niya.
“Ang ganda nun, kuya o.”sinundan ko yung turo niya kaya nagulo niya yung buhok. Pucha. Nauto ako ng bata. Tsk.
Tumawa lang si Alexi samin habang inaayos ko yung buhok ko. Parang ang sarap ngang pakinggan ng tawa niya e. Err. Joke lang. Mahilig magjoke kapag gwapo diba? Oo kayo. Bwahaha.
“Tara na, dumidilim na o.”sabi ni Alexi paghinot niya sa pagtawa nung napansin nakatingin ako sa kanya. Tumayo naman na kami tapos nagpabuhat sakin si Grei habang si Shei naman kay Alexi.
Bumili lang kami ng gasolina habang nasa balikat ko si Grei tapos si Shei naman, sa likod ni Alexi tapos nun, inuwi na namin sila sa orphanage.
“Bye Ate Alexi and Kuya Aero! Bawal padinmagbleaka. “sabi ni Shei nung paalis na kami tapos lumapit si Grei sakin kaya nagtaka ako.
“May bubulong ako sayo, kuya mayabang.”Yumuko ako para maabot niya yung tenga ko tapos nun ginulo niya buhok ko. Amp. Lupet ng mga strategy neto e no?
“Bye Kuya mayabang!”pumasok na si Grei nang patawa-tawa. Ako naman, lumapit dun sa may window at nag-ayos ng buhok. Amp na bata. Ang kulet.
Pagkaayos ko nang buhok, umalis na kami ni Alexi ng orphanage. Ang tahimik nga namin habang naglalakad kaya nakakailang na naman.
“Bakit di mo ko pinagbintangan?”tanong ko para matapos na yung nakakailang na katahimikan.
“Bakit naman kita pagbibintangan?”tumawa siya kaya napasmile ako.
“Ewan ko din. Yun kasi ginawa ng lahat e. Kaya minsan ayoko ng maging gwapo e.”sagot ko nang patawa-tawa tapos huminto kami sa may tawiran.
“Baliw. Di naman kasi ako naniniwalang gagawin mo yon. And besides, medyo nagbabago ka na these past few days.”Nagulat ako sa sinabi niya. Nagbabago ba ako? O.O?
“I mean, kung ikukumpara kita sa Mr. Maangas na nakilala ko nung first day, you’re way better now. Medyo mahangin padin nga lang pero tolerable naman.”Tumawa kami sa sinabi niya. Kung sa bagay. Medyo nagiging role model na ko dahil sa pambablackmail ni Alexi. Di naman pala mahirap maging ganon. Di lang talaga bagay sa kagwapuhan ko pero ayos lang din. Bwahaha.
Nung huminto na yung mga kotse, tumawid na kami tapos biglang umulan kaya tumakbo kami sa may silong.
“Pu-“napatigil ako dahil nakatingin sakin si Alexi nang masama. Kasama kasi sa pagiging role model ko yung bawal magmura. Banal kasi to e. Di marunong magmura. Bwahaha.
“Sorry.”Sabi ko kaya tumawa siya at kumuha ng payong.
“Akin na.”kinuha ko yung payong dahil ang sagwa kung siya yung may hawak. Mas matangkad pa naman ako sa kanya.
“Ang cute nung magshota o.”sabi nung babae sa kasama niya nung dumaan kami. Nakakailang tuloy. May pa-comment comment pa kasing nalalaman e. Tsk.
“Oo nga. Bagay na bagay sila. Ang sweet.”Sabi nung kasama niya. Amp. Isa pa to.
Binilisan ko yung lakad ko nun dahil nakakailang na masyado. Naiwan tuloy si Alexi tapos humabol siya at kinuha yung payong.
“Oi. Masama mabasa pag gwapo.”di niya ko pinansin at naglakad siya palayo kaya hinabol ko. Basang basa na tuloy ako.
Nung mahahabol ko na siya, bigla siyang tumakbo palayo. Tsk. Parang bata talaga to. Pero dahil tumakbo na siya, tumakbo na din ako hanggang sa humangin ng malakas at nilipad yung payong niya papunta saken. Bwahaha. Ayos.
Tumawa lang ako at kinuha yung payong tapos sumakay na sa kotse ko. Pumasok naman siya na tumatawa din at basang basa.
“Wow. Naglaro kayo sa ulan?”napatingin kami sa likod kung saan nanggaling yung boses. Andun pala si Gyptian.
“Ba’t andito ka?”tinignan ko siya nang masama.
“Sinoli ko lang tong laptop mo. Iniwan mo e.”sabi niya nang walang emosyon tapos lumabas na at nagpayong.
Ako naman, nilagay ko yung gasolina at inistart na yung kotse.
Habang nagddrive ako, naalala ko yung NTSMWDFM ni Alexi. Alam ko may play in the rain dun e. Pero ewan. Ayoko naman nang ituloy yung plano kong basagin yung puso niya e.
Wala lang. Ang gwapo ko kasi e. =D