FIVE
“Aray, pucha.”Napahawak si Gyptian sa ano niya dahil binasag ni Alexi. Bwahaha. Buti nga.
“Masakit ba, pre?”tanong ko nang nang-aasar.
“Ulul. Humanda sakin yang chix mo, magiging miserable ang buhay niya dito.”Sabi ni Gyptian kaya hinawakan ko siya sa polo.
“Fvck off.”Sabi ko dahil nag-init ulo ko sa sinabi niya. Demonyo kasi tong gagu na to e.
“Bakit Aero, ayaw mo bang matulad siya kay Bangs?”Si Bangs yung school toy namin dati. Ang ibig ko sabihin yung lagi namang pinagtritripan. Ang wirdo kasi di nagsasalita tapos di pinapakita yung mata niya. Di ko na nga matandaan yung totoong pangalan nun e. Bangs lang talaga tawag namin sa kanya dahil sa bangs niya. Pero alam ko may M yung name nun e. Ma-. Ah Ewan. Basta. Lagi siyang nagpagtritripan dahil pandak tapos di pa marunong magayos.
“Diba sabi ko sayo wag mo nang babanggitin pa yan?”tumawa lang siya tapos tinanggal yung kamay ko.
“Alam mo, boy, di lang ganon kadali kalimutan ang lahat.”Sabi niya na inaayos pa yung polo niya. Tangena.
“Ubos na naman?”badtrip kakabigay ko lang ng pera sa kanya a. Naglabas ako ng 2,000 sa wallet ko at binigay sa kanya.
“Itikom mo yang bibig mo.”Pagkabigay ko nun, pumasok na ko ng classroom. Badtrip.
Tinawag ako nung isa kong classmate ko pero wala akong pakialam. Nagiinit yung buong pagkatao ko kaya nanahimik lang ako.
“Ayos ka lang, pre?”tanong ni Izzard, tumango lang ako.
“Alam mo kasi, ang mga problema sa mundong ito ay di na sasagot ng walang humpay na pagtakbo.”Tinignan ko siya nang nagtataka.’
“Anong sinsabi mo diyan?”tanong ko dahil ang wirdo na naman niya. Ganyan kasi yan e. Bigla na lang magaala-ermitanyo sa mga sinasabi niya.
“Basta pre, ang aking lamang maipapayo ay wag magpadalos dalos sa iyong mga kilos. Dahil sa bawat maling pag-ikot ng oras ay may mga pulsong nalalaslas.”Binatukan ko nga ang gagu. Parang ewan e. Tumawa naman siya bigla.
“Joke lang, pre. Ano bang problema? May tinatago ba kayong relasyon ni Gyptian?”sabi niya nang patawa-tawa. Anak ng pucha. Pinagdudahan pa ang kagwapuhan ko.
“Ulul.”May sasabihin pa sana siya kaso dumating na yung first teacher namin. History ang first class namin ngayon at dahil mabaet ang teacher ko at gwapo ako, tinulugan ko.
“Gyptian. Let me go.”sabi ni Bangs kay Gyptian dahil hawak ng gagu yung kamay niya. Di naman pala siya pipi e. Ba’t ayaw niya magsalita?
“Pre, tignan mo na yung mata niya.”Dahil lasing ako nun, tumawa lang ako tapos tinaas ko yung bangs niya para tignan yung mata. Kulay #006400 yung mata niya. Amp. Di naman siya duling a? Ba’t niya tinatago? Saka, ang ganda ng kulay, kapareho nung mata ni Liel.
“Aray. Pucha.”Napabitaw si Gyptian kay Bangs dahil tinapakan yung paa niya. Tapos nun, tumakbo si Bangs at..
“PUT@NGENA."nagising ako at napahawak ako sa ulo ko. May bumatok kasi saken.
“Time na pre, sarap ng tulog a.”sabi ni Zain nang patawa-tawa.
“Gagu ka. Ba’t mo ko binatukan?”tanong ko nang galit kunwari. Buti nga at ginising nila ako dahil ayoko nang maalala yung nangyari na yon.
“Tara na. Batugan kasi e.”nalakad si Alexi na kasama si Liel nang patawa-tawa palabas ng room. Magkakasabay kami kumaen ni Liel at netong dalawang gagu na to at mukang kasabay na rin namin si Alexi.Pucha. Sigurado ako. Siya ayung bumatok sakin.
Tumayo na ko ng upuan at lumabas na kaming tatlo ng classroom. Nung nasa canteen na kami, nagkakagulo yung mga tao kaya tinignan namin.
“Oh my gosh. Look at her, guys. She’s like, a baboyramo na gumulong sa mud na. So kadiri much, diba?”Nagtawanan yung mga tao sa sinabi ni Yulary. Tinignan ko naman yung sinasabihan niya. Si Tiara pala. Yung matabang emo at bestfriend dati ni Bangs.
Oo nga. Parang gumulong na baboyramo nga. Bwahaha. Joke lang. Ang dumi kasi e. Malamang tinapunan ni Yulary at ng barkada niya ng pagkaen.
“Like, Indefinitely! She’s like, already a wild boar in the making.”sabi naman ni Goldy, amp yang bading na kabarkada ni Yulary. English ng English, sablay naman. Saka alam ko George pangalan niyan e. Biglang naging Goldy amp. Buti na lang nga di ko classmate yan kundi araw-araw badtrip ako.
Tinignan lang ni Yulary si Goldy nang nagtataka sandali tapos, bumalik na siya sa pangtitrip kay Tiara.
“So what are you looking at pa? Go away na and eat those kaninbaboy sa body mo now. Or better yet, make laslas na lang.”Dagdag ni Yulary tapos tumawa siya at yung mga tao. No reaction lang naman si Tiara tapos tinanggal niya yung spaghetti sa ulo niya at mukang aalis na.
“What’s happening here?”tanong ni Ms. R sa entrance kaya napatingin kaming lahat. Bigla namang nagbaet-baetan si Yulary. Amp. Eto na naman yung acting niya.
“Oh my. I’m like, so sorry na talaga, Tiara. I didn’t made sadya naman e.”sabi niya tapos lumapit siya kay Ms. R at umiyak.
“Ms. R. She like, can’t forgive me kasi e. I made sorry na ng madaming beses pero ayaw niya padin tanggapin.”Yumakap pa siya kay Ms. R nun nang paiyak-iyak.
“Like, Indefinitely, Ms. R. Tiara there, is like, a very unforgivable girl.”sabi ni Goldy pero di siya pinansin ni Ms. R. Bwahaha. Basag!
“Liar!”napatingin kami ng lahat kay Alexi. Amp. Nangingialam na naman to. Pustahan, madaming magiging kaaway to sa iskwelahan na to o.
“Di po totoo yon. Tinapunan po ng babaeng at nung friends niya si Tiara ng pagkaen.”Sabi ni Alexi na nakaturo pa kay Yulary.
“Ikaw kaya ang liar diyan. You’re so kapal din para maginvent ng story e.”Inirapan ni Yulary si Alexi tapos tumingin ulit kay Ms. R.
“Yah. The liar wanna be is, like, you and not like, it’s Yulary.”Comment ni Goldy. Amp. Pakipaslang nga tong bading na to.
“Opo. I’m telling the truth po here talaga, Ms. R. Go ask Tiara pa po if you like.”Napatingin kaming lahat kay Tiara nun. No reaction pa din siya habang tahimik na naghihintay yung lahat sa sagot niya.
“Sorry.”Sabi niya lang nang walang emotion at umalis na ng canteen. Sinundan naman siya ni Alexi nun kaya nagtaka ako.
“Alright. The show’s over. Go back to your tables, everyone.”Nagsibalikan na yung mga tao sa mga mesa nila.
Ako naman, sinundan ko sila Alexi dahil nacurious ako. Paglabas ko ng canteen, nakita ko silang magkayakap ni Tiara.
“Don’t let anyone pull you down, alright? Maganda ka. Chubby lang talaga.”Narinig kong tumawa si Tiara sa sinabi ni Alexi.
Wow. Bilis nilang maging close a.