FOURTEEN
“Niluto mo ba talaga yung Carbonara, Aero?” tanong ni Dad na ayaw padin maniwala. Amp. Ibubuko pa ko neto. Kumain kasi muna kami pagdating nila bago nagchill dito sa sala.“Oo, Dad. Maniwala ka nalang. Kaya mas gwapo ako sayo, ang kulet mo e.” binatukan niya ko dahil katabi ko siya habang nasa harap namin sila Alexi at Tita Mich.
“Ulul. Mas gwapo ako. Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan edi sana nagcondom ako.” Binatukan ko din nga siya. Ang gagu e. Sinishare pa yung sexlife niya . Bwahaha.
“Hoy. Di ka ba naturuan sa iskwelahan mo na masamang nambabatok ng gwapo?” binatukan ko ulit siya. Kala ko pa naman siryoso na yung sasabihin, kahanginan lang pala. Bwahaha.
Oi. Teka lang pala. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ganito lang talaga kami ng Dad ko. Bata pa kasi yan e. 13 lang kasi siya nung pinanganak ako. Ang L no? Buti pa ko, gwapo na, wholesome pa. Bwahaha.
“Ayos lang daw manbatok ng gwapo kapag mas gwapo e.”tinignan niya ko nang masama tapos tumingin siya kay TitaMich.
“Hun o. Si Aero.” parang nagalit yung expression ni TitaMich.
“No match ka na naman, hun?” sabi niya tapos tumawa kami. Bwahaha. Ang saya talaga pag andito si Dad. May nabubully kami ni TitaMich e. Bwahaha.
“Oi Alexi, pakisabihan nga tong boyfriend mo.” Parang umewan yung itsura ni Alexi sa sinabi ni Dad.
“Di ko po boyfriend yan. Ayoko ko po ng mayabang e.” tumawa sila ni Dad. Amp. Nakahanap ng kakampi.
“Yun o. Basted ka pala, boy e. Mayabang pa.” sabi niya tapos tumawa sila ni Alexi.
“Sus. Mana lang ako sayo. Saka, di pa ko basted.” totoo naman at sisiguraduhin kong di ako mababasted dahil 7 things na lang at maiinlove na sakin si Alexi. Tapos nun, sisiguraduhin ko din na mababasag ang puso niya. Bwahaha.
“Di pa?” tanong ni TitaMich na parang natatawa.
“Di naman po kasi siya nanliligaw.” Sabi naman ni Alexi sa tabi niya. Hindi pa nga pero manliligaw din ko pag sure gf na kita. Bwahaha.
“Weh? Sa ganda mong yan di ka nililigawan neto?” banat ni Dad kaya parang namula si Alexi. Bwahaha. Mana din sakin to bumanat e.
“Wag ka ngang child abuse, hun.”natawa kami sa joke ni TitaMich.
“Di naman e. Pero may hawig ka sa Mom ni Aero a.” Pagkasabi ni Dad nun, tumayo si TitaMich tapos nagwalkout. Bwahaha. Lq agad.
“Patay ka, Dad, hihiwalayan ka na nun.” joke ko kaya binatukan niya ko at sinundan si Tita Mich. Naiwan tuloy kami ni Alexi sa sala.
Nanood lang kami nun ng movie hanggang sa matapos. Naalala ko tuloy yung number three sa NTMSWDFM niya.
THREE. CRY WITH ME WHILE WATCHING A SAD MOVIE.
Bukas ko na gagawin to. Maghahanap muna ako ng eyedrops para kunwari maiiyak ako. Bwahaha.
Ang talino mo talaga Aero. Ba’t ba masyado kang gwapo? =D
“Thanks.” Sabi ni Alexi bago siya umakyat sa taas.
“Para san?” Tanong ko na kunwari di ko alam. Bwahaha.
“Sa niluto mo.” Sabi niya lang nang walang emosyon tapos naglakad na siya kaya pinigilan ko.
“You’re welcome.” nilagay ko yung bracelet na binili ko sa store sa kamay niya at umakyat na.
Kinabukasan, late na kong nagising dahil napuyat ako kakaplano dun sa number three ng NTMSWDFM ni Alexi. Nagresearch pa nga ako ng sad na movie e. Sana lang talagang nakakaiyak yung movie na papanoorin namin.
Pagkagising ko, naligo na ko, nagbihis, nilagay yung eyedrops sa bulsa ko at nagpunta sa kwarto ni Alexi.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako dahil nakatowel lang siya.
“Sorry.” Sinara ko agad yung pinto. Amp. Nagiinit na naman mukha ko. Bakit ba kasi di ako marunong kumatok?
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas siya na parang aalis.
“San ka pupunta?” Pucha. Fail pa ata yung plano ko.
“Sa may church.” Saturday ngayon a? Labo din neto e.
“Di ka Catholic?” tanong ko dahil yung ibang religion Saturday alam ko ang Holy Mass. Diba? Ah ewan. Basta gwapo ako. Bwahaha.
“Catholic. May pupuntahan lang ako dun no. Saka di naman porket di Sunday, bawal na magchurch no.” reply niya nang nakasmile. Teka, di siya nagalit sa nakita ko kanina? Di kaya, nag-enjoy siya? Bwahaha.
“Ah okay.” naglakad na siya paalis pero huminto siya sa may hagdan.
“Pwedeng pasama?” sabi niya na di sure yung itsura kaya natuwa ako. Sasama kasi talaga ako sa kanya tapos mag-aaya ako magmovie pagtapos.
“Tara. Basta, sasamahan mo din ako a.” Nag-okay siya kaya lumabas na kami at sumakay ng kotse. Ayos.
Pumunta muna kami ng Divisoria dahil may bibilin pa daw siya. Ayos nga e. Ngayon alam ko na kung pano magpunta dito.
“Ano bang bibilin mo?” tanong ko nung andun kami sa mga laruan.
“Toys para sa mga bata.” Sabi niya tapos namili na siya nung mga laruan. Para san ba to? Collection niya? Ang dami e.
Nung tapos na kami bumili, nagpunta kami ng palengke.
“Hi pogi.” Sabi nung tinderang maitim nang nagpapacute. Amp. Delikado pala mamalengke kapag gwapo no? Bwahaha.
Bumili lang si Alexi ng kung ano-ano tapos nag-aya siyang umuwi. Dami ngang pera e. Dapat madisqualify to sa pagiging scholar e. Bwahaha.
“Akala ko ba pupunta ka ng simbahan?” tanong ko dito sa may kitchen. Magluluto kasi siya nung pinamalengke niya. Carbonara ata saka fried chicken.
“Mamaya na. Naisip ko kasing ipagluto na din yung mga kids dahil nakatipid ako sa toys e” Naalala ko nun yung number 5 sa NTMSWDFM.
FIVE. DO A CHARITY WITH ME. FOR THE KIDS HA!
Ayos. Pwede ko tong magamit. Bwahaha.
“Charity?” napatingin siya sakin tapos nagoo siya habang nagpriprito ng manok. Ayos. Bwahaha. Ipopostpone ko muna ang number 3 at uunahin to.
Nilabas ko nun yung smartphone ko at nagdial ako sa Greenwich para umorder ng limang pizza. Syempre, dapat may contribution ako para maaccomplish yung number 5 sa NTMSWDFM niya.
“Kasya na ba yung limang pizza?” nagtaka yung itsura niya .
“Sasali ka?” tanong niya na parang ayaw talagang maniwala. Oo, para mabasag ko na yang puso mo. Bwahaha.
“Oo. I love kids e.” kahit pano. Bwahaha. Pagkasabi ko nun, tumawa lang siya at sinabing di siya makapaniwala. Ako naman, nagpunta ng sala at nag-psp.
Maniwala ka, Alexi. Para mainlove ka na sakin at mabasag ko na yang puso mo. Bwahaha.