THIRTY NINE
“Aero, nasusunog na yung niluluto mo.” Sigaw ni Manang G kaya tumakbo agad ako sa may kusina. Oo, magaling na ko pagtapos ng one week na pahinga. Ang sarap nga ng buhay e. Pachill chill lang kasi ako tapos inaalagaan pa ko ni Alexi. Bwahaha.
Pero teka. Kung nagtataka kayo kung pano nalaman ni Alexi yung lugar na pinagdalan sakin nila Cynthia, itanong niyo sa kanya. Bwahaha. Joke lang. Sinundan daw kasi niya si Gyptian pagtapos i-explain lahat ng nangyari nung araw na yon. Ang plano daw kasi nun, magtetext si Izzard pag nalaman na yung lugar na pagdadalan sakin. Yun nga lang, nahuli si Izzard nung dalawang kumag kaya sila nalang ni Gyptian yung nagtuloy nung plano. Amp nga e. Kaya ko naman na yon, naistorbo pa sila. =D
Pero naamazed ako kay Alexi a. Nadistract niya kasi yung mga kumag kaya di nila napansin si Gyptian. Iba e. Maganda na, magiging asawa ko pa. Bwahaha.
Kung nagtataka naman kayo kung kami na ni Alexi, mamaya pa. Isusurpise ko kasi siya ngayon tapos tatanungin ko kung girlfriend ko na siya e. Wala lang. Para memorable. Ang sweet kong gwapo no? =D
“Joke lang.” sabi ni Manang G nang patawatawa pagdating ko ng kusina. Tsk. Kala ko magluluto na naman ako ng Carbonara e. Pangatlo ko na kasing luto to dahil fail yung mga nauna e. Sorry naman. Gwapo lang talaga ako pero wala akong talent sa ganyan. Bwahaha.
Tinignan ko yung oras nun sa phone ko. Ayos, malapit nang umuwe si Alexi.
Bumalik na ko sa sala tapos binukas ko yung TV na nakaplay yung the Notebook. Nakakaiyak naman pala talaga to e. Naimagine ko kasi na kami ni Alexi yung mga bida kaya naiyak ako. Wala lang. Mahal ko e. =D
“OMG. Aero. Umiiyak ka?” pinunasan ko agad yung mata ko nun ng braso ko. Lumapit naman siya na medyo basa pa dahil umuulan ngayon. Kasama kasi sa plano ko na gawin to kapag umuulan e. Buti nga di barbero yung weather widget sa phone ko e. Bwahaha.
“Teka, eto yung pinanood natin dati a?” sabi niya pagkatingin sa TV tapos tumabi siya sakin.
“Number 3: Cry with me while watching a movie. Sorry kung gumamit ako ng eyedrops nun. Iyak ka nadin para lima na lang yung uulitin ko.” Sabi ko pero binatukan niya ko nang patawa-tawa. Tumayo naman ako tapos hinila ko siya sa may kitchen.
“Number 2: Cook for me. Carbonara dapat!” binigyan ko siya ng plato nun tapos hinintay ko siyang kumain.
“Sorry kung bumili ako nun. Wala kasi si Manang e. Di ko tuloy napaluto.” Natawa siya sa sinabi ko tapos kumain siya.
“Masarap? Niluto ko yan. Tanong mo pa kay Manang G.”Tinawag niya si Manang nun na galing taas. May pinapabantayan kasi ako sa kanya e.
“Manang G. Si Aero daw nagluto neto?” tanong niya na ayaw talagang maniwala.
“Oo, niluto ni Aero yan. Nakasunog pa nga kanina e.” tumawa siya sa sinabi ni Manang tapos bumalik na si Manang sa taas.
“Sabi ko sa yo e.” hinintay ko lang siyang matapos kumain nun nang tatlong plato tapos hinila ko na siya papunta sa may terrace namin.
“Number 5: Do a charity with me. For kids ha!” Binukas ko yung pinto ng Terrace nun tapos sinalubong kami nung mga bata ng orphanage.
“Sorry kung fake yung pagtulong ko nun. Wag ka mag-alala. Totoo na to. Ang cute ng mga bata e.” sabi ko nang siryoso tapos sinenyasan ko si Grei na gawin na yung usapan namin.
“Ate Alexi. Bakit ang manang mo?” sabi ni Grei dahil sabi ko gawin niya yun kapalit ng madaming chocolate. Yun kasi pinangsuhol sa kanya ni Gyptian para sabihin sakin na magIloveyou na sa ferris wheel e.
“Oi, bata. Wag mo ngang binubully yung mahal ko.” Nag-yii pa yung mga bata nun kaya nagsmile ako kay Alexi na parang namumula sa tabi ko.
“Number 1: Defend me against immature bullies.” Pagkasabi ko nun, tinapakan ni Grei yung paa ko kaya napatingin kami sa kanya.
“Di ako premature.” sabi niya kaya natawa kami ni Alexi. Ang cute lang e. Mali pa yung pagkaintindi. Bwahaha.
“Sorry kung inutusan ko sila Blue nun. Wala naman kasing mangbubully sayo e. Syempre, sobrang ganda mo e.” natawa lang si Alexi sakin nun tapos pinakain na namin yung mga bata sa may kitchen.
Pagtapos kumain, binigay namin yung mga chocolate saka mga laruan sa kanila tapos hinatid na namin sila sa may orphanage.
Paghatid namin sa kanila, hinila ko si Alexi dun sa labas.
“Number 4: Play with me in the rain.” Sabi ko kaya pinalo niya ko nang pabiro.
“Alam mo bang di ko sinasadyang magawa yon?” tinignan niya ko nang nagtataka.
“Siryoso. Tinigil ko na yung paggawa ng NTMSWDFM mo dahil naging close narin naman tayo. Saka mababawasan yung pagkagwapo ko kung itutuloy ko pa yun diba?” natawa lang siya sakin habang nakatayo kami sa may ulan.
“Di nga?” sabi niya kaya lumapit ako nang todo sa kanya.
“Oo. Gusto mo pa bang gawin ko ulit yun Number 6: Catch me when I fall mo?” tanong ko habang bumilis yung heartbeat ko.
“Pano kung oo?” Sabi niya nang patawa-tawa kaya natuwa ako.
“Nafall in love ka na sakin diba?” parang namula siya sa tanong ko na di makasagot.
“Edi yan na. Kinaka-catch na kita. I love you, Alexi. Girlfriend na kita a?” no reaction lang siya sa sinabi ko tapos bigla siyang tumawa.
“Ayoko nga.” Tumakbo siya nun pero di ko siya hinabol. Bwahaha. Kala niya a.
“Sige, nevermind.” Umacting ako na parang nasaktan tapos naglakad na ko paalis. Hinabol niya naman ako tapos niyakap ako patalikod. Bwahaha. Sabi na e. Di niya matitiis yung kagwapuhan ko. =D
“Joke lang. Ang gwapo gwapo mo, tatanggihan kita?” natawa ako sa sinabi niya tapos humarap ako sa kanya.
“Iloveyou ko muna?” napasmile siya sakin tapos huminga siya nang malalim.
“I love you, gwapo.” sabi niya kaya nagsmile din ako.
“I love you din, ganda. Bawal makipagbreak a?” pagkasabi ko nun, nilapit ko yung mukha niya tapos hinalikan ko siya.
“Gusto niyo ng condom?” sabi ni Dad nang nakakotse kaya napatingin kami. Kasama kasi sa plano na susunduin niya kami pagtapos ng kiss namin e. Bwahaha.
Pagsakay namin sa ng kotse, tinanggal ko yung tshirt ko tapos naghanap ako dun sa bag na dala ni dad ng towel.
“Dad, san dito yung inaalok mo?” joke ko kaya binatukan ako ni Alexi.
"Joke lang. Tara. Wag na tayo magganon.” Joke ko ulit. Parang nagalit naman yung itsura niya.
“Sapak, you like?” sabi niya na nagclosefist pa kaya pinigil ko yung tawa ko.
“Hindi. Kiss, I like.” Pagkasabi ko nun, nag-smile siya tapos unting unti niyang nilapit yung mukha niya. Pumikit naman ako habang hinihintay yung kiss niya.
“Eto, I like e.” bulong niya sa tenga ko tapos sinuntok niya yung ano ko. Amp.
Wala na. Sira na yung kinabukasan ng mga anak naming dalawa.