TEN
“Hoy, makinig ka nga.”sabi ni Alexi sa tabi ko. Andito kami sa orientation ng Student Council election. Oo. Pumayag akong maging Vice President niya. Pero di dahil takot ako sa pambblackmail niya. Meron na kasi akong plano para at mabasag ang puso niya at kasali to sa planong yon. =D
“Nakikinig ako.”Sagot ko lang kahit hindi. Yung nerd kasing vice president yung nagsasalita kaya tinatamad ako. Dapat si Liel nalang e. Boring tuloy. Tsk.
Tinignan ko nun si Liel na nakaupo sa may stage. Nagsmile naman siya pero pucha, Kay Zain pala nakatingin. Amp. Para saken dapat yun e. >=|
“Hoy Zain, libre nalang to!”sabi ko dahil siya yung treasurer ng party namin.
“Asa. Di uso saken ang libre, pre.” Tumingin siya saken. Amp kasi to e. Ayaw pumayag nang walang talent fee. Pero ayos lang. Nagulo ko naman yung tinginan nila ni Liel e. =D
“Mukhang pera ka talaga.”Joke ko. Tumawa lang naman siya.
“Wag nga kayong maingay. May natutulog e.”sabi ni Gyptian sa likod ko. Batch representative kasi siya sa party namin. Di ko nga alam bakit sinali pa yan ni Alexi e.
“Ulul?”sagot ko kay Gyptian kaya nang-pakyu siya. Tapos nun, bumalik na siya sa pagtulog. Pagod siguro kagabi. Hating gabi na niya kasi sinoli yung kotse ko e.
Tumingin na ko ulit kay nerd na ineexplain yung mga events pagkatapos kong matawa kay Gyptian.
Amp. Ang boring pala sumali sa ganito. Ang dami naman kasing alam. Di nalang pabotohin para tapos na. Meron pang pauso na Meeting de avance bago yung araw ng election. Ang cool lang naman dito, by party yung pagvote kaya sure win na kami dahil saken palang, boboto na lahat ng babae sa iskwelahan na to. Bwahaha. Wag na kayong pumalag. Gwapo ako kaya sigurado ako dun. =D
“Okay. That’s all. The election will be one month from now. Goodluck to both parties.”Sabi ni nerd. Di ko alam pangalan niya e at wala akong planong alamin.
Nagclosing remarks lang si Liel pagtapos nun tapos pinalabas na kami ng Auditorium
“Oh My God, friends, this is it. Sure na kong matatalo natin sila Yulary.”Sabi ni Tiara habang naglalakad kami palabas. Siya kasi yung isa pang representative namin.
“Tama. Ang ating pagkapanalo ay mauuwi sa masayang pagsasalo.”Sabi naman ni Izzard. Amp. Pang-ermitanyo na naman yung mga sinasabi niya.
“Like, oh my gosh. You’re so manggamit much din talaga no? You’re using Aero pa and his friends talaga just to make me pahiya and win the election. Pero mark my word, Alexi girl, we will effin, like seriously effin, win this.”Sabi ni Yulary na kasama si Goldy.
“Indefinitely, girl. Like, Goonand mark itall out already. Because like, we will,indefinitely and insurelywinthoseelections.”Sabi naman ni Goldy. Tumawa lang sila ng barkada niya tapos naglakad na sila. Tsk. Asa kayo. Kami na sure win dito.
Bumaba na kami sa canteen pagtapos nun. Nagpaiwan nga si Zain at Izzard para hintayin si Liel e. Oo. Sumama ako kila Alexi kahit labag sa kalooban ko. Ngayon ko na kasi sisimulan yung paggawa sa NTMSWDFM (NINE THINGS MY SOULMATE WILL DO FOR ME) ni Alexi. =D
Pagbaba namin, nagcr muna ako kunwari habang hinarang naman nung kambal kong classmate dati sila Alexi.
“Tiara taba. Ang ganda mo na a. Gusto mong maging tayo?”sabi ni Blue tapos tumawa sila ni Red.
“Oo nga. Pumayag ka na, alam naman naming lahat na walang papatol sayo e.”napasmile ako sa sinabi ni Red dahil alam kong di naman siryoso yun.
“Tara. Basta durog ka after ha?”sagot ni Tiara kaya natawa ako. Teka. Amp. Dapat mababastos siya a. Bakit parang nageenjoy siya? Tsk.
“Tara o. Gusto mo threesome pa e.”Sabi ulit ni Red kaya parang nagalit si Alexi.
“Hey. Watch your mouth. Ang bastos mo!”sabi ni Alexi kaya tinignan siya ni Red.
Ayan na. Magagawa ko na ang number one sa NTMSWDFM ni Alexi. Bwahaha.
“Ano bang pake mo, manang?”Natawa ako nun sa sinabi ni Red pero pinigil ko at baka marinig ako nila Alexi. Nagtatago na kasi ako dito sa likod nila.
“Oo nga. Inggit ka lang dahil sa pagiging manang mo, walang makikipaglaro sayo.”Pagkasabi ni Blue nun, lumabas na ko na galit kunwari.
“Hoy. Tigilan niyo nga sila.”Sabi ko paglapit ko nang siryoso. Umarte naman yung dalawa na parang natakot at aalis na.
“Teka, mag-sorry kayo.”Nagtinginan yung dalawa na binayaran ko pa para lang pumayag na gawin to.
“Bilis.”Sabi ko nang pautos.
“S-sorry.”Sabi nung dalawa na kunwaring natakot tapos umalis na sila. Bwahaha. Success. =D
“Ayos lang kayo?”tanong ko kila Alexi pag-alis nung dalawa.
“Yep. Thanks, Aero.”Sagot ni Tiara habang si Alexi naman, nakatingin lang saken. Alam ko iniisip niya.“Ang sweet naman ni Aero. Iba na talaga pag gwapo.”Bwahaha.
Kumindat lang ako kay Alexi habang siya, umirap lang sakin. Amp. Di talaga marunong magpasalamat to. Pero ayos lang. Mission accomplished naman e.
ONE. DEFEND ME AGAINST IMMATURE BULLIES.
Woot. Eight things nalang. =D