Deviltale [#9]

17.2K 267 19
                                    

NINE


Lumabas na ko ng gate dahil uwian na. Mag-isa lang ako magcocommute pauwe dahil na kay Gyptian nga yung kotse ko. Si Liel naman, busy sa orientation ng Student council campaign. Siya kasi yung president nun pero mapapalitan na next month sa election. Astig nga e. Siya pinakaunang Junior na naging SC president last year. Usually kasi Senior yun pero iba talaga kapag future wife ko e. =D

Si Alexi naman, umattend nung orientation dahil tatakbo nga siya as President. Pero dahil matalino at gwapo ako, hiningi ko na yung bag niya para iuwe. Pumayag nga siya kaya natuwa ako at makukuha ko na yung flashdrive na pinangblablackmail niya sakin.

Paglabas ko ng school, nagpunta muna ako dun sa store kung saan ko huling nakita si Bangs. Kinuha ko yung id niya  na nahulog niya nung tumakbo siya dati. Oi, teka. Wala akong pagnanasa dito a. Gusto ko lang talaga itanong kung nakita siyang bumibili dito.

“Di pa din e.” sabi nung may-ari na matanda. Amp. Bakit ba kasi biglang nagdrop yon? 

A. Nagpaabort pero siya ang naabort. 
B. Nagsawa na sa buhay kaya nagpakamatay .
C. Binenta ang sarili sa ebay at binili ng isang  bumbey. [A/N:Para rhyme padin. Lol.]
D. Nagdroga at naging modern version sisa.
E. Wala lang. Bawal?

Amp.  Bakit ba kasi? Mas nakakaguilty tuloy ako dahil feeling ko, ako may kasalanan ng pagddrop niya.

Bago ako umalis, tinanong ko din yung dalawang estudyante ng ibang school kung may nag-aaral sa kanila na ganong itsura. Nagpacute lang naman yung dalawang babae saken.

“Omygod. Ang gwapo niya. Pero sayang, ang panget ng taste mag-gf.” Narinig ko pang sabi nung isa pagalis ko. Asa. Gwapo ako kaya dapat maganda din ang GF ko. =D

Pagtapos kong magtanong sa store, nagpunta ako sa malapit na simbahan sa may sakayan. Wala lang. Baka kasi nagmadre na siya  kaya nagdrop bigla e. Bwahaha.

“Wala siya dito e.” sabi nung madre na parang nagpapacute pa. Amp. Ang gwapo mo talaga, Aero.  Pati madre o. Bwahaha.

Paglabas ko ng simbahan, parang nakita ko yung kotse ko na nakapark sa tapat. Naisip ko nga na baka andito si Gyptian. Pero imposibleng magsimba yung gagung yon kaya nagpunta na ako ng sakayan para umuwe.

Habang nasa bus ako, naalala ko yung nangyari kay Bangs. Ang totoo niyan, sobrang naguguilty ako sa mga ginawa naming kalokohan sa kanya. Paano nung tinignan ko yung mata niya two years ago, tumakbo siya at nabangga ng kotse. Dinala nga agad siya nung nakabangga sa ospital kaya di ko alam kung ano nang nangyari sa kanya. Ang mas masaklap pa, bigla na lang siyang di pumasok ng iskwelahan. Naguilty tuloy ako nang sobra.

Ang gagu nga ni Gyptian e. Binablackmail ako sa nangyari dahil ang sabi ng mga tao, patay na daw si Bangs. Pero di ako naniniwala kaya hanggang ngayon, pinagtatanong ko padin kung may nakakita sa kanya.

Pagdating ko ng bahay, pumunta ako ng kwarto ko at binukas yung laptop. Hinanap ko agad yung flashdrive ni Alexi sa bag niya at nakita ko agad. Ayos. Wala ng pangblackmail si Alexi sakin.

Tinanggal ko yung takip ng flashdrive niya at ininsert sa laptop ko.

Paginsert ko ng flashdrive, lumabas yung prompt na password. Anak ng pucha. Fail ako. 

Tinanggal ko agad yung flashdrive at sinoli sa bag niya. Naalala ko naman yung doodle diary niya kaninang umaga kaya nagpunta ako sa kwarto niya at baka nakalagay dun yung password.

Dinala ko nun yung bag niya para may palusot ako kapag dumating siya. Pagpasok ko ng kwarto niya, nagpunta agad ako dun sa shelf para kunin yung diary niya. Kaso pucha, wala na. Amp. San kaya nilagay nung babaeng yun yon?

Tinignan ko yung kama niya at baka nasa ilalim lang ng unan. Kaso wala talaga. Amp. Asan ba yon?

Habang naghahanap ako, biglang bumukas yung pinto kaya napatingin ako at kinabahan. Amp. Si Manang G lang pala. Kala ko si Alexi na.

“Anong hinahanap mo diyan, Aero?” tanong ni Manang G.

“Wala, manang G. Ang ganda niyo ngayon a.” tumawa naman siya at parang nagblush pa.

“I know, right. Anyway, may merienda sa baba. Kain ka muna.”  Tumawa lang kami tapos inayos ko na yung kama ni Alexi nun at lumabas para kumain. 

“Manang G, bakit ba andito si Alexi?” tanong ko habang nasa mesa kami.

“Ah. Yun ba? Ang alam ko scholar siya sa school niyo e. Pero dahil galing probinsya, pinatuloy ng TitaMich mo dito.” Ah. Kaya pala masyadong nagpapakaperfect. Scholar pala siya.

“Cool.” Yun lang sinabi ko nun tapos kumain na ko.

Nagpunta ako sa sala after kong mabusog para manood ng TV. Ang korni nga dahil walang kwenta yung mga palabas kaya nagpunta ako dun sa lalagyan ng mga DVDs para maghanap ng mapapanood. 

Kinuha ko yung Resident Evil Extinction dahil di ko pa napapanood yon. Nung ilalagay ko na sa DVD, may napansin akong kulay pink na nakapatong kaya kinuha ko agad. Ayos! Malalaman ko na yung password ni Alexi.

Pagbukas ko, naamazed ako sa galing niyang magdoodle. Tapos nun, binasa ko yung pinakatitle sa taas.

NINE THINGS MY SOULMATE WILL DO FOR ME.

Babasahin ko pa sana lahat pero narinig kong nagbukas yun gate. Tinignan ko sa bintana at amp, nakauwi na si Alexi. Binukas ko nun yung smartphone ko at kinunan ng picture yung page. Tapos nun, hinagis ko pabalik dun sa ibabaw ng dvd.

“Aero.” Sabi ni Alexi pagpasok niya ng pinto. Humarap naman ako sa kanya at tinakpan yung lalagyan ng DVD.

“Bakit?” tanong ko nang nakatodo smile.

“Yung bag ko?” tanong niya kaya sinabi kong nasa kwarto niya. Pag-alis niya paakyaat, inaayos ko muna yung diary niya at sumunod sa kanya.

“Ginalaw mo to no?” tanong niya pagcheck nung bag niya.

“Oi. Hindi a!Bakit ko naman gagalawin yan?” palusot ko. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay.

“E nasan yung takip neto?” pinakita niya yung flashdrive. Amp. Nakalimutan kong ibalik!

“Ewan ko. Baka natanggal lang diyan.” Reply ko nang nagpapanic. Lumapit naman siya nang nakataas pa din yung kilay.

“Er. Baka nahulog mo?” sabi ko. Lumapit naman siya lalo. Pucha.

“Oo na. Ginalaw ko na. Buburahin ko lang naman yung story ko na pangblackmail mo e.” pagkasabi ko nun, tumawa siya.

“Haynako Aero, kahit burahin mo pa yon, nakaupload na yun sa 4shared ko no.” sabi niya nang patawa-tawa. Amp. Mautak!

“By the way, may bago akong ipapagawa sayo.” Sabi niya kaya tinignan ko siya nang nagtataka.

“Ano?” tanong ko, nagsmile naman siya ng todo.

“Tatakbo ka as Vice President ko sa student council election.”Pagsabi niya nun, tumawa ako.

“Joke yon? Ako, Vice President? Gusto mo bang mawala sa tamang landas ang mga estudyante ng school?” sabi ko nang patawa-tawa pero binatukan niya lang ako.

“Baliw. Di sila mapapariwala dahil si Aero Villarino ay magiging isang role model sa kanila. Dahil kung hindi, may kakalat na storya ng isang gwapong secret writer.” Papalag pa sana ako sa kalokohan niya kaso tinawag niya kong gwapong secret writer e. Bwahaha. Joke lang. Pinaalis niya na kasi ako at magbibihis pa daw siya. Amp nga e. Ako, role model? Pucha.

Di ba pwedeng ramp model nalang? Gwapo naman ako e. =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon