Chapter 4: Curious

13K 335 13
                                    

Lance's Pov

Yung isa sa mga Nerds na yun....
Laging walang emotion ang makikita sa mukha nya. Sila lang din yung di nakaramdam ng takot sa amin.

Ang lalakas ng loob nila!! Bullsh*t!!

"Humanda sila sa akin!" Sabi ni Harriss.

"Oo nga!! Kawawa naman yung Braso ko!! Hay*p sila!!" Sabi ni Charles.

"Matitikman nila kung paano magalit ang Rank 2 sa pinakamalalakas na Gangster!!" Sabi ni Harriss.

May ginawa silang plano para masindak sa amin ang Nerds. At bukas namin ito gagawin. Gangsters kami kaya wala kaming pakialam kahit mapatay pa namin sila.

Natapos na ang klase namin. Dumerecho kami sa Mansion namin para ihanda ang kakailanganin namin bukas. Hindi talaga ako mahilig magsalita kaya di ako nangingialam sa plano nila.

Kinabukasan....

Handa na ang lahat. Ang kailangan nalang ay ang pagdating ng Tatlong Nerds. Nasa Cafeteria kami ngayon at inaaantay ang pagdating nila.

Maya maya pa ay pumasok na sila sa Cafeteria. Agad naming Binato ang Shurikens na hawak namin.

Pero.......

Naiwasan nila. LAHAT nagbato pa kami ng Daggers at naiwasan ulit nila!! Ang bibilis nilang kumilos!!

Joyce's Pov

Nakaramdam kami ng kakaiba. Malakas talaga ang pakiramdam namin. At tulad ng inaasahan. Pagpasok namin ng Cafeteria. May naghagis sa amin ng sangkatutak na SHURIKENS!!!!! Alam ba nilang hindi nila dapat pinaglalaruan yun!! Masyadong delikado!! Lalo na at mukhan di sila dumaan sa Training para sa paggamit nun.

Iniwasan lang namin yun. Si Gab, iniiwasan lang nya ang Shurikens habang nagbabasa. Si Shea naman ay iniiwasan yun habang nakapikit. Ano bang nangyayari sa kanila?! Alam ba nilang delikado yun!? Paano kung matamaan sila?! Mga abnormal talaga!!

Nang matapos magbato ng shurikens ay sumunod ang daggers. Iniiwasan pa din ni Gab yun. May tatama sana sa mukha nya pero pinigilan nya yun gamit ang dalawang daliri nya.

Ganun din naman si Shea. May tatama sana sa Bag nya pero pinigilan nya yun.

At ako? Patuloy ako sa pag iwas at pagsangga sa daggers.

Nang matapos sila ay agad akong sumigaw.

"Alam nyo bang delikado maglaro ng Daggers at Shurikens?! Lalo na at nasa Paaralan kayo?!" Sigaw ko.

Lumapit sa amin ang Devil Phoenix.

"Who the hell are you? Paano nyo nagawa yun?!" Sabi ni Harriss.

"Tanga ka ba?! Kung di namin iiwasan at sasanggain yun sigurado akong nakahandusay na kami dito!!" Sabi ko

"Tang*na mo!!! Dahil sa pag iwas nyo lalo nyo kaming ginalit!!" Charles said.

"At dahil din sa ginawa nyo. Lalo din kaming kaming nagalit." sabi ni Gab habang nagbabasa pa rin ng libro.

Kinuha ni Charles ang libro na binabasa ni Gab at itinapon sa malayo.

"Hala! Yare kayo!" Sabi ko.

Iniangat ni Gab ang tingin nya at tinanggal ang Nerdy Glasses nya. Ngayon kitang kita mo na ang mga mata nya. Tiningnan nya si Charles ng nakakamatay na tingin. Mukha namang gusto pa ni Gab na takutin sila kaya tinanggal nya ang contact Lenses nya. Dahilan para ma-expose ang matingkad na Blue na kulay ng mata nya.

Kitang kita ko din sa mga mata nina Charles at Harriss na natatakot sila.

Nag-smirk si Gab. "Galawin nyo na lahat. Huwag lang ang Libro ko. Patayin nyo na si Joyce pero huwag na huwag nyong idadamay ang libro ko" mahinahon pa ring sabi nya. Pero mahahalata mo sa boses nya ang galit.

Si Shea naman nakapamulsa lang na parang walang pakialam sa mundo.

"Teka nga!! Bakit ako nadamay jan?! Ayoko pang mamatay noh!! Hahanapin ko pa si Mr. Right!!" Sabi ko.

"Dream on Girl." Sabi ni Gab. "Hindi ko na kaya to. Ayoko ng magpanggap!! Tang ina!!"

Akmang susuntukin nya sina Charles at Harriss. Pero biglang kumilos ng mabilis si Shea para pigilan si Gab.

"Like what I said. Be patient" mahinahong sabi ni Shea.

"Tch. Pasalamat kayo" Sabi ni Gab. Sinuot na nya ulit ang Contact Lenses at nerdy glasses nya. Umalis na rin kami sa Cafeteria.

Pumunta kami sa Comfort Room. Inisa isa namin namin ang Cubicle para makasiguradong walang tao.

"Alam kong di madali itong pagpapanggap na ito. Pwede naman kayong mag-qit anytime" sabi ni Shea.

"No way!! Di kami mag-q-quit!!" Sabi ko.

"Sakit mo sa tenga! Di mo kailangang sumigaw!!" Sabi ni Gab.

"So ano? Ipapagpatuloy natin to? Alam kong dahil sa nakita nila kanina ay Curious na sila tungkol sa atin." Sabi ni Shea.

"Okay lang yan!! Kering keri!!" Sabi ko.

"Tch" sabi ni Gab.

"So the decision is final?" Sabi ni Shea.

"Aye aye!!" Sagot ko.

"Yes" sagot naman ni Gab.

Nang matapos na kami ay pumunta na kami sa Classroom. Samu't saring tsismis ang naririnig namin tungkol sa amin. Ang iba ay tungkol sa nangyari kanina. Yung iba naman ay malandi daw kami. Gumagawa daw kami ng paraan para mapalapit sa Devil Phoenix. Tch. Mga chismosa.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon