Chapter 13: Bullies

10.5K 242 3
                                    

Nakapasok na kami ng room nang biglang...

Pinagbabato nila kami ng itlog!! Si Shea yung nasa pinakaunahan naming dalawa kaya sya halos lahat ang sumalo nun. Alam kong wala sa mood si Shea dahil sa kinikilos nya. At imposible namang di nya naramdaman na babatuhin nia kami dahil pinag aralan namin sa training yun.

Bumuntong hininga lang si Shea bago sya umupo sa upuan. Grabe. Parang wala lang? May mga itlog pa rin naman sa katawan at damit namin ni Joyce pero mas Madami at mas malala yung kay Shea. Shit. Kapag nag overheat ang ulo neto katapusan na ng mundo!

Umupo sya sa upuan nya na parang wala lang. Kinuha nya pa nga ang Headset nya at sinalpak sa tenga nya. Pinikit nya ang mga mata nya.

Nagtawanan ang mga kaklase namin. Yung iba pa nga ay nakahawak pa sa kanilang tiyan habang tumawa. Biglang nagsalita si Shea.

"Don't dare to mess with me. Pagsisisihan nyo tong ginawa nyo sa amin" sambit nya.

"Oh I'm scared!!" Wika ng kaklase namin.

"Hahahahahha" tawa nila.

"Haha Si nerd oh!! Nananakot!!" Yung isa pa naming kaklase.

"Haha. Yeah right!! Magaganda lang ng mga mata nyo pero di kayo magagaling!!" Sabi pa ng isa.

"Quite" mahinahong sabi ni Shea.

Oh God! The end of the world is near. Ayokong madamay sa galit ni Shea kaya naman di na ako nangialam. Tiningnan ko naman si Joyce na nakangisi na ngayon sa mga kaklase namin. Saglit nalang at magkakagulo na.

"Tang ina mong nerd ka!!" Sabi nung isa.

"Layuan nyong tatlo ang Devil phoenix! You slut!!" Sigaw pa ng isa.

"Bitch!" Sabi ng isa.

"Whore!!" Sabi ng isa.

Alam kong nagtitimpi na si Shea. Ayoko ng makita yung susunod na mangyayari kaya naman umupo na ako sa upuan ko.

Shea's Pov.

Nanggagalaiti na talaga ako. Damn!! Hindi nila ako kilala! Mga hayop sila!!

Padabog akong tumayo. Hinampas ko ang table ko gamit ang kamay ko. Nag-crack naman yung table ko sa lakas ng pagkaka-hampas ko. Narinig ko pang nag WOAH!!! yung mga kaklase ko.

"May ibabatbat naman pala tong isang to eh!!" Sabi ng isa.

Sinugod ako ng isang babae na mukhang sasabunutan ako pero yumuko ako at tinilapid sya. Napasubsob naman sya sa sahig na ikinatawa ng lahat ng kaklase namin.

"I said don't you dare to mess with me!! You don't even who am I!! At di nyo rin alam kung sino kaming tatlo!! Kaya pagsisisihan nyo ngayon ang ginawa nyo!!" Sigaw ko habang nakakuyom ang kamao ko.

Shit. Di ko na makontrol ang galit ko. Baka mamaya lang may mapatay na ako na isa sa kanila. Nakita ko si Gab na nakaupo lang sa upuan nya. Si Joyce naman natahimik sa isang tabi.

"Oh I'm scared!! Hahaha" sabi ng kaklase ko.

Puno na ako. Punong puno na ako. Tang ina. Inalis ko ang makapal na Eye Glasses ko. Tiningnan ko sila isa isa ng nakakamatay na tingin yung iba sa kanila ay nasindak. Yung iba naman ay nakangisi, habang yung iba humahalakhak.

"Yari kayo! Hahaha" sigaw ni Joyce.

"Okay fine. Pinilit nyo talaga ako ha?" Sabi ko.

Kumuha ako ng isang upuan at marahas na inihagis sa kanila. May ilan na natamaan na ngayon ay nagpapagulong gulong na sa sahig dahil sa sakit.

Nasira din yung upuan na naihagis ko. Tiningnan ko naman ng iba na hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Who's next?" Sambit ko habang nakangisi.

Wala ng umimik. Bumalik na sila sa upuan nila at umasta na parang walang nangyari. Habang yung natamaan naman ng upuan ay dinala na ng iba sa clinic.

Argh!! Nakakainis!! Matapos nung ginawa nila? Aakto lang sila ng ganyan? Tumingin ako kina Joyce at Gab at sinenyasan ko sila na sumunod.

Agad naman nilang kinuha ang mga gamit nila at naglakad palapit sa akin. Kinuha ko na din ang gamit ko.

Nagpunta kami sa music room. Walang tao dito ngayon at isa pa maaliwalas dito.

"Grabe!!" Sabi ni Joyce.

Umupo na sila sa bench, ganun din naman si Gab.

"They mess with the wrong person" sabi nya.

"Enough, wala nalang munang papatol sa kanila. Mag-focus tayo sa mission natin. Ang pagpatay sa grupong pumatay sa kuya ko. " sabi ko.

"Aye aye!!" Wika ni Joyce.

Pumunta ako sa comfort room para makapagbihis. Buti nalang at lagi akong may dalang damit. Nang makapagpalit na ako ay pumunta na ako sa parking lot. Nawalan ako ng ganang pumasok. Ako lang mag isa ngayon dahil pinauna ko na sina Joyce at Gab sa classroom. Sina James naman ay hindi pumasok dahil tinatamad daw sila.

Nagsindi ako ng sigarilyo at nag umpisa ng mag-yosi.

"Cigarette is bad for the health"

Napatingin ako sa nagsalita. At dun ko nakita si Lance, nakasandal lang sya sa kotse nya at naka-cross Arms.

"What are you doing here?" I said.

"Hmm.. Nakatambay?" Sagot nya.

"Tsk" i said.

"Huwag kang manigarilyo dito. School to noh."

"Pakihanap ng pakialam ko ha?" sagot ko.

Tsk. Napaka-pakialamero. Hindi ba sya pwedeng manahimik nalang? Tahiin ko kaya bunganga nya? Pinapangaralan pa talaga ako. Argh!

"Bahala ka, ikaw din" sabi nya bago umalis.

I sighed. Buti naman at umalis na sya. Damn. Saan kaya ako tatambay ngayon?

Pasakay na sana ako ng scooter ko ng biglang mag-ring ang lhone ko. Tiningnan ko ang screen nito. Unregistered number yung tumatawag. Kumunot yung noo ko bago ko ito sagutin.

"Who the fuck is this?" Sabi ko.

["Chill Boss!! Si James to!! Hindi mo pa pala sinasave number ko? Ouch naman!"]

"What do you want?" Sambit ko.

["Umuwi kayo ngayon dito sa mansion. May ibabalita ako sa inyo"]

"Bakit hindi pa ngayon?"

"[Mabuti na yung sa personal para mapag-planuhan natin to ng maayos."]

"Okay sige. Papunta na ako" i ended the call.

Dinial ko naman agad ang number ni Gab.

["Hello, Shea?"]

"Go home now. May pag uusapan tayo, isama mo na din si Joyce bilisan nyo. I'm on my way" hindi ko na inintay ang sagot nya at mabilis ko siyang binabaan ng tawag.

Sumakay ako sa scooter ko at pinaandar na yun pauwi. Damn. Ang bagal ng scooter na to!

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon