Chapter 41: Back to the Philippines

7.4K 163 5
                                    

"Welcome back!!" Sabi ni Lance pagkababa namin ni eroplano

"Mamaya kama mag-celebrate. Inaantok nako" sabi ko sa kanya.

"Inaantok?! Kakagising mo lang ah" sabi nya.

"Bilisan mo nalang ang kilos" sabi ko sa kanya at sumunod naman sya.

Naglakad na kami palabas. Wala dito sina Joyce dahil hindi namin sinabi sa kanila na uuwi kami. Sana lang maayos ang bahay pag uwi namin.

Paglabas namin ng airport, sinalubong kami ng isang limousine. Napag alaman ko na nagpasundo pala si Lance. Buti nalang. Pagkasakay namin ay nanatili lang akong tahimik dahil inaantok na talaga ako. Gusto ko ng matulog.

Ilang sandali pa ay nakarating sa kami sa tapat ng mansion. Nasa labas pa lang kami ng gate rinig na namin ang ingay nila.

I sighed. Sana hindi magulo ang bahay. Hindi nakalock ang gate pero mabilis lang iyon nabuksan ni Lance. Pagbukas namin ng pinto. Nahinto sila sa ginagawa nila at napatitig sa amin. Nang makarecover sila ay agad silang sumigaw at tumakbo palapit sa amin.

"Shea!!" Sigaw ni Joyce.

"Pre!! Hinahanap ka namin magkasama lang pala kayo?! Anong ginawa nyo?!" Sabi ni Harriss.

"Ano pre?! Nakabuo na ba?!" Sabi ni Charles.

"Ano Shea? Magiging Ninang na ba kami?" Sabi ni Gab.

"Sumagot ka Shea!!" Sabi ni Marky.

"Umimik ka!!" Sabi ni James.

Dahil inaantok at naririndi na ako ay kumuha ako ng dagger sa bulsa ko at tinutok sa kanila.

"Isa pang tanong! Paduduguin ko yang bungangan nyo!" Sabi ko.

"Ang dudumi ng isip nyo. Tsk tsk" sabi ni Lance.

"Eh san naman kasi galing yang Lance na yan? Sumama sayo?" Tanong ni Gab.

"Sinama ko sya, dahil para alamin kung mapagkakatiwalaan nga ba sya. Sumama na din sya sa training ko" mahinahong sagot ko.

"Tara sa GW mamaya! Magcecelebrate tayo!" Wika ni James.

"Go ako jan! Sabi ni Lance."

Hindi ko na sila pinansin at naglakad na patungo sa kwarto ko. Buti walang alikabok dito. Mukhang nililinis nila to kahit wala ako. Patalon akong humiga sa kama at natulog.

Nagising ako dahil sa ingay nila sa baba. Tumingin ako sa wrist watch ko na hindi ko pala natanggal sa braso ko. 6:15 na. Siguro naghahanda na silang pumunta sa GW. Kaya naman naligo ako at nag ayos. Nag croptop ako na black at black leather jacket. With black pants at black boots.

Favorite ko ang black sya puro black ang gamit ko. Pagdating ko sa sala, nakita ko silang lahat na ayos ayos.

"Sabi sa inyo sasama sya e" sabi ni Lance.

"Oh game! Tara na!" Masayang sigaw ni Joyce.

Napagdesisyunan naming gumamit nalang ng isang sasakyan. Paglabas namin, may naramdaman akong parang nagmamasid kaya naman agad kong nilibot ang paningin ko. Napadako naman ang tingin ko kay Lance na ngayon ay nakatingin din sa akin. Parang naramdaman niya din ang naramdaman ko.

"Uhh.. Guys. Magpapaiwan pala muna kami ni Shea" sambit ni Lance.

"Ano namang gagawin nyo? Gagawa kayo ng milagro?" Sabi ni Joyce.

"Ang dudumi ng isip nyo! Sumama kana Lance! Ako ng bahala dito!" Sigaw ko at dumerecho na sa motorbike ko. Alam kong aangal sya kaya naman pagkasakay na pagkasakay ko ay pinaharurot ko na agad ito

Maglilibot ako sa buong village ngayon. Tsk. Bakit ba parang kinakabahan ako sa ngayon? Parang pakiramdam ko may nangyayaring masama.

Nakarating sa dulong bahagi ng village. Madilim na dito at walang kabahay bahay. Ang balita ko magpapatayo pa lang sila dito, iikot na sana ako pabalik nang harangin ako ng 5 pang nakamotorbike. Saan sila galing? Hindi ko man lang narinig ang kaluskos nila.

Agad kong hinugot ang baril sa tagiliran ko, kaya lang nauna sila at binaril ako sa balikat.

Pakiramdam ko namanhid ang balikat ko pero hindi ko ininda yun. Pinagbabaril ko sila hanggang sa may naramdaman akong tumusok sa leeg ko at dahan dahan na akong nawalan ng malay.

Someone's Pov

"Boss. Eto po yung cellphone niya" sabi sa akin ng tauhan ko na kumuha kay Shea. A.k.a Mysterious Princess.

Agad kong tinext ang anak ko gamit ang phone ni Shea. Pero syempre nagpanggap akong si Shea.

'Magtungo kayo sa pinakadulo ng Village. May makikita kayong poste dun na sira ng ilaw. May ipapakita ako sa inyo. Isama mo lahat'

Message Sent!

Matatapos na lahat ngayon. At sisiguraduhin ko yun. Sabi ko sa isip ko sabay smirk.

Lance's Pov.

Kinuha ko ang phone ko dahil naramdaman kong nagvibrate ito.
Binuksan ko ang message at nakita ko ang text ni Shea. Nang mabasa ko ang text ay agad akong humarap sa mga kasama ko.

"Tara daw. May ipapakita si Shea" sabi ko.

"Ano ba yan? Kakarating lang natin ah" sabi ni Harriss.

"Edi maiwan ka dito. Tara na guys" wika ko pero sumama pa din sya sa amin. Tsk.

Nandito na kami sa may poste ngayon pero wala si Shea. Asan kaya yun? Sya ang nagpapunta dito sa amin ah?

Maya maya pa ay may pumalibot sa amin. Shit masyado silang marami. Wala kaming dalang armas.

Nakipaglaban kami sa kanila pero bigo kaming manalo laban sa kanila masyadong marami. Naramdaman kong may tumusok sa leeg ko at nawalan na ako ng malay.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon