TWENTY EIGHT
“Guys, laro tayo spin the bottle!” sabi ni Liel dito sa camp. Oo. Gabi na at tapos na yung boring na survival
shts na tinuro samin. Ba’t kasi may ganon pa e. Nasayang tuloy yung oras. Pero oh well, may natutunan din naman ako kahit pano. Kaya oo, di lang ako basta gwapo. Bwahaha.
“Like, that’s very much of a funniness so let’s go play already.”Sabi ni Goldy na katabi ni Tiara. Friends na nga sila dahil ewan ko din. Importante pa ba yung dahilan? Bwahaha.
“Tara. Aero, patawag naman si Alexi sa tent nila.” Sabi ni Zain tapos tumawa sila. Amp. Bakit ako?
Pero dahil ayokong may isipan sila na kung ano, nagpunta na ko dun tent nila Alexi at Cynthia.
“Oi Alexi. Tawag ka nila.” Sigaw ko kaya sumilip siya na parang nagulat. Umiiyak nga si Cynthia dun sa loob kaya napatingin ako. Tsk. Ang sama talaga ni Alexi o. Nagpapaiyak. Bwahaha.
“Kanina ka pa ba diyan?” tanong niya tapos nagtiniginin sila ni Cyntha. Err. Ano ba meron? Crush ako ni Cynthia? Bwahaha. Ang gwapo ko talaga.
“Hindi. Kakadating ko lang. Pinaiyak mo?” natawa si Alexi sa sinabi ko tapos lumabas siya ng tent.
“Baliw. Bakit daw ako tinatawag?” Tsk. Guilty. Binabago yung usapan e. Bwahaha.
“Spin the bottle daw.” Tumingin si Alexi kay Cynthia pagkasabi ko nun. Ang baet a. Ayaw niyang iwan nang malungkot.
“Sige na. Okay na ko. Thanks, Alexi.” sabi ni Cythia na pinipilit mag-smile. Bakit ba kasi nag-eemo siya?
“Sali ka.” Aya ko kay Cynthia pero tinignan niya lang ako na parang nagulat.
“Bilis na. Para makalimutan mo na yang nagpaiyak sayo.” Pilit ko pero parang ayaw niya pa din.
“Tara Cynthia. Pag di ka sumama, di na gwapo si Aero.”napatingin ako kay Alexi nang patawa-tawa. Amp. Asa namang mangyayari yun. Bwahaha.
“Please naman Cynthia o? Gusto ko pang maging gwapo e.”natawa lang si Cynthia sakin tapos sumama na samin. Yon. Bawal malungkot sa harap ng gwapo e. Bwahaha.
Pagbalik namin dun sa may campfire, nakayuko si Goldy na nakaturo yung kamay sa baba tapos pinapaikot ni Gyptian. Bwahaha. Patay na. May masamang binabalak siya kay Goldy. Bwahaha.
“Anong ginagawa mo kay Goldy?” tanong ni Alexi. Tumawa lang naman si Gyptian.
“Dinidemo ko yung spin-the-tao e.” natawa ako kay Gyptian. Ako kasi nagpauso nun dati. Papaikutin yung tao nang nakayuko tapos kung sino matapatan kapag hilo na, magjojoke. Kapag korni, siya na yung taya. Kapag nakakatawa, ligtas tapos yun ulit yung iikot.
“What the hell?” sabi ulit ni Alexi kaya inexplain ni Gyptian kanya kung pano yun tapos nun, tumawa lang siya. Akala ko nga di siya sasali pero nag-game siya kaya puwesto na kami ng pabilog. Katabi ko si Izzard na nahilo daw at nakatulog kaya di niya napansing naiwan ako kanina tapos si Alexi sa kabila ko habang yung iba naman, nakaupo nang paikot.
“Game. Taya na pag walang natawa sa joke a?” sabi ni Gyptian tapos pinaikot na niya si Goldy. Nakakatawa nga kasi si Goldy din yung pinaikot namin dati hanggang sa di na niya kaya. Bwahaha.
Pagtapos umikot, huminto si Goldy sa harap ko kaya nag-isip na ko nang malupet na joke.
“Anong TI ang palaging naninigas?” natawa sila kahit di pa tapos. Bwahaha. Mga utak talaga ng tao ngayon e no?
“Ano?” tanong Gyptian pagtapos tumawa siya.
“Edi Ti-gasin.” Bwahaha. Akala niyo di wholesome no? O, magvirus scan na ng utak. Bwahaha.
Dahil natawa sila, tumayo na ko at sinabihan si Goldy na umikot na. Si Izzard yung natapatan kaya nag-isip ang gagu ng ijojoke. Ang tagal nga e. Overtime. Bwahaha.
“Anong PEK ang mamasa-masa?” natawa kami dahil ang bastos pakinggan. Bwahaha. Gagu din talaga minsan to e no?
“Ano?” tanong ko. Natawa pa nga siya na di masabi yung joke kaya natatawa kami. May ganon kasi diba? Mas nakakatawa pa yung tawa sa joke.
“Edi Pek-wan.” Bwahaha. Pinilit. Pero dahil napatawa niya kami, tumayo na siya para paikutin si Goldy.
Umupo naman ako dun sa pwesto niya kaya katabi ko Gyptian at Cynthia. Ngayon ko lang nga napansin na magkatabi na pa sila si Alexi at Gyptian na nagpipisilan pa ng kamay. Amp. Dito pa nagganunan e no?
Pagkaikot ni Goldy, si Zain yung natapatan kaya nagexpect ako ng korning joke. Bwahaha.
“Anong SU ang malambot?” natawa kami kasi nakakaberde ng utak yung mga joke. Pauso kasi yung gwapong unang nagjoke e. Bwahaha.
“Ano?” tanong ni Izzard kaya nagready na ko sa isang korning joke.
“Edi SUFT.” Tumawa ako nun kahit korni dahil bangag na si Goldy na nakabukaka dun sa gitna. Pang-FHM kasi yung pose niya e. Bwahaha. Pero syempre, joke lang yon. Bwahaha.
“Goldy, okay ka pa?” tanong ni Zain pagkatayo niya nang patawa-tawa.
“Indefinitely. Like, very much okay still.” Patawa-tawa pa talaga siya kaya natawa kami. Yan gusto ko kay Goldy e, masarap pagtripan. Bwahaha.
Pinaikot na ni Zain nun si Goldy habang nagkukulitan sila Gyptian sa tabi ko. Tsk. Nakakabadtrip minsan yung mga Magka-MU no? Wala lang. OP mundo sa kanila e. Bwahaha.
Habang hawak ni Gyptian yung kamay ni Alexi, saktong nahilo papunta sa kanya si Goldy kaya napatungan siya. Bwahaha. Buti nga. =D
“Oh my Godliness. Cannot I go die out here already?” sabi ni Goldy na yumakap pa kay Gyptian.
Dahil malakas ang trip ko nun, nilabas ko yung cellphone ko at pinicturan. Bwahaha. Sa wakas, may pang-blackmail na din ako kay Gyptian.
“Kiss.” Sabi ko pagkapicture kaya nakigaya yun iba. Nabadtrip naman si Gyptian kaya tinulak niya si Goldy nang pabiro.
“Shut up. Magjojoke na ko.” Sabi ni Gyptian kaya natahimik kami.
“Anong JUT- ang bumabakat?” tinignan lang namin siya. Ang labo e.
“Ano?” Tanong ni Zain na di rin gets.
“Edi Jutong.” Pagkasabi niya nun, natawa kaming lahat. Amp e. Kung ano pa yung di inaakala, yun pa talaga yung di wholesome. Kung sa bagay, ganon naman talaga sa totoong buhay. Kung sino pa yung mukhang matino, sila pa yung mauunang magkakaanak. Yun nga lang, exempted yung mga gwapong tulad ko. Bwahaha.
Napansin ko nun na di tumatawa si Alexi kaya tinignan ko siya.
“Bakit?” tanong ko kaya tinignan din siya ng mga tao.
“Ano yung jutong?” ang siryoso sobra ng itsura niya kaya natawa ko. Bwahaha. Ang inosente talaga neto kahit kailan.
“Ano nga?” Parang naiinis na siya kaya mas lalo akong natawa.
“Tanong mo kay Sir.” Tinuro ko yung camp master namin na dumating kaya natahimik kami. Parang lagi kasing galit yun e. Bwahaha.
“Sir, question.” Nagtaas pa ng kamay si Alexi kaya tinignan siya ni campmaster nang nagtataka. Bwahaha. Itatanong niya talaga yon?
“Ano po yung Jutong?” pinipigil namin yung tawa namin nun dahil baka magalit si campmaster. Saka pangsobrang inosente kasi nung pagkatanong ni Alexi.
“Jutong?” parang nag-isip yung itsura ni campmaster. Pinipigil padin nga namin yung tawa namin dahil strict yung kupal na yan e.
“Opo. Yung bumabakat.” Pagkasabi niya non, natawa si campmaster kaya natawa din kami. Bwahaha. Sabi na e. Ma-L tong si campmaster. Bwahaha.
“Kayo talagang mga kabataan ngayon. O siya, bumalik na kayo sa mga tent niyo. 5am sharp gising bukas a.” tumayo na kami nang patawa-tawa. May hangover pa kasi kami kay Alexi e. Bwahaha.
Pag-alis ko, narinig ko pang tinatanong ni Alexi kung ano yung jutong kaya natawa ulit ako. Bwahaha.
Iba na talaga pag inosente no? Walang alam sa mundo e.
Buti pa ko, gwapo. Bwahaha.