Harriss's Pov.
All this time kasama namin sa iisang paaralan ang aank 1. At sila pa yung mga nerds na binully namin noon. Damn. Malaking gulo to.
Kanina pa sila nag uusap pero hindi man lang ako makaimik. Tila nanunuyo ang lalamunan ko, kanina pa din ako lunok ng lunok ng laway. Hindi talaga ako makapag salita.
"Gusto naming kumampi kayo samin. Don't you think its a great idea? The Rank 1 and Rank 2 will ne as one?" Sabi ni Shea
"Wait wait wait... Hinay hinay nga lang! Una, kayo at ang mga nerds ay iisa. Tapos ngayon gusto nyong sumapi kami sa inyo? Ano bang kailangan nyo sa grupo namin?" Si Charles.
"Huwag na kayong magtanong. Sa tingin ko lang kasi ay mapapagkatiwalaan namin kayo, kung magtatanong pa kayo. Umalis nalang kayo" sambit nya.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin bago tuluyang magsalita si Lance.
"Okay. Sasapi na kami sa inyo"
What the heck? Malaking gulo to. Lalo na sa mga pamilya namin. At isa pa, iisipin ng ibang grupo na mahina kami kaya kami sumapi sa Rank 1. Tang ina!! Paano nalang kapag nalaman to ni Dad!!! Mayayari ako dun!! Bwiset.
"Okay. Then welcome to the group" sambit ni Gabrielle.
Inabot nya ang kamay nya kay Lance at nakipagkamay. So wala ng atrasan to? Sana lang maka survive kami lalo na kapag kumalat na ang balitang to.
"Huy!!! Bakit ang tahimik mo jan?!" Si Joyce.
Natuon naman ang atensyon nilang lahat sa akin. Pati sina Shea, James at Marky ay nakatingin na sa akin.
Nagtama ang paningin namin ni Shea na naging dahilan para mangilabot ako. Bawat pagtingin nya sa akin ay tila nagtataasan ang balahibo ko lalo na ngayon n nalaman namin na sya isa sya sa mga Dark Princesses. Ang mahigpit naming kalaban.
"Mukhang natatakot ka ha. Don't worry. Hindi kami nangangain ng tao noh" si Joyce ulit.
"Ako? Natatakot? Hindi ah!! Hindi palang talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon!" Sambit ko.
"Okay, chill ka lang. Masyado kang High blood haha" si Joyce na naman. Tsk.
"Tumahimik na kayo jan at mag uusap usap pa tayo. Tutal kasama na natin ang Devil phoenix lalong lumakas ang pwersa natin. At lalo na tayong gustong patayin ng iba pang gangster kaya mag ingat nalang tayo" si Shea.
"Aye aye!!!" Sabay na sabi nina Joyce at yung dalawang lalaki.
Ano yun? Sabay sabay? pinag usapan ba nila sa utak nila yun? Weird.
Pinaunlakan nila kaming sumabay na sa pagkain nila ng dinner kaya sumabay na kami sa kanila. Tutal gutom na din naman ako eh. Di pa kaya ako nakain ng lunch! Bwiset kasi yung mga Fans ko!!
Habang kumakain kami ay napapansin kong pinagmamasdan nila kami. Tsk. Nakakailang! Ano bang gusto nila? Bakit ayaw nalang nilang sabihin kaysa namam sa ganito? Tsk. Kanina pa sila tingin ng tingin ah. Oh baka naman, nabighani na sila sa kagwapuhan ko? Hirap talaga kapag gwapo. Kahit yung pinakamalakas nabibighani sa akin. Hahaha.
"Huy! Anong iniisip mo jan? Para kang abnoy! Kanina ka pa pangiti ngiti jan. Hahaha" si Joyce.
"Eh ano bang pake mo sa iniisip ko? Psh" sabi ko.
Nagpout lang sya. Bakit ganun? Bakit parang may naramdaman akong kakaiba? Tss. Weird.
Natapos na kami kumain, may tumawag sa cellphone ni Shea kaya naman lumabas muna sya para sagutin yun. Nilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng Mansion.
Ang ganda dito, ang laki pa. Mas malaki pa to kaysa sa Mansion namin. Magkano kaya nila to pinagawa? Ang ganda ng disenyo. Perpektong perpekto.
"Kung iniisip mo kung sino ang nagpagawa nito, well si Shea yun. Dinrawing nya tong bahay na to nung nasa US pa kami, at dito nya to pinagawa sa Pilipinas" Sabat ni Gab.
Wow. As in WOW!!! Seryoso? Ang ganda! Tang ina! Lalo tuloy ako humanga. Tsk.
Ilang sandali lang bumalik sya sa sala kung nasaan kami, napansin namin na medyo namamaga ang mg mata nya. Bakit kaya? Anong nangyari?
"Babalik ako sa US. Ilang linggo lang ako dun at babalik agad ako dito. Huwag kayong kikilos hangga't wala pa akong sinasabi" Sabi ni Shea.
"Ha? Bakit? Anong gagawin mo sa US? Anong nangyari at bakit ganyan ang mga mata mo?" Si Gab.
"Huwag na kayong mangialam. Ayokong madamay pa kayo sa gulong to. Basta sundin nyo lahat ng iuutos ko sa inyo" sagot nya.
"Pero teka lang! Will you give some clues kung ano ba talagang meron?" Si James.
Di na sila pinansin ni Shea at nagtungo na sya sa second floor ng bahay. Nanatili kaming tahimik dito dahil palaisipan pa din sa amin kung ano ba talagang nangyayari.
Maya maya ay bumaba na sya dala ang isang maliit na Maleta. So aalis talaga sya? Wala man lang kaming ideya kung anong nangyayari.
Sinubukan syang habulin nina Gab at Joyce pero pinigilan namin sila. Kung ano man nangyayari magtitiwala nalang kami sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/99275972-288-k273799.jpg)
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
ActionShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.