Shea's Pov
Bago ko kausapin sina James ay sinabihan ko si Lance na huwag magpapakita sa kanila Tss. Sana naman nagawa nila ng maayos yun. Pinahatid ko na sa guest room si Lance para makapagpahinga na. Ako naman ay nag ayos na din ang sarili at natulog na.
Dad of Shea's Pov.
My Son and wife are dead. Hindi ko nahahayaan na pati si Shea kunin nila. Di pa ba talaga sila titigil? Sino ba talaga yang black mafias na yan?!
Hindi ko hahayaan na magising ang demonyo sa loob ni Shea. Masyado syang magiging brutal kapag nangyari yun. Ayoko na din maulit yung nangyari dati.
10 years ago...
Masaya kong pinagmamasdan ang dalawa kong anak habang naglalaro dito sa garden ng mansion namin. Maya maya pa ay tumawag sa cellphone ko ang isang mafia boss. Hindi alam ng mga anak ko ang tungkol dito kaya naman pumasok ako sa Office ko para sagutin yun.
"Hello?" Panimula ko.
"Narinig ko ang usapan ng isang mafia! May susugod jan sa mansion mo para patayin kayo!"
Matapos ko marinig yun ay tumakbo ako pabalik sa garden, pero huli na ang lahat. May tama ng baril ang binti ng kuya ni Shea, habang ang asawa ko naman ay hawak nila. Si Shea naman nakaupo at nakayuko lang.
Tinapat nung lalaki ang baril nya kay Shea. Nag angat ng mukha si Shea at sumilay sa kanyang labi ang isang mala-demonyong ngiti.
Gustuhin ko mang lumapit ay tila napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang ngiting yun ni Shea.
Nakaramdam naman ng takot yung lalaking kaharap nya, kakalibitin na nya sana yung baril nang bigla syang tumakbo papunta sa likod ng lalaki at kinuha nya ang katana mula sa isa pang lalaki. Nagulat pa sila sa ginawang yun ni Shea.
Ipinutok nung lalaki kay Shea yung baril pero nasangga nya yun gamit ang katana. Agad naman nyang winasiwas ang katanang yun at pinutol ang kamay nung lalaking may hawak ng baril dahilan para mapahiga sya sa sakit habang masaganang sumisirit ang dugo mula sa kanyang mga braso.
Humakbang naman palayo yung iba pang mga lalaki. Ngumisi na naman si Shea.
Inangat nya ang katana nya at agad sumugo sa mga lalaki. Pinugutan naman nya lahat ng ulo yun. Hanggang mapatay na nya ang lahat pwera nalang dun sa pinutulan nya ng kamay. Lumapit sya dun sa lalaki na mukhang hirap na hirap na.
May nakuha naman syang dagger sa damuhan, tinusok ni Shea ang ang dalawang mata nung lalaki dahilan para sumigaw sya sa sakit. Si Shea naman ay nakangiti lang na animo'y natutuwa pa. Hindi ko na nakayanan to kaya naman sumigaw na ako.
"Shea!!!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.
Humarap sya sa akin, makikita mo sa mata nya ang saya at galit. Sa dating Violet na mata nya ay naging Pula. Naging pula ang mga mata nya na akala'y mo ay nag aapoy pa.
Nang makalapit naman ako sa kanya ay nawalan sya ng malay. Binuhat ko na sya at lumapit sa kuya nya. Inalalayan ko syang tumayo.
Nakita ko naman ang asawa ko nakatayo at nakatakip ang mga kamay nya sa bibig nya habang umiiyak. Tiningnan ko sya, na agad namang tumayo at tumakbo patungo sa kuya na Shea upang alalayan. Hindi pa rin siya humihinto sa pag iyak.
Pinatawag namin ang private doctor namin at agad na pinakonsulta ang mag iina ko. Walang natamong major injury sina Shea at ang asawa ko maliban nalang yung kuya niya na nabaril sa binti.
Dalawang buwan ang nakalipas mula nung gumaling yung kuya ni Shea. Bumalik sa dati ang lahat. Wala namang maalala ang magkapatid. Nagtataka naman ako pero sinabi sa akin ng private doctor namin na may tinurok sya sa mga anak ko para makalimutan ang pangyayaring yun.
Gamit ang advance dtechnology ng pamilya naman kaya nya nagawa yun. Bumalik na din naman sa pagiging Violet ang mata ni Shea.
End of Flashback...
Alam ko naman na di maiiwasan na mailabas nya ang demonyong yun pero sana naman magawa na nyang kontrolin yun. Lalo na kapag nakaharap niya ang tao sa likod ng pagkamatay ng mommy at sa kuya nya.
Author's Note
Hello po!! Sorry po kung maikli lang po tong Chapter na to. Pero sana po suportahan nyo parin po ang ROAMB (Revenge Of A Mafia Boss) . I love you all!! Don't forget to vote and comment din po. ☺ Thank you! ☺
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
ActionShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.