Marky's Pov.
Nandito kami sa cafeteria kasama si Heaven. Oo kasama sya, nililigawan na ata sya ni James e. Psh. Pero boyish ang type ko hindi binibining Pilipina. Hahaha.
Habang kumakain kami ay may dumating na babaeng kamukhang kamukha ni Heaven. May bubble gum sya at astig pumorma. Yan ang type ko! Haha.
"Oh. Hailey, anong ginagawa mo dito? Sabay kana samin" Sabi ni Heaven.
"Ate. Sabay na tayong umuwi mamaya ha?" Sabi nung babae na nagngangalang Hailey daw.
"Ay. May lakad kami mamaya eh." sabi ni Heaven.
"Sige. Okay lang" sabi ni Hailey.
"Sandali miss.. Sumabay kana samin kumain" singit ko.
"Tss. Bro di tayo talo" sabi ni Hailey kaya napatawa nalang sina Charles.
"Ha? Ang advance mo naman masyado" sabi ko.
"Di ako advance. I'm just stating the fact, tsaka obvious kana masyado" sagot nya sabay alis.
"Booomm!! Panes!! Hahaha" Sabi ni James.
"Tsk. Ang sungit naman nun. Sino ba yun?" Tanong ko habang kumakain.
"Kambal ko. Haha" sabi nya kaya nabuluan ako.
"Kambal mo?! Kabaligtaran ang ugali mo ang ugali nya ah. Haha. Buti nagkakasundo kayo?" Sabi ko.
"Oo naman no haha. Sobrang close kami nyan haha. Di naman sya ganyan dati eh" sabi nya.
"Eh bakit nagkaganun yun ?" Tanong ko.
"Broken hearted. Simula nung lokohin sya nung ex nya, nagkaganyan na yun" paliwanag nya.
"Tss. Nagagawa nga naman ng pag ibig." Sabi ko.
Nagkwentuhan lang kaming pito bago bumalik sa classroom. Si James inihatid muna si Heaven kaya nauna na kami sa kanya
Fastforward....
Tapos na ang klase. Lahat sila may date. Tang ina. Tss..
Buti dinala ko yung kotse ko. Nagdrive ako mag isa pauwi. Pero malapit nako sa village namin nang mag makita kong pamilyar na bulto ng babae sa park.
Bumaba ako at inaninag ko yung babae. Nakaupo sya sa swing at nakayuko. May hawak din syang red horse.
'Teka. Heaven?' Sabi ko sa isipan ko.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa swing sa katabi nya.
"Umiinom ka pala? Akala ko may date kayo ni Harriss? Anyare? LQ?" Tanong ko.
Tumingin sya sa akin nag may luha pa sa kanyang mga mata.
"Tss.. I'm Hailey. You idiot" sabi nya sa pagitan ng paghikbi nya.
Di ko alam kung bakit pero nasasaktan ako kapag nakikita ko syang ganito. Damn.
Tumungga sya ng red horse kaya inagaw ko na yun.
"Tama na yan" sabi ko at binuhos sa lupa ang laman ng bote ng red horse.
"Ganyan naman kayong lalaki! Sa una lang kayo pakialam! Pero kapag nakuha nyo na gusto nyo! Mang iiwan kayo! Mga bwiset!" Sabi nya at tumayo na sya.
Pagewang gewang syang naglakad papunta sa kotse nya. Teka, magddrive sya ng lasing?
Hinabol ko sya at inalalayang maglakad.
"Tss. I'll drive you home" sabi ko.
Nagulat ako nang higitin nya ang batok ko at sinisil ako ng halik. Naitulak ko sya kaya naman muntik na syang bumagsak. Buti nalang at mabilis ko syang naalalayan. Nang di na nya kayang maglakad ay binuhat ko na sya at dineretso sa kotse ko.
Tss. Saan ba kasi nakatira itong babaeng to?
Isinakay ko na sya, ako naman ay nagtungo na sa driver's seat. Niyugyog ko sya ng kaunti
"Hmmm?" Sabi nya.
"Saan kita ihahatid?" Tanong ko.
"Sa condo ko. Jan sa kabilang kanto. R-room 124" mahinang sambit nya.
Pinaandar ko na ang kotse at nagpunta na sa condong sinasabi nya. Nang makarating na kami ay binuhat ko sya ng parang bridal style. Nagtanong ako sa front desk ng direksyon. Nang maituro na nya ay agad akong sumakay ng elevator.
Nasa tapat na kami ng condo nya. Gigisingin ko dapat sya para sa susi. Pero nung inikot ko ang doorknob, nagbukas ito. Tss.. Di ba sya marunong maglock?
Buti din nakabukas ang pinto ng kwarto nya kaya mabilis ko syang naihiga dun. Pero pagkababa ko sa kanya ay hinigit nga ang kwelyo ko kaya muli na namang nagdikit ang aming mga labi.
Kumalas ako ng halik pero hinihila nya ang batok ko. "Shit! Nag iinit na ako" sabi ko sa pagitan ng mga halik namin.
Kumalas sya at tumingin sa akin. "Make love to me" mahinang sambit nya. Damn. Lasing lang sya okay? Marky lasing lang sya.
Hinubad ko na ang sandals na suot nya at kinumutan ko na sya. Pero hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan. "Make love to me" hinigit nya ako kaya napadapa ako sa kanya. Damn! Ang lakas naman nya?!
Sinisil nya ako ng halik. Nakisabay lang ako sa agos. Naglakbay na ang mga kamay ko sa parte ng katawan nya. Unti unti kong tinatanggal ang butones ng damit nya. At hinuhubad din naman nya ang suot ko. Until we both naked. And for the whole night. We make love...
Nagising ako at nakita ko si Hailey na nakaupo habang yakap ang mga tuhod nya. Balot na balot din ng kumot ang katawan nya. Tulala lang at umiiyak. Hanggang sa bumulong sya.
"Naulit na naman" sabi nya at tuluyan na syang humagulgol sa pag iyak
Hahawakan ko sana sya sa balikat kaso biglang nagbukas ang pinto.
"Waahhhh!! Magbihis ka nga Marky!!" Sigaw ni Heaven at lumabas ng kwarto.
Kinuha ko ang mga damit na nagkalat sa sahig. Pinulot ko na din ang damit ni Hailey ay ibinigay sa kanya. Ngunit nanatili lang syang nakatulala. Ako naman ay nagbihis na at lumabas ng kwarto.
Nakita ko si Heaven na nakaupo sa sofa sa sala nila.
"Bakit naging ganun yung reaksyon ng kapatid mo? Samantalang sya naman ang nagyaya?" Tanong ko.
"Gusto mong malaman ang totoo? Di naman sya ganyan dati eh. Babaeng babae sya kumilos dati. Nagbago lang sya nung dumating yung lalaking yun" sagot nya.
"Lalaki?" Tanong ko.
"Oo. Boyfriend yun ni Hailey dati. Nung nalaman nya na nasa fieldtrip ako at di sumama si Hailey. Nagpunta sya dito sa condo. Sabi sakin ni Hailey, hinaluan daw ng pampatulog yung Juice na nainom nya. At yun, narape sya at di na muli pang nagpakita yung lalaki" sabi nya.
Napakuyom na lamang ako ng kamao. Napakagago naman pala yung lalaking yun eh!
"Anong pangalan nung Lalaki?
"Paulo Manalo" sambit nya.
"Tss. Pananagutan ko si Hailey. Ako nang bahalang magparusa sa walang hiyang lalaki na yun!" Sabi ko at lumabas na ng condo.
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
ActionShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.