Shea's Pov
Maaga akong nagising dahil tumawag sina mom and dad. May misyon silang pinapagawa. Yun ay ang patayin ang isa sa mga Gangster's Councils.
Maaga ko ding ginising sina Joyce at Gab para makapaghanda na. Hindi muna kami papasok ngayon. Uunahin naming tapusin ang misyon para matapos na agad.
Kinuha ko ang Laptop ko at nagLog in sa Mafia Website. Nagresearch ako ng infos about kay Simoun Lim.
Name: Simoun Lim
Age: 37
Gender: Male
Member of Gangster's Councils. He is the Mafia King of the Lim Mafias.Hindi ako pwedeng magkamali, nandun siya nung birthday ko.
Ayon din dito. Maimpluwensya syang tao. Marami syang Business partners. Meron din syang sariling Hotels, Companies, Resorts at kung ano ano pa man.
Nalaman ko din mula sa isa sa mga Assassins ko na inutusan kong magbantay kay Simoun na meron syang Business meeting mamayang 7pm sa *****Hotel.
Pinalapit ko sina Joyce at Gab.
"Gab. I-hack mo lahat ng Systems nila. Siguraduhin mong mamamatay ang ilaw ng buong hotel ng 7:30. Ikaw na din bahala sa mag CCTVs." Sambit ko."Okay" sabi ni Gab.
"Ikaw naman Joyce. Ikaw na bahala sa lahat ng sagabal at witnesses. Patayin mo kung kinakailangan. Ikaw lang mag isa muna ang kikilos." Sabi ko.
"Aye aye captain!!" Masiglang sagot ni Joyce.
Inayos ko na ang gamit na gagamitin ko. Nagsuot na din kami ng Mask.
Fastforward.....
Nakapasok kami ng walang kahirap hirap dito sa Hotel. Naghiwa hiwalay naman kami at inumpisahan na ang Trabaho namin. May mga Mafias na nakabantay dito. Kaya kailangang maging maingat. Hinubad muna namin yung Mask namin bago kami pumasok dito. NagContact Lenses din kami para di Ma-expose ang kulay ng mga mata namin
Tinawagan ko yung dalawa gamit ang Wireless Earphones ko. Tinanong ko kung okay na lahat. Um-oo naman sila.
Hinanda ko na ang sarili ko. Inaantay ko nalang na mawalan ng kuryente. Sinuot ko na din ang Mask ko. Hawak ko na din ang Baril ko. Maya maya pa ay nawalan na nga ng kuryente.
Sinipa ko ang pinto ng isang Conference Room kung saan nagaganap ang Meeting.
Nagsigawan naman ang ilan sa kanya. May Night Vision ang Mask ko kaya kitang kita ko sila.
Nang makita ko si Simoun Lim ay agad ko syang binaril sa Ulo. May silencer ang baril ko kaya hindi masyadong maingay
Dinamay ko na din lahat ng kasama nya dito sa Room. Nang magkailaw na ay may nakita akong isang matandang lalaking nagtatago. I smirked.
"Huwag ka na pong magtago. Mamamatay ka din naman hahaha" sabi ko.
"Ang b-boses na y-yun. M-mysterious P-princess?!?!" Sabi nya.
"Oo ako nga po. Hahaha" sambit ko.
"What do you want? P-please s-spare my l-life!!" Pagmamakaawa nya.
At dahil wala akong awa. Pinaulanan ko sya ng Bala. Nang matapos ako ay tumalon ako sa Bintana.
Lumanding ako sa harapan ng hotel. Buti at wala masyadong tao. 4th floor lang naman yun kaya kinaya ko. Tsaka pinapagawa to sa akin dati sa Training ko kaya sanay na ako.
Pumunta ako sa parking lot ng hotel. At dun ko nakita sina Joyce at Gab.
"Boss. Nakakabit na ang Bomba." Sambit ni Joyce.
"Let's go. We only have less than three minutes bago sumabog ang Bomb." Sabi ni Gab.
Sumakay na kami sa kanya kanyang Big bike at pinaharurot ito ng mabilis.
Hindi pa man kami nakakalayo ay narinig na namin ang malakas na pagsabog. I smirked.
Mission Accomplished.
Sina Joyce at Gab daw ay mag-ce-celebrate sa GW. At ako naman? Tinatamad na ako. Kaya demeretso nalang ako sa Mansion.
Umupo ako sa Living Room at binuksan ang Tv. Sakto namang News ang palabas. And guess what? Nasa news yung nangyaring pagsabog sa Hotel. Wala pa daw lead kung sinong may Gawa. At eto ang nakakagulat. Si Lance Bautista ang may ari ng Hotel. Oo si Lance. Ang Dark King.
Coincidence lang ba talaga? O talagang mga koneksyon sila? At kung may Kineksyon nga sila. Ano naman kaya yun? Posible kayang may alam sila sa Black Mafia? Yun ang kailangan kong alamin.
Kinuha ko ang Laptop ko at nagbukas ng Facebook. Yung facebook ni Shea Dela Fuente ang binuksan ko. Oo ginawan ko ng Facebook ang nerd na ako.
May nag email naman sa akin na may Acquaintance party daw next week. And Formal daw ang kailangang suot. Masquerade naman daw ang Theme.
Okay lang naman siguro gumawa ng kaunting pasabog diba? Hahaha. MagLolog Out na sana ako. Kaso naalala ko si Kuya.
Tiningnan ko yung huli naming Pictures na inupload ko nung nasa Mall kami.
Kuya. Ipapangako ko na mamamatay sila mismo sa mga kamay ko. Papahirapan ko sila. At unti unting papatayin. Ipaghihiganti kita kuya. Gaganti ako para sa sayo.
May narinig naman akong nagbukas ng Gate kaya inayos ko na ang Laptop ko.
Pumasok na ng pinto sina Joyce at Gab.
"Oh kamusta ang Celebration?" Tanong ko.
"Ayos lang. Wala dun ang devil Phoenix!! Hehehe" sagot ni Joyce.
"Aakyat na ako sa kwarto. At kung sino man sa inyo ang huling papasok sa kwarto. I-lock nyo ang Bintana at pinto okay?" Sambit ni Gab.
"Aye aye!!" Sambit ni Joyce
Pag akyat ni Gab. Umakyat na din ako sa kwarto ko. Kaya anong Ending? Si Joyce ang nagLock ng bintana at pinto.
Humiga naman ako sa kama ko at tuluyan ng natulog.
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
БоевикShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.