Chapter 11: William Hendrix

11.2K 254 3
                                    

Shea's Pov

History na kaya sobrang nakakaramdam na ako ng antok. Damn. I really hate History!!

Tiniis ko nalang ang antok ko hanggang sa mag bell na. Senyales na tapos na ang klase.

Agad naman akong nagpunta sa parking lot. Pero guess what? Sumunod yung apat! Argh! Saan pa ba ako makakahanap ng Peaceful place?!

Kapag nasa classroom ako di ako makatulog dahil sa teachers. Kapag nasa mansion naman. Damn!! Ang ingay nung tatlong reapers!!

"Boss!! Alis lang kami ni James ha? May double date kami!" Ani Marky.

"Double date?! Pasama!!" Ani Joyce.

"Double date nga diba? Tsaka wala ka namang kadate noh!!" Sabi ni James

"Tch!! Gab tara na nga lang sa Mall!!" Sabi ni Joyce.

"Sige tamang tama at bibili ako ng bagong libro" sabi ni Gab.

"Ikaw Shea? Sama ka?" Si joyce.

"Ayoko" sumakay na ako sa Scooter ko.

"Okay. Ingat!!!" Sabi ni James.

Pinaandar ko na ang Scooter ko. Sa wakas.  Walang maingay sa Mansion.

Nang malapit na ako sa Village ay may naramdaman akong may nakamasid sa akin. Kaya hininto ko ang Scooter at nilibot ang paningin ko. Wala akong makita pero ramdam ko na nasa malapit lang sya.

"Sino yan?" Sabi ko. Buti nalang at walang dumadaan na tao dito kung hindi baka napagkamalan na akong baliw. Tch.

"Ayoko ng inuulit ang sinabi ko ha?" Malamig kong sabi.

Maya maya ay may naramdaman akong presensya na unti unti namang nawala. Nang mawala na yun ay agad akong pumunta sa mansion. Gusto kong magpahinga. Napabuntong hininga ako.

Nang makapunta ako sa mansion ay agad akong humiga sa kama ko at natulog.

Harriss's Pov

Andito kami ngayon sa GW. Kasama si Lance at Charles. Nakikipag inuman kami sa ibang gangsters nang biglang Mag-ring ang cellphone ko. Tumatawag yung inutusan kong magbantay sa mga nerds.

["Boss. Hindi sila basta basta nerds, nasisigurado ko yan. Sinundan ko kanina yung isang nerd. At napansin nya agad ako. Pero pinawala ko yung presensya ko kaya nasundan ko sya hanggang sa bahay nila"]

"Oh. Tapos?"

["Boss!! Ang yaman nila!! Sobra!! Mala-palasyo yung mansion nila!!"]

I ended the call.

Mayaman sila? Pero kung manamit at umasa sila parang commoner. Sino ba talaga kayo? Kung andito kayo para patayin kami. Uunahan na namin kayo.

Gabrielle's Pov

"Ano na?! Ang bagal mo pumili! Tang*na!" Sambit ko.

"Sandali nalang! Konting pasensya nalang!"

"Anong pasensya? Putek! Kanina pa tayo dito! Bilisan mo!!"

"Wait nga lang!!"

Iniwan ko na sya sa loob ng boutique shop. Ang bagal nya mamili ng mga damit. Tch. Pumunta nalang ako sa Bookstore para bumili ng libro.

Nasa entertainment section ako nang makita ko yung lalaki na bumangga kay Shea nung first day namin sa school. Mukhang namimili din sya ng libro.

(Sya po yung lalaki na nasa Chapter 4. Yung nakabangga kay Shea.)

At dahil walang hiya ako. Nilapitan ko sya at kinausap.

"Hi" sambit ko.

Mukhang nagulat naman sya kaya agad syang napatingin sa akin.

"Uhm. Sorry miss, but, do I know you?" Sagot nya.

"Ah. I'm Gabrielle Reyes. kaibigan ako nung nerd din na nabangga mo nung First Day of School."

"Uhh... I remember. Yung cute na nerd na nabangga ko ba? Alam mo. Sayang sya. Ang ganda ganda nya sana di nalang sya Nerd"

"Haha. Wala na tayong magagawa. choice nya yun eh." Sabay ko habang nakangiti.

"Gab! Bakit mo ako iniwan?! Huhu ang Mean mo!!" Sabi ni Joyce. Nang makalapit sya sa amin ay agad ko syang binatukan.

"Aray! Nag uumpisa kana naman ha!"

"Ay. Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si William Hendrix" sambit nya

"Wow. Amerikano ka?! Ang ganda ng apelyido mo!! Hehe ako nga pala si Joyce Marquez. Ang pinakamagandang nerd sa buong mun--ARAY naman! Ano ba?! Why are you so mean to me?!"

"Liars go to hell!" Sambit ko.

"Mean Girls go to hell!" Sambit nya.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Hehe. Peace" sabi nya habang naka-peace sign.

"Hahaha. Alam mo nakakatuwa kayo hahaha" Sabi ni William habang natatawa pa.

"Ayan!! Akala nya clowns tayo! Huhuhu." Sabi ni Joyce.

"Tch. Pasensya kana ha? Mauuna na muna kami. Ipapa-check up ko tong kasama ko sa mental." sambit ko.

"Okay lang. See you again next time" sagot nya.

"Wwaahh!! Di ako baliw!! Di ako nababa----ARAY!!"

"Sh*t. Wag ka ngang maingay. Iiwan kita dito kapag nagsalita ka pa!!!"

Um-act naman sya na parang Zinizipper ang bibig. Napabuntong hininga ako.

Sumakay na kami sa scooter namin at dumerecho na sa mansion. Nang makarating kami ay pumunta nako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.

Si Joyce naman ay nag paiwan sa living room dahil manonood daw sya ng Spongebob.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon