Shea's Pov
Kinuha ni Joyce yung dagger nya at ibinato malapit sa akin. Napatingin ako kung saan tumama yung dagger at dun ko nakita yung lalaking nakaupo na ngayon sa sahig, nakatalikod sya kaya naman nakita ko yung black rose sa batok nya. Tumakbo kami palapit sa kanya.
"Who the hell are you?" Si Marky.
"Aaarrgghh!!!" Daing nya dahil dun sa dagger na nasa binti nya.
Hinawakan ko yung dagger at hinugot, pero sinaksak ko ulit yun sa kabilang binti nya.
"Magsalita ka kung gusto mo pang makalakad" sabi ko.
"Aarggh!! Patayin nyo nalang ako!!" Sabi nya.
Hinugot ko ulit yung dagger nya at sinaksak naman sa braso nya. Narinig ulit namin ang pagdaing nya.
"Not so fast mister. Answer our question" sabi ko.
"Wala akong sasabihin!!" Sabi nya.
"Well then, Marky and James buhatin nyo sya at dalhin sa storage room sa bahay ni Joyce" sabi ko.
May bahay si Joyce. Meron naman kaming lahat pero sa mansion ko lang talaga sila nakikitulog kasi nga malapit sa University.
"Aye aye!" Si James
"Buti nalang talaga at wala ng tao dito kundi yari tayo" si Joyce.
"Gab. Tawagin mo sila, tell them na nilinisin nila tong kalat" sabi ko.
Nilabas naman ni Gab ang phone nya at agad tinawagan ang ilan sa mga Alonzo Mafias.
May ilang mafias nga din na isinama sila James pero hindi sila sa mansion ko nakikitira.
Lumabas na kami ng mall at nagpunta sa parking lot
"Huhuhu!! Kawawa naman tong Car ko!! Nadumihan na!" Si Marky.
"Shut up Marky. Mag-drive kana lang" si Gab.
Sumakay na kami at agad na nagtungo sa bahay ni Joyce. Binuhat naman nina James yung lalaki at iniupo sa storage room. Tinalian din nila ito sa paa at kamay.
Si Joyce ay kumuha ng dart at pinatamaan ang yarget na nakalagay sa pader. Si James at Marky naman ay nasa mesa at inilapag nila lahat ng weapons na dala nila. Si Gab naman ay nasa sofa at kaharap ang laptop nya.
Ang storage room na ito ay di basta basta storage room. May secret passage dito na patungo sa weaponry sa ilalim ng Lupa. Meron ding underground passage papunta sa mansion ko at sa bahay ni Gab. Pero syempre may sasakyan din sa loob ng secret passageway na yun kasi nga malayo layo ito sa mansion ko at mansion ni Gab. Nagiging tambayan din namin to kapag may mission kami dito sa Pilipinas kaya naman may mga gamit na.
Hinarap ko naman yung lalaki na duguan na at mukhang hirap na hirap na, kumuha ako ng dagger sa lamesa.
"Speak" sabi ko.
"Wala akong sasabihin!" Sabi nya.
"Ernesto Domingo, 36 years old. May tatlong anak and his wife is dead bacause of Cancer. Ang panganay nyang anak ay nagttrabaho sa isa sa mga Kumpanya mo Shea." si Gab.
Tila lalong namutla ang mukha nung lalaking nagngangalang Ernesto. At nagttrabaho pa pala sa akin ang anak nya ha?
"Gab. Tell the mafias na patayin ang mga anak ni Ernesto" sabi ko.
"Huwag!! Huwag ang mga anak ko!! Pakiusap!" Sabi nya.
"So, magsasalita kana ba?" Si Joyce habang tinatarget pa rin yung nasa Pader.
"Oo na! Magsasalita na! Just leave them alone" si Ernesto.
"Ikaw ba ang nagpasabog sa mall?" Si Gab.
"O-oo ako nga" sagot nya.
"Bakit ka nagpasabog?" Si Joyce.
"Para patayin ang mysterious Princess"
"Kilala nyo na ba kung sino sya?" Si James.
"H-hindi pa. P-pero ngayon mukhang alam ko na"
"Anong alam nyo sa kanya?" Sabi ko.
"Ang alam ko lang ang ay violet ang mga mata nya. Pero sinabi sa akin ng kagrupo ko na nagsusuot sila ng contact lenses para di sila makilala"
"Sino si mysterious Princess? Alam na ba nila?" Si Marky.
"Ngayon ang alam ko lang ay isa sya sa inyo. Pero di pa nila ito alam"
"So, hindi pa pala nila alam kung sino talaga tayo! Hahaha" si Joyce.
"Dahil papatayin kana naman namin hayaan mo kaming magpakilala" si Gab.
Inalis naming tatlo ang glasses at contact lenses namin. Well di naman nya makikilala tong dalawang to kasi nga hindi pa sila nagpapakita dati sa mga tao na walang contact lenses.
Napako ang mata sa akin ni Ernesto. "Ikaw ang mysterious Princess?" Tanong nya.
"Precisely" sabi ko. Matapos kong sabihin yun ay binaril na sya ni Joyce sa Ulo.
"Mag-celebrate tayo!! Di pa pala nila alam kung sino talaga tayo!!" Si Joyce.
"Yeah right!!" Si James.
Sinuot ulit namin yung disguise namin. Paalis na sana kami ng pigilan kami ni Joyce
"Hoy!! At sino ang paglilinisin nyo dito?! Ako?!" Si Joyce.
"Call the Mafias" si Gab.
"Tss!! Kainis!" Si Joyce.
"James, Marky dalhin nyo na ang sasakyan nyo sa mansion. Sa secret passage na kami dadaan. Kukuha kami ng supplies sa weaponry" sabi ko.
"Okay." Si Marky.
Umalis na yung dalawa. Si Joyce naman ay tumawag sa mga sa Mafias para paglinisin. Nang matapos sya at nagtungo na kami sa passageway. Tinype namin dun ang Code at agad naman itong bumukas. Nagpunta kami sa weaponry. Fingerprints namin ang code dito kaya dinikit ko sa Scanner ang mga daliri ko kaya nagbukas na din yun.
Iba't ibang armas ang laman ng weaponry na to. May mga device pa na inimbento ng tatay ni Marky. May mga daggers, shurikens, katana, iba't ibang klase ng mga baril, Iba't ibang pampasabog at iba't ibang devices.
Kumuha kami ng ilang baril. Pagkatapos ay lumabas na kami. Gaya nga ng nabanggit ko, may sasakyan dito dahil malayo layo ang mansion. Kaya naman sumakay na kami dun at nagtungo na sa mansion. Ang sasakyan na ginamit namin ay inimbento din ng tatay ni Marky. Sobrang bilis nito. Nasa malapit na kami sa Mansion ay In-off ko lahat ng traps, ginawa nila ito for emergency purposes. Muli kong Iniscan ang fingerprints ko upang magbukas ang daanan patungo sa storage room ng mansion ko. Iniwan namin ang sasakyan sa secret passage. Sinara na namin ang secret door ng makapasok na kami sa storage room sa aking mansion.
Nagpunta kami sa living room, pero wala pa sina James at Marky.
"Tara na sa GW." Si Joyce.
"Go. Magbibihis lang ako" Si Gab.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagsuot lang ng black pants and white hanging blouse na hanggang pusod ko. Pinartner ko ito sa black boots ko. Inalis ko ang disguise ko at isinuot ang Disguise ko bilang dark princess. Nang matapos na ako ay bumaba na ako sa living room, Nandun na din sina James at Marky nagsuot sila ng mask para walang makakilala sa kanila. Naka-disguise na din sina Gab at Joyce bilang Black Crystal at Pink Diamond. Lumabas na kami sa Mansion ay sumakay na ako sa Icon Sheene ko. Si Joyce naman ay sa MV Agusta F4CC nya. Si Gab naman ay sa NCR Macchia Nera, Sina James naman ay inangkas si Marky sa kanyang Vyrus 987 C3 4V nya.
(Nasa taas po yung po yung pictures ng Motorbikes nila, Nasa side po ng Picture yung name po nila Thank you.)
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
ActionShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.