Deviltale [#18]

14.5K 226 20
                                    

EIGHTEEN


“When a body is mummified, the Egyptians remove the brain through one of the nostrils and place it in canopic jars. The only internal organ that they don't remove is the heart because they considered it to be the seat of the soul.”nagpalakpakan sila dahil yun na yung last sa report ko.

“Wow. Mr. Villarino. I’m quite impressed. You did well.” Sabi ni  Mr. Y na ngayon ko lang naalala ang pangalan. Umupo naman na ako nang siryoso. Tapos nun, naglecture na si Mr. Y tungkol sa Egypt.

Tahimik lang ako buong subject dahil nababadtrip padin ako kila Liel. Di ko nga pinapansin simula kanina. Tahimik lang din si Izzard nun at mukhang may pinagdadaanan na naman. Oh well, ganyan naman siya kahit dati pa. Moody masyado. Nung umpisa nga di ko kaclose yan e. Pero nakasundo ko rin dahil pareho kaming gwapo. Bwahaha. Joke lang. Di ko din alam kung bakit pero two years ago lang kami naging close niyan.
 
Pagtapos nung history class, sumabay ako kina Alexi dala yung laptop ko. Gagawa daw kasi kami ng presentation para sa Meeting de avance crap.

“Asan na yung iba?” tanong ni Tiara paglabas namin ng classroom.

“Wala. Di daw makakapunta.” Sagot ko. Ang totoo niyan, di ko talaga sinabi dahil ayoko munang makasama yung gagung Zain na yon. Badtrip e. Di ako makapaniwala na kahit ako yung mas gwapo, ako yung nabasted nang ganito. 

Nagsmile lang si Alexi sakin tapos nagpunta na kami ng Library.

Pagpunta namin dun, gumawa lang sila ng report habang ako naman, natulog lang.Boring kasi e. 

Pagdilat ko ng mata, wala sina Tiara at Alexi. Andun lang is Izzard na naglalaptop.

“Oi, asan yung dalawa?” tanong ko. Parang nagulat nga siya na parang may inexit sa laptop.  Ano kaya yung inexit niya? Tsk.  Alam na. Bwahaha.

“Nag-CR. Ba’t di mo ko sinabihan tungkol dito?” reply niya  nang patawa-tawa.

“Di ka na daw kailangan e.” Natawa lang siya sa sinabi ko. Pagtapos nun, tumayo siya at nagpaalam mag-CR kaya ako naman yung naglaptop.

“Aero, we need to talk.” Napatingin ako kung saan nanggaling yung boses. Si Liel pala kasama yung gagung si Zain.

“Oo nga pre. Di naman ata pwedeng palagi nalang tayong ganito.” Naupo sila sa harap ko pero naglaptop lang ako.

“Aero, I’m sorry. We decided to keep it a secret because I know  what you feel. Ayaw lang naman kitang masaktan e. Pero sasabihin naman talaga namin sayo. Humahanap lang kami ng tamang panahon.” Tinignan ko si Liel na naiiyak na. Pucha. Walang ganyanan!

“Sorry, pre. Pero mahal ko talaga si Liel e. Wag ka mag-aalala. Di ko siya sasaktan.” Sabi naman ni Zain na kinocomfort si Liel. Di ko lang sila pinansin nun kahit naawa ako sa pag-iyak ni Liel.

“Come on. Ang gwapo gwapo mo, di mo kami papansinin?” sabi ni Liel na tumatawa naman ngayon.

“Oo nga. Mas gwapo ka pa nga saken e.” dagdag naman ni Zain tapos tumawa sila.

“Ewan.” Yun lang sinabi ko tapos tumayo ako at umalis dala yung laptop ko. Tangena. Ba’t ba ang hirap tanggapin na di ka mahal ng mahal mo? O dahil lang yun sa mas gwapo ako? 

Umakyat  ako nun sa may rooftop dahil gusto kong mag-isip. Dito kasi talaga ako tumatambay kapag may problema. Nilapag ko yung laptop ko tapos humiga ako dahil yun lagi ginagawa ko.

“S-sorry.” Napatingin ako dun sa pinto na bumukas. Si Cynthia pala. 

“Ayos lang. Dito ka muna.” Tumigil siya sa pag-alis niya tapos nakayukong lumapit sakin.  

“Palagi ka ba dito?” tanong ko dahil di siya nagsasalita.

“Oo. Kapag may problema ako.” sabi niya tapos naupo siya sa tabi ko. Naalala ko nun si Bangs na nakita ko din dito dati nung nag-away kami ni Liel. Ang weirdo nga nun e. Binigyan ako ng post it note na “Pride o Friendship?” bago siya umalis kahit di kami nagusap.

“Ah. Cool. Pwedeng magtanong?” tumingin siya sakin na halatang naiilang.

“A-ano yon?” sagot niya.

“Kunwari mahal mo yung bestfriend mo pero mahal niya yung kaibigan mo. Tapos isang araw, nagulat ka nalang, sila na. Anong gagawin mo?” parang nag-isip siya. Iba na talaga kapag scholar e no? Pinagiisipan lahat e. 

“Honestly? I’ll let them be happy. I mean, wala naman akong karapatang para pigilan sila. Saka, kung true friend talaga nila ako, tatanggapin ko kahit masakit.” Kung sa bagay. Tama nga naman siya. Ano nga naman karapatan ko? Gwapong bestfriend lang  naman  ako.

“Cool. Kaya ka pala naging scholar dito e. Magaling ka mag-advise.” Parang namula siya nun na umiwas ng tingin sakin. Tama. Tatanggapin ko na lang kahit masakit. Sigurado naman akong makakakita din ako na kapalit ni Liel e. Syempre, sa gwapo kong to? Imposibleng hindi. Bwahaha.

Nagsmile ako nun at nagthanks sa kanya. Siya naman, nag-welcome at nagpaalam na. 

Pag-alis niya, natulog lang ako dahil may thirty minutes pang time. Saka bitin yung tulog ko sa Library e. Naisip ko pa nga yung panaginip ko kanina pero parang wala ata o baka di ko lang matandaan.

Nung nakarating na ko ng dreamland, naulit yung panaginip ko dati na nasa beach kami ni Liel.

“Zain, I love you. Ang hot mo. Pwedeng pakiss?” sabi ni Liel. Amp na utak. Magrerecycle lang ng panaginip, yung nakakabadtrip pa. 

“Syempre. I love you too e.”  Unting unting lumapit yung mukha nila at nagkiss. Ako naman, nagising dahil may maingay na sounds sa tabi ko.

Pagdilat ko ng mata, andun si Gyptian na naglalaro ng Plants VS Zombies. Kung nagtataka kayo, nasoli na niya yung kotse at cellphone ko. Naiwan ko kasi dun nung hiniram niya kahapon.

“Sup, pre?” sabi niya tapos parang nadeads siya kaya inexit na niya.

“Sino may sabing pwede kang maglaro diyan?” Tanong ko nang badtrip. Asar e. Inistorbo tulog ko.

“Wala. Pero kahit naman ayaw mo, bblackmailin lang kita tapos ayos na diba?” tumawa siya. Tumayo naman ako.

“Ulul. Anong oras na diyan?” tanong ko dahil baka kanina pang time. Nagcucutting kasi tong gagung to tapos minsan dito tumatambay e.

“30 minutes ka nang late.” sagot niya kaya inagaw ko na yung laptop at nagmadali papuntang classroom. Narinig ko pa nga siyang tumawa pero di ko lang pinansin.

Pagdating ko ng classroom, wala pang tao kaya binukas ko yung laptop ko at tinignan yung oras. Pucha. May 10 minutes pa. 

Naghintay lang ako sa may upuan ko hanggang sa dumating si Liel at  Zain nang patawa-tawa.  Tumigil nga sila nung nakita ako. Ako naman, lumapit sa kanila tapos hinawakan ko sa polo si Zain.

“Aero, stop it.” Sabi ni Liel pero di ko lang siya pinansin.

“Bestfriend ko gf mo. Pag nabasag puso niya, mababasag din yang mukha mo. Maliwanag?” tumawa sila ni Liel sa sinabi ko.

“Sabi ko na nga ba e. Masabihan ka lang ng mas gwapo,  ayos na.” sabi ni Zain tapos tumawa kaming tatlo.

Oo na, tanggap ko na siya talaga mahal ni Liel. Ganon talaga e.

Ang importante naman mas gwapo ako diba? =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon