Deviltale [#12]

16K 241 37
                                    

TWELVE


“Aero, di ako sasabay ngayon. Susunduin ako ni Dad e.” sabi ni Liel pagkatapos ng last subject namin. Amp. Panira naman si Dad o. Di ko tuloy makakasabay si Liel ngayon. =D

“Ah okay. Ingat nalang.” Umalis na siya nang classroom kaya nalungkot ako. Minsan lang kasi siya di sumabay e.

Pag-alis ni Liel, pinuntahan ko si Alexi dun sa may locker.

“Alexi. Samahan mo ko.” Sabi ko kaya napatingin siya sakin habang naglolocker. Teka. Sa mga nagtataka kung bakit gusto ko sa akin lang siya mainlove. Di ko na kasi mababasag puso niya kapag nainlove siya sa iba. Yun lang  yon kaya wag na kayong magisip ng kung ano. Di bagay sa maganda/gwapo yan. Bwahaha. =D

“San ba? May meeting pa kaya tayo para sa election.” Tsk. Oo nga pala. May ganon pa kasi e.

“Ah okay. Edi pagkatapos nalang. San ba yung meeting?” tanong ko dahil wala akong alam. Di naman kasi ako interesado dun e.

“Sa Greenwich.” Nagpunta na siya sa upuan niya at kinuha yung bag kaya ginaya ko nalang din siya.

“Pre, libre mo daw?” sabi ni Zain pagkakuha ko ng bag.

“Asa ka.” tumawa naman siya. Epal na to, 5k na nga nagastos ko sa talent fee niya e.

“Joke lang. Tara, kasama daw si Gyptian e.” Weh? Anak ng pucha. Ba’t kasama yun?

Naglakad na sila ni Izzard papunta kina Tiara at Alexi kaya sumunod na din ako.

“Friends, talunin natin sila huh?” sabi ni Tiara paglapit namin. Ayos a. Ibang iba na talaga siya.

“Asan na si Gyptian?” tanong ni Izzard kay Tiara dahil magkaklase sila ng gagung yun.

“Pumunta ng Gym. Di daw siya aatend e.” Yon. Buti na lang hobby niya magbasketball dun kapag uwian. Ayos.

“Di pwede. Sige, una na kayo, puntahan ko lang si Gyptian.”Binigay ni Alexi yung bag niya kay Tiara tapos tumakbo papuntang Gym. Tinignan ko lang naman siya habang tumatakbo.

“Sundan mo.” sabi ni Zain nang patawa-tawa. Ayoko nga. Gutom na ko e.

“Oo nga, pre. Sige ka, baka kung anong gawin ni Gyptian dun.”Dagdag ni Izzard na mukhang matino yung mood. Naalala ko naman yung sinabi ni Gyptian nung binasag ni Alexi yung ano niya na magiging miserable buhay ni Alexi. Natawa tuloy  ako.

“Anong nakakatawa?” tanong ni Zain. Nag’wala’ lang ako tapos naglakad na ko papuntang gym. 

Pagdating ko dun, nag-CR muna ako dahil wala namang magagawa si Gyptian kay Alexi. Baka nga sa kanya pa may gawin yung babaeng yun e. Bwahaha.

Pagtapos ko mag-cr, nagpunta na ko ng Gym. Naglalaro sila Alexi at Gyptian ng basketball habang nanonood yung mga tao.

“WOAH.” Sigaw nung mga tao kaya nacurious ako at tinignan ko. Nablock ni Gyptian yung lay up ni Alexi. Bwahaha. Pahiya. 

Tinignan ko yung scoreboard nun habang nagddrible si Gyptian. Tambak yung isa ng bente. Amp. Kawawang Alexi. Basketball varsity kasi dati si Gyptian kaya lang nakick out dahil tamad magtraining tulad ko. Bwahaha.

Nanood lang ako habang naglalaro sila. Galing nga ni Alexi e. Parang di babae maglaro. 

“5. 4. 3. 2.” Bilang nung crowd tapos nagshoot si Alexi ng three points. Napanganga tuloy ako ng di oras. Ang layo niya kasi sa ring pero nashoot niya pa. Lakas chumamba. =D

“Sige na. Talo na ko.” Sabi ni Gyptian na parang pagod pagod. Talo? Lamang nga siya e. Labo amp.

“Like, Oh my Godliness. Alexi is so amazing much when they basketball awhile ago. But If I’m going to know, she’s just like, making publicity to beat you only in those election, Yulary girl.”Sabi ni Goldy sa gilid na kausap si Yulary. Talaga? Si Alexi nanalo? Bwahaha. No match pala si Gyptian e.

“That beetch is so pabida much talaga. She’s like so going down talaga this coming election. Imma make sure na ako ang mananalo sa election and sa heart ni Aero.” WTF? Lumabas ako ng gym at baka makita pa ko ni Yulary  at dramahan na naman ako. Hinintay ko lang mawala yung barkada nila pati yung mga tao tapos bumalik na ko.

Nung pagbalik ko, nabangga ko yung nerd na bagong recruit nila Yulary sa may entrance.

“S-sorry.” Sabi niya pagkapulot nung salamin niyang nahulog. Maganda naman pala siya kapag walang salamin. Kulay green pa nga yung mata niya e.

“Ayos lang.” sabi ko tapos naglakad na ko papunta kila Gyptian na umiinom ng tubig kasama si Alexi.

“Hoy. Ang tagal niyo a.” sabi ko na kunwari badtrip at kakadating lang. 

“Papilit pa kasi yung isa diyan e.” sabi ni Alexi nang patawa-tawa. Parang naasar naman yung itsura ni  Gyptian.

“Balita ko may natalo daw kay Alexi kanina a.” asar ko kaya naglakad na si Gyptian palabas ng gym. Bwahaha. Pikon. Maasar nga to lalo sa Greenwich.

Tumawa lang kami ni Alexi tapos nagpunta na kami ng Greenwich. Pagdating namin, umorder na kami at naupo.

“Alam niyo bang may natalo kay Alexi kanina sa basketball?”sabi ko nang patawa-tawa para asarin lalo si Gyptian. Tahimik lang naman si gagu na di ako pinansin. Bwahaha. Pahiya kasi.

“Talaga, sino?” tanong ni Tiara kaya mas natawa  ako.

“Bilis na. Magmeeting na kung magmeemeeting. May pupuntahan pa ko e.” asar na sabi ni Gyptian. Bwahaha. Guilty sa pagkanomatch niya kay Alexi. 

Nung dumating yung order namin, nag-discuss na si Alexi tungkol sa campaign at yung mga project proposals. Nagsuggest pa nga ako na dagdagan yung out of school programs dahil cool yon. Umoo naman sila dahil gwapo ako. Bwahaha. Wala lang. Di ko pa kasi nasasabi na gwapo ako sa chapter neto e. =D

Pagtapos nung meeting, nagbye na sila at nagpasama ako dun kay Alexi sa store para bumili ng kailangan ko sa pagluluto.

“Pabili nga po ng mga to.” Sabi ko dun sa lagi kong pinagtatanungan tungkol kay Bangs na matanda pagkabigay nung papel na naresearch ko. Umalis naman si gurang at pinaghintay ako.

“Ano bang meron?“tanong ni Alexi habang may tinitignan siya dun na bracelet na may pink na butterfly na mga nakasabit.

“Wala. Gusto mo niyan?” tanong ko dahil mukang gandang ganda siya. Tama. Ibibili ko to sa kanya para kiligin siya. Bwahaha.

“Bakit, bibilin mo para sakin?” tanong niya nang patawa-tawa. Nagjojoke ata.

“Sabihin mo munang gwapo ako.” joke ko kaya umirap siya. Kinuha ko naman yung bracelet nung di siya nakatingin tapos binigay dun kay manong sa may counter.

“Pasama na din po to. Magkano lahat?” sabi ko tapos nagbayad na ko pagkasabi nung amount ni manong.

“Eto iho o. Nakita mo na yung babaeng may bangs?” tanong ni manong kaya parang napatingin sa kanya si Alexi.

“Hindi pa po e. Sige po. Thank you.” Pagkasabi ko nun, lumabas na kami ng store nila. Bigla ngang humangin ng malakas kaya napapikit ako.

“Crap.” narinig kong sabi ni Alexi na hawak yung isang mata niya tapos nagmadali siya papuntang kotse. Napuwing ata. Sinundan ko naman siya at nilagay yung binili ko sa may likod.

“Hipan ko?” alok  ko kahit awkward gawin yun. Pinapatakan niya kasi yung mata niya nung pampatak na di ko alam ang tawag. 

Tumanggi naman siya  tapos parang may tinanggal sa mata niya at nagsuot ng salamin. Nakacontact lens pala siya.

“Okay na ko, drive na.” sabi niya nang di tumitingin kaya nagdrive na ko. Malabo pala mata neto no? Bwahaha. Kawawa.

Buti pa ko, gwapo na, malinaw pa mata. =D 

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon