Chapter 36: Courting her

7.5K 179 1
                                    

Harriss's Pov.

I want to court her. I want her. I like her and I think I love her already.

Tss. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit biglang nag iba yung pakiramdam ko? Shit. Eto na ba yung love? Hindi ko pa nga nahahanap si mysterious princess nainlove na agad ako. Psh. Sigurado akong mapapagalitan na naman ako ng magaling kong ama.

Kakatapos lang namin magLunch pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko kapag nagtatama ang paningin namin, hinihigop nya ang kaluluwa ko. May kung ano din na naglalaro sa tiyan ko. Shit. Bakit ganito?

Psh. Basta liligawan ko sya, gagawin ko lahat mapasakin lang sya. Sana lang may nararamdaman din sya para sa akin. Nagpunta ako sa living room at nakita ko sya dun na nakaupo sa sofa. Ang cute nya! Maasar nga.

"Oy. Panget!" Sabi ko. Tumingin sya sakin at inirapan nya ako.

"Mas panget ka!!" Nakangusong sabi nya.

'Tang ina. Wag kang mag-pout, baka hindi ko mapigilan sarili ko' Sabi ng utak ko.

"Ako? Panget? Eh ang dami ko ngang Fangirls! Hahaha" Sabi ko at tumabi sa kanya. Inakbayan ko sya pero inalis nya.

"Ano ba? Feeling close ka." Sabi nya.

"Pasalamat ka nga gwapo yung umaakbay sayo eh. Pfft"

"Gwapo? San banda?" Tanong nya.

"Sa bandang wala ka." Sabi ko.

"Wala ako?"

"Oo. Kasi pangit ka! Hahaha" Sabi ko.

Ngumuso ulit siya. Psh. Ayan na naman sya.

"Hoy! Wag kayo maglandian jan!!" sigaw ni Charles.

"Tss. Palibhasa may Gab kana pare!!" Sigaw ko pabalik.

"Ano?! Nililigawan nya si Gab?! Yiiee!" sigaw ni Joyce

"Oo. At ikaw naman ang susunod na nililigawan ko." sabi ko sabay kindat.

  Umiwas sya ng tingin sakin, ako lang ba o talagang namula sya?

Joyce's Pov.

Kainis! Anong trip ni Harriss? Kinikilig ako sa pinagsasabi nya. Psh. Yung totoo? Crush ko si Harriss. Oo crush ko nga sya. Nung di pa nila alam kung sino kami, crush ko na talaga sya. Hindi ko lang pinapahalata dahil Badboy sya! C
Tsaka baka pagtripan nya lang ako. Hmmpp!

"Uy. Namumula!! Hahahaha" Sabi nya.

Napapout nalang ako. Tss. Tumayo ako at inirapan sya.

"Bahala ka jan! Panget mo!" Sabi ko at umakyat na sa hagdan.

"Hoy Joyce!! Liligawan kita ah!!" Sigaw nya.

Napahinto ako sa pag akyat at napaharap sa kanya.

"Bahala ka!!" Sigaw ko at tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Pumunta ako sa tapat ng ref at nangalkal ng makakain.

Psh. Pinagttripan lang siguro ako ng Playboy na yun. Hays.

Habang naghahanap ako ng makakain ay nahagip ng mata ko ang Spinach. Naalala ko tuloy na allergi  sya dito at namamantal ang mukha nya kapag nakakakain nito. Haha. Ano kayang itsura nya nun?

Nilabas ko yung apinach at kumuha ng baso. Nilagay ko din yung spinach sa blender at hinaluan ko pa ng iba't ibang prutas.

Pagkatapos ko ay nagtungo sa living room. Buti nalang wala na si Charles. Hihi. Inabot ko sa kanya yung baso. "Oh eto. Inom ka muna ang Shake" sabi ko at inabot naman nya. "Aww. Ang sweet nung liligawan ko haha" sabi nya at inamoy yung shake. "T-teka-" di ko na sya pinatapos

"Kapag ininom mo yan. Papayagan kitang manligaw sa akin haha" sabi ko.

Lumunok muna sya ng laway bago bumalik ang tingin nya sa baso.

Agad naman nyang nilaklak yun. Pero makalipas pang ng limang segundo at nabitawan nya yung baso kaya nabasag ito. Napahawak din sya sa lalamunan nya na parang nahihirapang huminga.

