Chapter 12: Conversation

11.5K 255 4
                                    

Shea's Pov.

Nagising na ako, napatingin naman ako sa orasan. It's 2:15 in the morning. Kinuha ko ang phone ko. May nakita naman akong isang Unread Message from unknown number. Binuksan ko ang message at binasa.

"Still finding justice huh? Well GoodLuck Dear"

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa nabasa. Talagang pinaglalaruan nyo ako ha? Huwag lang kayong magpapahuli sa akin dahil sisiguraduhin kong unti unti ko kayong patayin sa sarili kong mga kamay.

Ginawa ko ang morning rituals ko at bumaba sa living room. Naisipan kong Mag-jogging. Pampalipas galit na din. I sighed.

Inikot ko ang buong Village. Maaga pa naman kaya nag-decide akong lumabas ng Village.

Habang nag jo-jogging ako sa village na malapit lang samin ay may nakasalubong ako. Buti at naka-contact lense ako. At suot ko din ang salamin ko.

"What are you doing here?" Sambit nya.

"Jogging" maikling sagot ko.

"I know. But bakit dito? Dito ka ba nakatira?" Sabi nya. Nakakapanibago sya ah.

"Ikaw si Lance diba? Sa pagkakaalam ko tahimik ka. So bakit ang daldal mo ngayon?" Inis na sabi ko. Kahit kailan ayoko sa madaldal. Argh!!

"Hm. Simple lang yan.. Pagod kasi ako palagi dahil sa trabaho, kaya kapag nasa University ako lagi akong tulog, or kaya naman laging tinatamad magsalita." Paliwanag nya.

"Okay" sagot ko. Nag-jogging na ulit ako at sumunod naman sya sa akin. Di ko nalang sya pinansin dahil baka humaba na naman ang usapan.

Habang nag-jo-jogging kami, walang nagbalak sirain ang katahimikan, Mas mabuti yun para tahimik, Hanggang sa...

"Alam mo, You're quite interesting" Sabi nya.

Napatingin naman ako sa kanya habang nakataas ang kilay ko. "What?"

"I said you're interesting. You and your friends. Lalo na nung Nagawa nyong iwasan at saluhin yung daggers at shurikens dati? Pati na rin yung weird na kulay na mga mata nung mga kaibigan mo. Now I'm thinking kung ganun din ba ang mga mata mo at kung anong kulay naman kaya yun" Sabi nya.

"Hindi mo gugustuhing malaman, kaya manahimik ka jan." Sabi ko.

"Chill. Hindi ko namang gustong malaman, kaso nga lang Nakaka-curious eh" Sabi nya.

"Edi gusto mo ngang malaman, wag ka nga masyadong feeling close jan" sabi ko.

"Feeling close? Nag assume ka naman na nag-fe-feeling Close ako sayo? Hahaha. Lakas e."

"Just shut up, and mind your own business."

Binalisan ko na ng Pag-jo-jogging ko at bumalik na sa Village namin. Nung nasa tapat na ako ng gate ay marahan ko yun binuksan dahil kapag nahuli ako nung tatlong reapers, magtatanong na naman yun ng kung ano ano.

Buti at hindi pa sumisikat ang araw. May oras pa ako para matulog ulit.

Joyce's Pov

Good Morning World! Good Morning to all living things in the Earth! Tumayo na at ginawa ang morning rituals ko. Nang matapos ako ay agad akong bumaba sa kusina para kumain. Nakita ko sina James at Marky.... And WOW! Nagluluto sila! Hehehe. Mukhang mapaparami kain ko neto! Masarap kasi sila magluto eh. Para na silang Chef! Napansin naman agad nila ako.

"Oh Joyce? Upo kana dun, kakain na tayo. Saglit nalang to" si James.

"Okay!" Masiglang sagot ko.

Mga limang minuto pa ang inintay ko bago matapos sina James sa pagluluto. Hinain na nila ang pagkain. Sinangag, bacon, hotdog, fried egg lang naman ang niluto nila.

Oh. Diba? Sosyal! Hehehehe.

Dinamihan ko ang kain ko dahil kahit prito lang tong mga to. Masasarap pa din.

Si James at Marky naman ay umupo na sa harapan ko at nakikain na din. Habang kumakain kami ay bumaba si Gab.

"Good Morning Ga---ARAY!!!" Sabi ko.

"Ssshhh.... Wag kang maingay" sabi nya.

Napatingin ako kina James habang sapo sapo ang ulo ko. Nakita ko silang nagpipigil ng tawa.

"Tawa!!" Sabi ko kasabay ng pag irap ko sa ere.

"Hahahaahahahahaahahahahaha" halakhak nila yan.

"Bakit ang mean nyong lahat sakin?! Lagi nyo akong binubully!!" nakangusong sabi ko.

Maya maya ay bumaba na din si Shea.

"Good Morning Boss!" Masiglang sabi ko.

"Tch" sabi nya.

'Grabe. Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit mga Bad mood sila? Hindi ko tuloy sila makukulit.' Nakangusong sabi ko sa utak ko.

"ARAY!!"

"Kanina ka pa jan pout ng pout. Para kang aso. Hahahaha" sabi ni Marky.

"Hoy!! Kapal mo!! Mas mukha kang aso!! Ang ganda ganda ko kaya!! Che!!"

"Ehem. Ano daw? Maganda? Saang part?" Si james.

"Haha. Pre baka nananaginip pa." Si Marky.

"Hoy Joyce!! Gising na!! Hahahaha" si James.

"Tss. Ang kakapal ng mukha nyo!!" Sabi ko.

"May mainipis bang mukha?" Sabi ni Marky "hahahaha" dagdag nya.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. May manipis kayang mukha? Gaano kaya kanipis nun? Masakit kaya yun kapag sinasampal sila? Pero bakit wala pa akong nakikitang taong manipis ng mukha?

Natigil ako sa pag iisip ng bigla akong batukan ni Gab.

"Aray!! Putek naman!! Agang aga nakailang batok na kayo!!" Muli akong napanguso.

"Alam kong iniisip mo kung may manipis ba talagang mukha. Why don't you search about that thing?" Sabi nya.

"Waahh!!! Oo nga noh!!" Sabi ko. Umakyat nako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko.

Gabrielle's Pov

Umalis na si Joyce at mukhang gagawin nga nya yung sinabi ko.

"Uto uto" sambit ko. Nagtawanan naman yung dalawang reapers.

"Hahaha. Ang shunga!!" Sabi ni James.

"Baka magpuyat yun, makahanap lang ng sagot! Hahaha" sabi ni Marky.

Narinig kong bumuntong hininga si Shea.

Nang matapos kami kumain ay nagbihis na kami at pumunta ng School dahil inintay pa namin si Joyce dahil sa pag-reresearch nya. Masyado na syang matagal kaya sinabi ko na sa kanya na walang manipis ang mukha. Kaya ayun. Kanina pa pout ng pout. Parang tanga.

Nakapasok na kami ng room ng biglang...

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon