Deviltale [#38]

12.9K 225 39
                                    

THIRTY EIGHT


“Magwake up ka na nga Aero!” napadilat ako ng mata dun sa nagsalita. Amp. Patay na ba ko? Ang liwanag kasi e. Ayos a. Mga gwapo talaga di napupunta sa impyerno. Bwahaha.

“Yulary?” Sht. Namatay na din pala siya? At pano nakapasok sa langit to? O.O? 

“Angel ka na ngayon?” tumawa siya pati si Gyptian dun sa tabi niya. Pucha. Sa impyerno din pala punta ko? Andito kasi sila e. Bwahaha.

Pero amp. Ang gara. Di naman ako nagsuicide diba? Niligtas ko pa nga si Alexi e. Kaya dapat sa langit ako. Asan ba si San Pedro nang mabola ko? Baka sakaling bigyan ako ng second chance e. Bwahaha.

Pero teka. Bakit parang earth lang din tong impyerno? Ayos a. Sana may internet din dito. Bwahaha.

“How are you na?” tanong sakin ni Yulary. Tatayo na sana ako kaso pinigilan nila ako. Saka ko lang nga narealized na nakadextrose pala ako at nakasabit yung paa ko dun sa di ko alam kung ano tawag.

“WTF? May ospital din sa impyerno?” tumawa silang dalawa sa sinabi ko. 

“Gagu. Gusto mo ba talagang iwan si Alexi?” sabi ni Gyptian. Naalala ko yung nahulog si Alexi. Nag-iloveyou too ba siya sakin?  Tsk. Wrongtiming naman kasi si kamatayan e. Ilang seconds nalang di pa nagpa-late. 

“Ay nako, Aero. You’re alive pa kaya. Ikaw pa. Devil grass ka e.”tumawa sila ni Gyptian. Teka, bakit ba close sila sa impyerno? Ay nvm. Pareho nga pala silang demonyo. Bwahaha.

“Weh? Alam kong gwapo ako pero namamatay din ako.”Ginalaw ni gyptian yung paa kong nakataas kaya napasigaw ako sa sakit.

“Pucha. Gagu ka tala-“ napahinto ako. Teka. Nasaktan ako? Ibig sabihin…

“Asan si Alexi?” tinuro nila si Alexi dun sa kabilang kama na nakapikit. Put@ngena. 

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ko nang nag-aalala dun sa dalawa.

“Relax, pre. Sinalinan ka niya ng dugo. Buti nga magkabloodtype kayo e.” napatingin ako kay Izzard na bagong gising sa gilid ko.

Tapos nun, kinwento nila lahat nang dapat kong malaman. Si Cynthia pala yung nagtulak kay  Yulary nun sa hagdan. Sasabihin na kasi dapat ni Yulary sakin yung planong paghigantihan ako kaya pinalagay ni Cynthia kay Izzard yung sex video ni Yulary sa powerpoint.  Parang  natrauma  nga daw si Yulary kaya pinalabas niyang comatause siya hanggang sa nagkita sila ni Gyptian sa simabahan. 

Ayos nga e. Maniniwala ba kayong may lihim palang pagnanasa si Gpytian kay Yulary? Kaya pala pinareplay niya yung sex video dati. Bwahaha. 

“Ibig sabihin, kayo na? Akala ko ba si Alexi, gusto mo?” tumawa lang si Gyptian sa sinabi ko.

“Pre. Alam kong gagu ako pero loyal ako sa mahal ko.” Sabi niya nang patawa-tawa. Naalala ko naman yung tinetext niya dati na Y. Si Yulary pala yon. Bwahaha. Sorry na. Kala ko si Goldy e. Malay ko kung iba na trip niya. Bwahaha.

“Ibig sabihin yung mga pangblablackmail mo e dahil sa niloko ko si Yulary?” naalala ko kasi dati na sinabihan niya kong wag patulan si Yulary e.

“Oo. Gagu ka kasi e. Sinaktan mo yung mahal ko.” Nag-aww si Yulary sa tabi niya. Ang sweet a. Anong klaseng anak kaya magkakaron sila? Bwahaha.

“Saka lumayo ka din nun e. Kaya naisipan kong pagtripan ka. Don’t worry,  dinodonate ko sa orphanage yung mga nakurakot ko sa’yo. Amp kasi si Alexi e. Binlackmail ako nung nalamang mahal ko si Yulary. Yun pala may deal sila nila Dad para patinuin ako.” Tumawa sila ni Yulary. Bwahaha. Ang utak talaga ni Alexi kahit kailan. Pro mangblackmail e.

“E yung tanong mong mahal ko din si Alexi, ano yon?” naalala ko kasi yung tinanong niya ko nun nung birthday ni TitaMich.

“E kasi diba mahal mo pa nun si  Liel? Kaya may din yung tanong ko. Pero dahil iba pagkakaintindi mo, pinagtripan kita. Tapos yung pustahan, sabi yun  ni Izzard e. Kailangan kasi naming palabasin na game parin siya sa plano nila para malaman namin kung san ka nila dadalin. Pasalamat ka nga sinabi mo kay Yulary dati na bigyan ako ng chance e. Kundi hahayaan na kitang mahigantihan ni Bangs.” Natawa ako sa sinabi niya. Palusot ko lang kasi yon para di masyadong masaktan si Yulary sa pagbbreak namin e.  Pero dahil nakatulong sakin, kunwari nalang sincere ako. Bwahaha.

“E ikaw Izzard, anong meron sa inyo ni Bangs?” tumingin ako kay Izzard na halatang naguguilty.

“Sorry pre. Ang totoo niyan. Kakambal ko si Cynthia.” Weh? Kaya pala pareho silang weirdo minsan. Bwahaha. Saka oo nga. Santos din surname niya. Di lang nga sila magkamuka.

“Nung umpisa, plano ko talagang gantihan ka sa nangyari sa kanya. Pero syempre, naging tropa rin naman tayo kaya nagbago isip ko lalo na nung nalaman kong nagsisisi ka. Pinilit ko nga si Cynthia na wag na ituloy yung plano kaso naadik na siya sa droga dahil dun sa dalawang kupal na nagsusupply sa kanya.” Halatang malungkot yung boses niya.

“Ah. Ano na palang nangyari sa kanya?” parang naiiyak na siya sa tanong ko. 

“Wala na. Naglaslas siya nung narealized niya yung ginawa niya sa inyo gamit yung kutsilyong dala nila. Sorry talaga pre. Nasabi ko narin lahat sa TitaMich mo to kaya di ka na makikickout kahit three days ka nang absent.”  Three days na pala ako dito. Wew. Kahapon lang siguro ako nasalinan ng dugo. Mahabang proseso kasi yun diba? O may special treatment lang talaga kapag gwapo? Bwahaha.

“Ah condolence, pre. At sorry  sa nangyari dati.” Nagsmile siya sakin.

“Wala kang dapat isorry. Aksidente lang naman talaga yung pagkabangga niya. Saka, sa dami ng atraso namin sayo. Kami dapat yung magsorry.” Tinanggap ko lang yung sorry niya kahit na muntik na kong makickout dahil sa kanila. Sila pala kasi ni Cynthia yung nagpacancel nung catering, nagpauso ng bomb threat at naglock samin dati ni Alexi sa may warehouse para pumalpak yung mga event namin. Tapos nung  fair, sinadya nilang wag magparamdam para masetup nila kay Alexi yung NTMSWDFM na nakita ni Cynthia dati nung nagsoli siya ng notes ni Alexi. Ang galing nga nila e. Naamazed ako.  Bwahaha.

Pagtapos namin mag-usap, umalis na yung tatlo dahil pinagpapahinga ako nung doctor. 

Pagkapahinga ko, dumating sila Liel at Zain  kasama sila Goldy at Tiara at iba pang mga kakilala ko. Dami ngang nagpunta e. Iba na talaga pag gwapo no? Maraming nagmamahal e.  Bwahaha. 

Pagalis nila, dumating  sila Dad at TitaMich na may dalang pagkain. Ipapagising ko nga sana si Alexi dahil gusto ko na siyang makausap kaso di daw siya natulog nang dalawang araw para bantayan ako. Natuwa nga ako e. Di niya kasi natiis yung kagwapuhan ko. =D

Nagpahinga lang ako pag-alis nila dahil pagod ako. Ang gara nga e. Natulog na ko ng ilang araw, pagod pa din ako. Oh well, ang mahalaga, di nabawasan ng gwapo sa mundo. Wala lang. Malulungkot kayo e. Bwahaha.

Nung gabi na nun, nanood lang ako ng TV pero narinig kong tinawag ako ni Alexi kaya tinignan ko agad siya.

“Hey. I’m glad  you’re okay na.” sabi niya nang nakasmile sakin.

“Syempre, pag gwapo nakakasurvive e.” joke ko. Tumawa naman siya.

“Grabe. Hanggang sa second life mo ba naman, mahangin ka pa din?” sabi niya nang patawa-tawa. Umacting naman ako nang nasaktan.

“Sige, panget na ko. Nakakahiya sayo e. Niligtas pa naman kita tapos..” natawa ako sa kanya dahil parang nagguilty siya.

“Joke lang. Asa naman magiging panget ako. Thank you sa lahat a.” sabi ko tapos natahimik kami. Gabi na kasi e. Bwahaha. Oo. Walang konek. Bwahaha.

“Err. Alexi. May tanong ako.” Bumilis bigla heartbeat ko dahil baka iba yung marinig kong sagot niya.

“Ano yon?” tinignan niya ko nang siryoso kaya napaiwas ako nang tingin.

“Anong sinagot mo dun sa sinabi ko bago ako mawalan ng malay?” nag-‘uhm; siya na parang inaalala yung nangyari tapos nagulat nalang ako nang nasa harap ko na yung mukha niya.

“Ano ba sabi mo nun?” medyo natatawa siya kaya parang nag-init yung mukha ko.

“Err. Ano. Gwapo ako? Di ko na maalala e.” nagpout siya ng lips niya. Aww. Ang cute.

“Di e. Three words yon plus yung name ko e. O baka imagination ko lang yun?” parang lalayo na siya kaya nataranta ako bigla.

“Teka.” Huminga ako ng tapos tumingin ako sa mata niya. 

“I love you, Alexi.” Sabi ko pero no reaction lang siya. Ang tagal niya ngang ganon kaya parang nagfastword yung heartbeat ko.  Tapos nun, nagsmile siya sakin.

“I love you too, Aero.” Pagkasabi niya nun, nilapit niya yung mukha niya tapos..

“Gusto niyo ng condom?” napatingin kami dun kay Dad sa may pinto. Tsk. Amp na ama to. Wrong timing. 

Nakita nang injured pa ako e. Bwahaha. Joke lang. =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon