TWO
“Mr. Villarino, totoo ba ang sinasabi ni Ms. Henson?” tanong sakin ni Sir X, yung guidance councilor namin. Close na kami ng kumag na yan dahil hobby niya akong ipatawag. Minsan nga nagdududa na ko kung lalaki talaga yan e. Alam niyo na, gwapo kasi ako e. Kaya malay niyo, may pagnanasa saken kaya lagi akong pinapatawag. Bwahaha. Teka. Joke lang yon. Gagu lang talaga ako kaya madalas ako dito sa office niya. Pero at least, gwapo ako diba? =D
“Sir. Biro lang naman yun e. Di naman naming intensyong lokohin si Ms. Z” palusot ko. Ako lang kasi yung sinumbong ng walangyang babaeng transferee e. Pero ayos lang, kesa naman mapahamak pa si Liel. Di ako ata kayang makita na pinapagalitan yung mahal ko. =D
“Yeah, right.” Sabi ni Alexi nang sarcastic sa harap ko kaya tinignan ko siya nang masama. Epal kang babae ka. Maghintay ka lang talaga at babasagin ko yang puso mo kapag minahal mo na ko. =D
“Nako, Mr. Villarino. Ayus-ayusin mo yang kalokohan mo ha. Di porket nanay mo ang director ng iskwelahan na to, palagi ka nang makakalusot.” Sus. Step-mom ko kaya yun. Minsan talaga ang tao panget na, tanga pa e. Bwahaha. Joke lang ulit. Wala kasing may alam na yung napakabaet kong step-mom at ang biological mom ko ay magkaiba. Sorry a. Di naman kasi lahat ng tao tulad ko na gwapo at matalino e.
“Chill lang, Sir. Biro lang naman talaga yon e. Wag ka mag-aalala, di na mauulit. Saka alam mo bang kinwento ka ni Ms. R kanina?” Si Ms. R yung trip niyang teacher ko sa religion. Cool yon saka maganda pero syempre, di niya trip tong si Mr. X. Di daw kasi gwapong tulad ko. Bwahaha.
“Talaga? Anong sabi?” sagot ni Mr. X nang excited. Ayos. Lusot na naman ako. =D
Sinabi kong parang may nagugustuhan na si Ms. R na kafaculty niya dito sa school at ang hinala ko ay siya yun. Kaya ayun, parang natuwa naman ang kumag na guidance counsilor at nilabas ang laptop niya para mag-blog. Meron kasi siyang “love blog” para kay Ms. R e. Piniprint ko nga yon tapos pinagtatawanan namin sa classroom. Laughtrip kasi pano hanggang ngayon umaasa parin siyang magugustuhan siya ni Ms. R.
Nagbye na ko pagtapos nun kay Mr. X dahil alam kong lusot na ko. Nagbye lang din naman siya nang di tumingin saken. Woot. Ang talino mo talaga Aero. Isa kang tunay na gwapo. =D
Bago ako lumabas, nagsmirk muna ako kay Alexi para asarin siya. Kala niya mapapahamak niya ako a. Asa! Sanay na ata kong lumusot sa mga ganyang bagay. Ako pa. Ako ata ang pinakagwapo sa school na to. =D
“Sir..” narinig kong parang aapila pa si Alexi pero nagbye lang sa kanya si Mr. X. Bwahaha. Basag!
Naglakad na ko palabas ng school nun pero may narinig akong sumigaw sa likod ko kaya napahinto ako.
“Hoy. Mr. Maangas!” si Alexi pala. Tsk. Mag-aaya siguro tong magdate. =D
“Bakit, Ms. Pretty?” sagot ko nang medyo natatawa.
“Whatever. Alam mo bang napakasama mo?” sabi niya paglapit niya.
“Oi. Sakit mo magsalita a. Di porket gwapo ako, masama na kong tao.” Reply ko kaya parang naasar siya.
“Asa ka. Ang panget mo kaya.” Sus. Indenial pa to. Alam ko naman at ng lahat ng tao sa school na to na ako ang pinakagwapong estudyante dito. Kaya kung panget ako, pano pa kaya yung iba na pinagmalupitan ng tadhana yung mukha? =D
“Woo. Crush mo ko no?” parang umewan yung expression niya sa sinabi ko. Bwahaha. Sabi na e. Imposibleng hindi magkacrush saken ang isang babae. Pucha. Kahit tibo nga nagiging babae dahil sa kagwapuhan ko e.
“Yabang!” nagwalkout siya nun palabas ng gate. Teka, kung isa kayo sa mga taong may defect ang utak, sinasabi ko sa inyo ngayon nauwian na namin kaya lumabas na siya ng gate.
“Bye, Ms. Pretty!” sigaw ko nang patawa-tawa tapos nagpunta na ko sa Student Council office para sunduin si Liel. Magkapitbahay kasi kami kaya sabay kaming umuuwe.
“Lusot na naman?” sabi ni Liel paglabas ng office nila.
“Well. Gwapo e.” Sabi ko nang patawa-tawa.
“Shocks. Ang cyclone mo talaga.” Tumawa lang kami nun tapos naglakad na kami palabas ng gate.
Nagpunta kami sa may kotse ko nun. Yep. May kotse na ko kahit highschool pa lang ako. Wag na kayo magtaka kung pano. Ganon talaga pag gwapo. =D
Nung bubuksan ko na yung kotse, napansin kong may parang binabastos na babae dun sa may sakayan.
“Miss, sumama ka na.” sabi nung isang mataba. Pucha. Ang panget na nga, manyak pa. Buti sana kung gwapong tulad ko e.
“No thanks.” Sabi nung babaeng schoolmate ko na nakatalikod. Nakauniform kasi siya ng school namin kaya alam kong schoolmate ko siya.
“Sus. Wag ka nang maginarte. Kaming bahala sayo.” dagdag naman nung payat na hinawakan na yung babae sa braso.
“Hey. Wag niyo siyang pilitin.” Sabi ni Liel sa gilid ko. Aww. Ang baet talaga neto masyado no? Iba e. Maganda na nga, sobrang mabaet pa. Bagay na bagay talagang maging asawa ko e. =D
“Wag kang mangielam dito!” sabi nung mataba kay Liel kaya nabadtrip ako.
“Hoy. Bunganga mo.” Sabi ko kaya tinignan ako ni taba nang masama.
“Tangena! Isa ka pang gagu ka!” Sabi niya kaya lumapit ako sa kanya para suntunkin siya. Pagkasuntok ko, napatumba lang si taba na di na makatayo.Tinignan ko yung payat niyang kasama na parang susugod sakin. Pero bago pa siya makalapit, binasag na nung babaeng binabastos niya yung metlog (ngongo version. Lol) niya. Tapos nun, napayuko siya kaya sinipa ko agad sa mukha. Tsk. No match.
“Okay ka lang, Alexi?” narinig kong tinanong ni Liel sa babaeng binabastos kanina. Nagtaka ako kaya tinignan ko kung si Alexi nga. Ayos. Siya nga. Magagamit ko to para mapainlove siya saken tapos babasagin ko yung puso niya. Bwahaha.
“Yep. Thanks.” Sabi niya kay Liel. Amp. Bakit sakin walang thanks?
"Oi. Ako kaya tumulong sayo!” sabi ko para maguilty siya.
“Humingi ba ko ng tulong?” Amp. Walang utang na loob.
“Tara na nga Liel, uwe na tayo.” Naglakad na ko papunta ulit ng kotse. Paglingon ko, papunta saken si Liel kasama si Alexi.
“Aero, sabay na natin siya. Bagong lipat siya sa village natin e.”sabi ni Liel.
“Ayoko nga.” Sagot ko na badtrip kunwari. Ayos lang naman kasi talaga. Trip ko lang mang-asar. =D
“Bilis na. Gwapo ka naman daw sabi niya e.” tinignan ko si Alexi nun na parang nagulat na ewan.
“Tsk. Pasalamat ka gwapo ako.” Pagsabi ko nun, binukas ko na at pinapasok sila.Ayos. Iba na talaga pag gwapo no? Dalawang magandang babae kasabay pauwe e. =D