"Harriss!! Anong nangyayari sayo?!" Sabi ko at lumapit sa kanya. Sakto naman na bumaba si Charles.

"Shit!! Nakakakain sya na may spinach?!" Sabi nya.

"O-oo. S-sorry." Sabi habang pinipigilan ang luha ko.

"Tss. Bilisan mo! Ihanda mo yung kotse at dadalhin natin sya sa Ospital" sabi nya kaya naman agad akong tumakbo papunta sa garage

Shemay!! Ang tanga mo Joyce!! Huhuhuhu..

Kinuha ko yung kotse sa garage, agad din naman silang sumakay. Akay akay ni Charles si Harriss na nahihirapang huminga.

'Shit!!! Ang tanga mo talaga Joyce!! Huhuhu. Dahil jan, wala kang ice cream ng isang linggo!!' Sabi ng utak ko.

Nang makarating kami sa ospital ay agad dinala ng mga Nurse si Harriss sa E.R.

"Charles. Sorry talaga." Sabi ko habang umiiyak.

"Pfft. Wag ka ngang umiyak. Ang panget mo lalo mabuti pa'y tawagan mo sina Gab para sabihin na nandito tayo" sagot nya.

"O-okay" tanging sagot ko at kinuha na ang phone ko sa bulsa.

Tinawagan ko si Gab at sinabi ang buong pangyayari. Psh. Namura pa ako.

Maya maya ay lumabas na ang doctor sa ER kaya naman sinalubong namin agad sya.

"Doc, kamusta ka sya?" Tanong ni Charles.

"No need to worry. Okay lang sya. Mabuti nga at nadala nyo agad sya dito kaya naagapan pa. Ipapahatid ko na sya sa magiging room nya, puntahan nyo nalang sya dun" sabi ni Doc.

I sighed. Buti naman at okay na sya. Grabe naguguilty ako. Pero teka. Ininom nya? Edi papayagan ko na syang manligaw sakin! Hahaha. Grabe effort nya! Ang cute tuloy nya! Hihihi. Siguro nga di nya ako pinagttripan. Kasi kung pinagttripan nga lang nya ako, di nya iinumin yun. Di nya isasang alang alang ang buhay nya para mainom nya lang yun. Hihi. Excited na akong magising sya.

Makalipas ang ilang sandali ay nagtungo na ako sa room na sinabi ng doctor. Naabutan ko dun sina Charles at sina Gab. Bilis naman nila?

Pagpasok ko ng room sinapak agad ako ni James at Marky.

"Aray!! Bakit kailangang dalawa pa kayo?!" sigaw ko kasabay ng pagnguso ko.

"Ang tanga mo kasi!" Sabay na sabi nila.

"Psh. Kailangan talaga sabay?! Oo na! Ako na tanga! Malay ko ba kasing ganyan pala mangyayari sa kanya?!" Sabi ko.

"Nasa huli ang pagsisisi" singit ni Gab.

"Psh. Wag na nga kayo magtalo talo jan. Intayin nalang natin na magising si Harriss" sabi ni Charles.

"Aye aye" sabi naming tatlo nina Marky at James.

"Bumili ka nga muna Joyce ng pagkain sa labas" utos ni Gab.

"Hayy.. Napag utusan pa. Akin na pera" sabi ko.

"May pera ka ah." Sabi ni Gab.

"Naiwan ko ang wallet ko. Phone nga lang nadala ko eh." Sabi ko.

"Tsk. Oh" si Gab. Sabay abot sakin ng 1000.

Pumunta ako sa convenience store at bumili ng tinapay,drinks at junkfoods. Pagbalik ko ay nakita kong ang iingay nila.

"Anong meron?" Tanong ko.

Humawi sila para makita ko si Harriss. At yun, nakita ko syang nakaupo at nakangiti.

"Oh paano ba yan? Nainom ko na" sabi nya.

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya.

"Tsk!! Nakakainis ka!! Tinakot mo ako!! Oo na!! Pumapayag na ako!!" Sabi ko.

"Yess!" Sigaw nya.

Napangiti nalang ako habang yakap yakap sya. Siguro nga di masamang magtiwala. Sana lang mahalin nya talaga ako.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon