Chapter 27: Telesforo's Death

9K 204 2
                                    

Joyce's Pov.

Inumpisahan ng landiin ni Gab si Telesforo, Kami namang mga rapers ay nasa isang sulok para pag usapan kung paano namin mapapatay yung mga tauhan ni tanda. Medyo nagtatawanan pa kami para hindi magduda yung ibang mga estudyante. Tsaka paano kaya nakapasok yang matandang yun? Sa pagkakaalam ko pwede lang makaattend dito kung sasamahan mo anak mo o kung ano pang kamag anak. So it means May kamag anak syang sinamahan dito?! Woohh! Ang talino ko na!! Napahagikgik nalang ako sa isiping yun. Binutakan naman ako si James kaya napatingin ako sa kanya sabay pout.

"Palagi nyo nalang akong binabatukan! Baka maging bobo na ako nyan!" Sabi ko.

Tumawa lang sila na akala mo'y may mali sa sinabi ko. Tss. Mga abnoy talaga.

Napatingin naman ako kay Gab na iritang irita na sa pinaggagawa nya. Hahahaha. Umupo pa sya sa Lap ni tanda. Maya maya pa ay tumayo na si Gab at sumunod naman sa kanya si Tanda. Sinenyasan din ni tanda yung mga tauhan nya na huwag ng sumunod. Humarap naman sa sa amin si Gab at inirapan lang kami. Hahahahaha. Okay chance na namin to. Lumapit na kami sa mga tauhan.

"Hi there!!" Masiglang bati ko.

Napatingin naman sila sa amin.

"Kaibigan namin yung sinama ng amo nyo. Haha mukhang naka-jackpot amo nyo ha?" Wika ni Marky.

"Oo nga eh. Ang ganda pa naman nung babae. At ang sexy pa! Hanep!" Sabi pa nung isa.

"Gusto kong mag inom. Wala pang sineserve na alak dito?" Tanong nung isa.

"Para sa estudyante ang party na ito kaya wala silang sineserve. Kung gusto nyo may bar jan sa tapat, Samahan na namin kayo, Gusto din naming uminom eh" Wika ni James.

Nagsitayuan naman sila, pero syempre kaming tatlo ang nauna. Buti nalang may extrang lason si James. Pwede namin tong ihalo sa inumin nila. Kapag nainom kasi ang lason na to 30 minutes lang ay malalagutan kana agad ng hininga.

Dinala na namin sila sa bar at dumeretso na sila sa isang round table malapit sa entrance. Kami na ang nagpresintang umorder ng alak. Nagtungo na kami sa counter, buti walang CCTV dito. Bago namin ibigay sa mga yun ang alak ay binuksan na namin at ibinuhos dun ang lason. Nang matapos kami ay nagtungo na kami sa round table. Nagsimula naman nilang Tunggain yun.

May kinalikot si Marky sa Cellphone nya at dahil magkatabi kami, nakita kong nagset sya ng Alarm ng within 2 minutes. Nang maiset na nya ay binalik sa bulsa nya ang phone at uminom dun sa isang In Can na beer.

Maya maya ay tumunog nga ang slarm. Ang alarm pa nya ay yung ring ng may tumatawag. Kaya naman mukhang may tumatawag talaga. Kinuha nya ang phone nya at kunwaring sinagot ang tawag.

"Hello Mom?.... Yes mom.... Okay.. We're on our way." Wika ni Marky. Binaba na nya ang phone nya at ibinalik sa bulsa.

"Bakit daw tumawag si Tita?" Tanong ni James.

"Magkakasama daw ang parents natin para sa isang business meeting and we need to be there" Si Marky.

Humarap naman ako sa mga kasama namin. "So, uuna na kami ha? Kailangan kasi kami dun eh" Wika ko.

"Ah sige.. Salamat sa pagsama sa amin haha" Wika nung isang lalaki. Tumayo naman kaming tatlo at nagtungo sa parking lot. Asan na kaya sila? Kami pa lang ang nandito eh.

Gab's Pov

Lumapit na ako kay Teleforo. Grabe sobrang landi nya. Dinaig pa nya ang teenager Tss. Pero dahil best actress ako sinakyan ko lang lahat ng pinaggagawa nya. Umupo pa nga ako sa lap nya eh. Damn. Maya maya pa ay tumayo na ako at sinenyasan ko naman sya na sumunod. Abot tenga ang ngiti nya nun. The fvck? Sinenyasan din naman nya ang tauhan nya na maiwan. Habang palayo ako ay napatingin ako kina Joyce na halata mong natutuwa sa ginagawa ko kaya naman inirapan ko na sya.

Nag vibrate naman ang phone ko sa shoulder bag ko kaya pasimple kong kinuha ang phone ko at tiningnan yun. Text yun ni Charles at tinext nya sa akin kung nasaang hotel room sya.

Hinanap ko ang hotel room. Pagbukas ko ng pinto ay isang madilim na kwarto ang sumalubong sa akin. Naramdaman ko naman ang presenya ni Charles sa loob. Nang makapasok na kami ay agad nya akong inihiga sa kama na naging dahilan para tumaas hanggang hita ko ang suot kong gown. Mabilis nyang niluwagan ang Neck tie nya at nagpunta sa ibabaw ko. Hahalikan na sana nya ako kaya lang mabilis akong kumilos kaya kinuha ko agad sa secret pocket ko ang syringe at tinurok sa Leeg nya.

Sinubukan kong alisin sa ibabaw ko ang walang malay na matanda kaso lang masyadong mabigat kaya hindi maalis.

"Hoy Charles! Huwag ka nga lang tumayo jan! Alisin mo tong matandang to sa akin!"

Lumapit naman sya sa akin at sinipa ang matanda kaya naman nahulog sa kama ang matanda. Napatingin naman ako sa gown ko na bahagyang nakataas kaya nagmadali akong tumayo at inayos ang damit ko. Napatingin naman ako kay Charles na bahagyang namumula.

"Tss!! PERVERT!!" Sigaw ko sa kanya bago pumunta sa parking lot. Sumabay naman sya sa akin kaya sabay kaming nakapunta dun. Nakita naman namin dun ang tatlong reapers kaya naghintay muna kami para kay Harriss. Sinigurado din namin na wala kaming naiwang trace sa room na yun. Lalong lalo na ang fingerprints.

Harriss's Pov

Nang mapag usapan ang plano ay agad akong nagtungo sa control room. Pagdating ko dun ay agad kong pinatulog yung lalaking nakaupo sa harap ng screen. Hinack ko naman ang CCTV sa bawat sulok ng Hotel. Nakita ko din sa Screen ang pag alis ni Gab kasama ang matanda. At ang pag alis nina Joyce kasama ang mga tauhan ni Tanda. Maya maya pa ay nakita ko ng nagtungo sa parking lot sina Joyce. May CCTV kasi sa lahat ng entrance at exit ng parking lot kaya kita ko sila. Makalipas ang ilang sandali ay dumating na din si Gab at Charles. Kaya naman mabilis kong binura lahat ng copy ng CCTV Footage. At ibinalik ko naman sa dating ayos ang System nito kaya walang maghihinala. May tinurok naman ako sa lalaking natutulog sa sahig para makalimutan nya ang ginawa kong pagpasok dito at ang pagpapatulog ko sa kanya. advanced technology ang ginamit ko kaya naman simple nalang sa akin yun.

Nang maayos ko na lahat ko na lahat at agad akong tinungo ang parking lot. Saktong pagdating ko ay umalis na kami at umuwi para makapagpahinga. Ano ba yan? Akala ko pa naman mag eenjoy ako sa party na to Tss. Dibale na nga lang.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon