Chapter 37: James and Heaven

7K 160 9
                                    

One month later...

James's Pov.

Nagliligawan na sila. Samantalang kami ni Marky wala pa!! Hindi maaari!! Eh kung ligawan ko kaya si Marky? Hahaha. Bromance!

Nasa sala kaming lahat. Kami ni Marky nasa sofa. Si Harriss at Joyce nasa Carpet naglalaro ng chess. Si Charles at Gab, ayun nagbabasa ng libro ni Nicholas Sparks.

"Pare! Hanap na din tayong chix!!" Sabi ni Marky.

"Baby naman. Andito na ako, maghahanap ka pa ba ng iba?" Sabi ko.

"Yuck pare!! Mangdiri ka nga sa sinasabi mo!!" Sabi nya sabay batok sa akin.

"Aray Baby! Binabatukan mo na ako? Halikan kita jan eh!" Sabi ko.

"Kadiri ka James!!" Sigaw ni Marky.

"Tang ina! Sisigaw ka o ipapakain ko tong libro sayo?!" Galit na sabi ni Gab.

"Ah. Hehe si Baby kasi eh. Hindi na ata ako mahal!" Sabi ni Marky sabay kapit sa braso ko.

"Ha? Mahal na mahal kaya kita baby" sabi ko habang hinahaplos ang mukha nya.

"Pfft. Hahaha" mahinang tawa ni Charles.

"Yuck kadiri kayo!" Sabi ni Joyce.

"Don't mind them. Mga inggit lang yan" sabat ni Harriss.

"Magsiligo na nga kayo. May pasok pa tayo" sabi nalang ni Gab.

"Baby! Sabay tayo ha?" Sabi ko kay Marky.

"Yuck! Ayoko nga!" Sabi nya sabay takbo papunta sa kwarto namin.

"Psh. Out of place ako dito! Jan na nga kayo!" Sabi ko at umakyat na din ako sa kwarto.

Nang matapos maligo ni Marky ay agad akong sumunod. Sana makahanap na ako ng Chix!! Nakakainggit talaga sila! Tang ina. Hahaha.

Nasa kanya kanya kaming sasakyan patungo sa University. Pero si Marky, sa akin nakisakay. Tinatamad daw syang magdrive. Bait no? Tss.

Pagdating namin sa University, dumating agad ang mga fangirls namin. Hirap talaga maging gwapo!! Tang ina. Haha.

Naglakad na kami ni Marky papunta sa classroom, pero nung nasa hallway ako may nabangga ako at nahulog ang gamit nya.

"Ay sorry miss" sabi ko at tinulungan ko syang mag ayos ng gamit.

"Uhh.. Sorry din. Nagmamadali kasi ako eh" sabi nya. Nang matapos kami sa pagpupulot ay ibinigay ko na sa kanya ang gamit nya. Napatingin naman ako sa mukha nya..

Tsk. Heaven!!! Ang ganda nya! Mukha pang mabait. Haha.

"Ano ng palang pangalan mo?" Sabi ko, pero pagkaabot ko ng gamit nya ay agad syang tumakbo.

"Sorry!! Nagmamadali na talaga ako. By the way. I'm Heaven!!" Sigaw nya.

Pinagmasdan ko syang tumakbo palayo sa amin. Napangiti nalang ako ng di inaasahan. Hanggang sa batukan ako ni Marky.

"Aray!" Sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.

"Napapaano ka?! Ano yun? Na-love at first sight ka?" Tanong nya.

"Oh. Baby? Are you jealous? Pfft" Wika ko.

"Tang ina pre. Nababakla kana." Sabi nya at iniwan na akong mag isa. Grabe sya oh!! At dahil dun, mag isa akong pupunta sa classroom. Sana lang hindi ako paagkaguluhan ng fangirls ko. Haha.

Malapit na ako sa classroom nang makakita ako ng familiar na babae. Nakaupo sya at nakayuko. May mga estudyanteng nakapalibot sa kanya at binabato sya ng Itlog, Kamatis, harina at kung ano ano pa. Lumapit ako sa kanila para makita ko nang malinaw ang babae.

Dahan dahan syang tumingala at tumingin sa mga estudyante, umiiyak sya. Nang mag-sink In sa utak ko kung sino sya ay agad akong sumigaw.

"Itigil nyo yan!!" Tumigil naman sila at humawi sila para makadaan ako. Nilapitan ko ang babae para makasigurado.

"Shit" sya nga. Bakit hindi ko man lang naalala ang damit na suot nya.

Umupo ako sa harap nya at iniabot ang panyo ko. Humarap ulit ako sa mga estudyante.

"Sino ang nagpasimuno dito?!"

Lahat sila ay tumingin sa isang babae. "Tss. Come here" Sabi ko sa babae at lumapit naman sya ng tahimik. Inirapan nya pa ako nang makalapit na sya.

"Bakit mo ginawa to?" Mahinahong tanong ko.

"Tss! Bagay lang sa kanya yan!! Palagi nalang sya ang napapansin ng mga teachers!! Karma nya yan!" Sabi nya.

Tumalikod ako sa babae at humarap kay Heaven. Oo, si Heaven yung babae. Binuhat ko sya ng parang bridal style.

"Dalhin nyo yang babaeng yan na pasimuno nitong lahat sa Abandonadong building sa likod ng University. Ngayon na!"

Agad naman silang nagsikilos at dinala yung babae. Nagpupumiglas pa sya pero wala na syang magawa dahil marami ang mga estudyante. I sighed.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Heaven.

"O-oo. S-salamat sayo" sabi nya. Napangiti nalang ako. Ang ganda nya kahit madumi sya. Dinala ko sya sa labas ng restroom ng mga babae. "Jan ka muna sa loob, manghihiram lang ako ng extrang uniform sa kaibigan ko."

"S-sige" sabi nya.

Agad akong tumakbo papunta sa classroom. Buti nandun na sina Gab.

"Gab Joyce. Sinong may dala sa inyo ng Extrang uniform? Peram naman" sabi ko.

"Pfft. Bakit pre? Isusuot mo? Hahaha" si Charles.

"Ulol pre! May binully sa hallway kanina. Sobrang dumi nung uniform" sabi ko.

"Teka. May nambully? Tayo lang pwedeng mambully dito ah! Asan na yung pasimuno?!" Sabi ni Harriss.

"Pinadala ko sa abandonadong building sa likod ng University. Pupuntahan ko sya mamaya. Sama kayo? Gusto nyo?" Sabi ko.

"Sige! Sama kami! Adventure yun!! Haha" sabi ni Joyce.

"Oh ano? Sinong may extrang uniform?" Tanong ko.

"Ako!! Hihihi. Kunin mo nalang sa locker ko" sabi ni Joyce.

Naglakad na ako palabas at nagtungo sa locker. Kinuha ko na yung uniform at nagtungo na sa restroom. Nasa labas na ako ng tawagin ko sya.

"Heaven? Eto na yung Uniform oh." Sabi ko.

May babaeng lumabas na kamukhang kamukha nya. Pero astigin kong pumorma. Teka, Sino to? Si Heaven ata to e.

"Teka Heaven!" Sigaw ko at huminto naman sya.

"Ha? Heaven ka jan. Nasa loob sya Bro" sabi nya at umalis na. Bigla namang lumabas si Heaven.

"Oh. Nagkita ba kayo ni Hailey?" Tanong nya.

"Hailey?" Sabi ko.

"Oo. Yung kakambal ko" sabi nya.

"Ah. Kaya pala kamukha mo. Ay oo nga pala! Eto na yung uniform" sabi ko at inabot sa kanya yung uniform.

"Ah salamat" sabi nya.

"Sige na. Malalate na tayo. Hihintayin kita dito sa labas" sabi ko at pumasok na sya sa loob.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na sya. Ang ganda nya talaga.

"Halika na. Hatid na kita" sabi ko.

Ngumiti sya sa akin. "Salamat nga pala ha? Ano nga palang pangalan mo?" Tanong nya.

"James" sagot ko nang nakangiti.

"Ahh" sabi nya at nag umpisa na kaming maglakad.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon