Deviltale [#32]

12.9K 183 18
                                    

THIRTY TWO


“Alexi, paturo sa Calculus!” nilapag ko yung libro dun sa table niya sa kwarto. Sabi kasi ni Liel dapat daw maimpress ko si Alexi e. Kaya eto, peperfect-in ko yung last exam bukas. Bwahaha.

“Wait lang, may titignan ko lang yung niluluto ko.” Tumayo si Alexi kaya naiwan ako sa kwarto niya.  Nakita ko nga yung diary niya dun sa shelves kaya naisip kong kunin. Wala lang. Para tignan ko lang kung effective yung pagpaparamdam ko sa kanya.

Netong mga nakalipas na araw kasi, tinatry kong maging sweet kay Alexi dahil sabi ni Liel, ganon daw manligaw. Ayos nga e. Di kasi sila nakakapag-usap ni Gyptian dahil mas gwapo ako kaya nakadiskarte ako. Sana nga wag na sila mag-usap habang buhay e.  Wala lang.

Kahit saang angulo naman kasi tignan, mas bagay kami ni Alexi e.=D

Nung kukunin ko na yung diary ni Alexi, biglang bumukas yung pinto kaya nataranta ako.

“Oi. Anong ginagawa mo diyan?” tinignan ko si Gyptian dun sa may pinto. Amp. Kala ko si Alexi na. Teka.

“Ba’t andito ka?” tumawa siya tapos naupo dun sa table.

“Tutor ko si Alexi e. Ikaw, anong ginagawa mo dito?” tumawa siya na parang may iniisip na masama.

“Ah, oo nga. Pinapasabi niya nga pala  na di na tuloy yun.” sabi ko para umalis na siya. Parang naniwala nga siya sandali kaya tinignan ko siya ng siryoso. Tapos nag-smirk siya bigla saken.

“Ulul. Gusto mo lang masolo si Alexi e.” tumawa siya tapos tumunog yung cellphone niya kaya tinignan niya. Nakasmile nga ang gagu kaya nacurious ako sa text. Kakaiba yung ngiti niya e. Saka alam ko di siya mahilig magtext kaya sumimple ako ng silip sa pagrereply niya.

“Ge, Ingat po a? Iloveyou. =)”sabi niya sa text. Wew. May gf na pala to e. Ayos. Pag napatunayan ko kay Alexi to. Siguradong busted siya. Bwahaha.

Nung parang naramdaman niya na sumisilip ako, nagpanggap ako na kukunin lang yung libro ko. Tinignan niya naman ako nang nagtataka kaya nag-isip agad ako nang sasabihin. Naalala ko nun yung pustahan na di ko pang nasasabing pauso niya lang na pumayag ako.

“Yung sa pustahan pala..” pagkasabi ko nun, bumukas yung pinto kaya napatingin kaming dalawa ni Gyptian.

“Anong pustahan yan?” tanong ni Alexi. Amp. Minsan talaga pag maganda, wrongtiming e no?

“NBA.” Sagot agad ni Gyptian tapos tumayo siya at nagsmirk sakin.

“Game na, tutor. Turuan mo na ko.” Lumapit siya kay Alexi tapos tinulak nang dahan dahan bago pinaupo dun sa table. Ako naman, naupo dun sa harap nila. Tsk. Ako dapat katabi ni Alexi e.

Nagturuan lang sila habang nanahimik lang ako sa pagrereview. Nagkukulitan din kasi sila minsan kaya nabadtrip lang ako. Saka iniisip ko kung pano ko makukuha yung cellphone ni Gyptian para masigurado na may gf nga siya.

Pagtapos namin magreview, inaya ko si Gyptian mag-ps3 para makapag-isip pa ko ng plano para makuha yung cellphone niya. Binigyan pa nga kami ni Alexi nung pasta na niluto niya kaya natuwa ako e. Wala lang. Ang sarap niya kasi magluto. Pangfuture wife ko talaga. =D

Pagtapos namin maglaro, nagpanggap ako na makikitext kay Gyptian dahil yun lang naisip ko. 

“Wala na kong load e.” Amp. Sabi na yun sasabihin niya e. Dahil nga wala na kong maisip na paraan nun, pinauwe ko na siya at magpapatulong na lang ako kina Liel bukas.

Kinabukasan, nag-exam na kami nung Calculus. Amp nga e. Binabasa ko palang yung math problem, nagsysyntax error na utak ko.  Buti nalang talaga gwapo ako kaya nasolve ko din pagtapos ng ilang segundo. Iba na talaga pag inspired kay Alexi  no? =D

Pagkatapos kong matapos yung  napakadaling exam, lumabas na ako dala yung bag ko dahil di ko matignan si Alexi. Strict kasi yung nagbabantay na teacher e. 

Paglabas ko, nakita ko sina Izzard at Cynthia na nag-uusap nang siryoso habang hinihintay yung elevator . Nung napansin nila akong nakatingin, nagsmile lang sila kaya sinilip ko na si Alexi na di parin tapos magexam sa classroom. 

“Ang ganda niya no?” napatingin ako kay Liel dun sa likod ko.

“Oo, bagay na bagay sa gwapong tulad ko.” Reply ko kaya natawa siya.

“So, tingin mo talaga may gf na si Gyptian?” tanong niya kaya napaisip ako. Nakwento ko kasi yung nabasa kong text at nagpatulong na din ako. Kaya nga magiinuman kami mamaya e.

“Sana. Para ako na sagutin ni..” napahinto ako dahil lumabas si Alexi. Wew. Buti di niya narinig. Di ko pa kasi nasasabi na gusto kong manligaw simula nung nawrongsend ako kay Goldy e. Wala lang. Baka di siya maniwala na may gwapong nagmamahal sa kanya e. Bwahaha. Saka may plano na ko. Hinihintay ko lang yung tamang panahon. Buti nga di pa rin gumagawa ng moves si Gyptian kaya alam kong may panahon pa ko.

Nung gabi na nun, nagpunta sila Liel sa bahay para sa inuman kaya nagpunta kami sa terrace.

“San ka magpapasko, Alexi?” tanong ni Tiara pagkashot niya. Tinignan naman namin si Alexi.

“Uuwi ako ng province e. Bibisitahin ko yung friends ko dun.”Tsk.  Badtrip. Wag na, Alexi. Andito yung gwapo e. Bwahaha.

“Friends lang ba talaga?” Tanong naman ni Zain kaya natawa sila. Ako naman, tinignan ko lang is Alexi na siryoso yung itsura.

“Hindi.” Napatingin sakin sila si Liel at Zain nun. Put@ngena. Mas gwapo ako dun panigurado!

“May naiwan kang bf dun?” tanong ni Liel na halatang di makapaniwala.  

“Huh? Hindi. Single ako. Sakit lang kasi sa ulo yang mga boyfriend e.” Tsk. Di kaya lahat. Meron pading mga gwapong tulad ko na di ka bibigyan ng sakit ng ulo. Bwahaha.

“Ah. So sino pupuntahan mo dun bukod sa friends mo?” tanong ulit ni Liel pagtapos tumawa.

“Bestfriend ko. Malaki kasi utang na loob ko sa family nila e. Babalik din naman ako after a week kaya di niyo ko masyadong mamimiss.” Sabi niya kaya nakahinga ako nang maluwag. Pinagtawanan nga ako ni Gyptian dahil nakita niya yung reaction ko. Amp. Gagu talaga. Kung di ko lang kailangan yung cellphone niya di ko isasama to e. Saka boring kung kaming lima lang mag-iinuman. Di kasi nakapunta sila Izzard at Cynthia dahil may date ata. Napapadalas nga yung mga date nila e. Bwahaha.

Naginuman lang kami nun hanggang sa medyo nalasing na yung iba. Text nga ng text si Gyptian kaya di na ko makapaghintay na malasing siya. Yun kasi plano namin e. Lasingin siya para matignan na yung cellphone niya. 

“CR lang ako.” tumayo si Gyptian tapos iniwan yung cellphone niya. Nagsmile naman sakin si Liel kaya kinuha ko agad tapos binukas sa messages dun sa ilalim.

Amp. Nakapassword na. 

Ibabalik ko na sana sa table yung cellphone ng gagu kaso biglang nagvibrate tapos may nagflash na notification. 

“1 msg received from Y.” Wew. Y tawagan nila?

 Ang weird a. Bwahaha.

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon