Chapter 28: First Kiss

9K 218 1
                                    

Shea's Pov

"Do you know her?" Tanong ko.

"Di ako sure. Pero yung kapangalan nya si Mom."

Nanatili lang syang nakayuko at tila malalim ang iniisip. Nabanggit din nya na ibang apelyido ang ginagamit ng Mommy nya kaya hindi malabong ang Mommy nya at yung Samantha na leader ng black mafias ay iisa.

Hinayaan ko na muna syang mag isip at nagtungo na ako sa motor bike ko. Uumpisahan ko ng mag imbestiga.

Tumawag ako ng ilang mafias para utusang maglinis nung katawan ni Lhea. Ako naman ay pinaharurot na ang motorbike ko at umuwi na.

Nang maipark ko na yun sa garage ay nagtungo ako sa kwarto at kinuha ang laptop ko. Binuksan ko ang isang mafia website at sinearch ang pangalan ni Samantha.

Walang lumabas na Information nung Sinearch ko yung pangalan nya. Damn. Talagang nag iingat sya ah?

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako agad nun. Bumungad sa akin si Lance. Naka-half naked at basa pa ang buhok, at tanging towel lang ang nagsisilbing takip sa ibabang parte ng katawan nya.

Agad akong napatalikod at napatakip ng mga mata.

"Ano bang ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya.

"Nasira kasi yung shower sa guest room. Pwede bang makiligo dito?" Wika nya

"O-oo na!! Pumasok kana sa CR jan! Bastos ka!!" Sigaw ko.

"Ang OA mo." at naglakad na nga sya papuntang Cr ng kwarto ko.

Lance's Pov.

Ilang minuto simula nung umalis si Shea ay dumating yung ilang mafias para maglinis ng kalat.

Nakaramdam na din ako ng panlalagkit sa katawan ko dahil sa pawis kaya napag desisyunan kong umuwi na para makaligo.

Dumeretso ako sa guest room at naligo. Pero na sa kalagitnaan pa lang ako ng paliligo nang huminto ang tubig sa Shower. Kinuha ko ang towel ko, naalala kong katabi ko nga lang pala yung kwarto ni Shea kaya naisip kong makiligo nalang sa kanya. Wala naman sigurong masama diba?

Nagtapis ako ng twalya bago lumabas. Pinihit ko ang doorknob at nakita ko syang nakaupo sa study table nya at kaharap ng laptop. Agad syang napatingin sa akin at tila namula sya nang makita ang ayos ko. Agad syang tumalikod at nagtakip ng mga mata.

Sinabi kong nasira yung shower kaya dito na muna ako makikiligo pero buti nalang at pumayag sya. Napangisi ako nang makita ko ang reaksyon nya.

Nang makapasok ako sa Cr ay inalis ko na yung tkwel at binuksan ko na ang shower nya. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng shower at nakita ko kung gaano kaayos ang mga gamit dito. Mabango din ang Cr nya.

Amoy cherry mint. At nung maisip ko na dito sya naliligo ay parang nag init ang pakiramdam ko. Damn! Masama to! Nagbabad pa ako ng konti sa Cr bago tuluyang lumabas.

Paglabas ko ng Cr nakaupo pa din sya at kaharap pa din nya yung laptop nya at tila malalim ang iniisip.

"Hey I'm done" wika ko.

"O-okay lumabas kana" wika nya habang nakaharap pa din sa laptop nya.

Hindi ko alam kung paano ako naglakad papunta sa kanya. Nakita ko nalang ang sarili kong nakayuko sa harap nya at sya naman nakatingala. Bahagya syang namumula kaya napangiti ako. Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya hanggang sa magtagpo ang aming mga labi.

Parang may kung anong naglalaro sa tiyan ko dahil sa ginagawa ko. Hinalikan ko sya ng banayad hanggang sa maramdaman kong nagrerespond na sya sa bawat pag halik ko.

Nang hinapit ko ang bewang nya ay agad nya akong tinulak. Nakita ko ang mukha nyang bahagyang namumula kaya napangisi muli ako.

"Uhmm.. That was... That was.." Bago pa man nya matapos ay pinutol ko na sya.

"That was amazing" wika ko kaya napatingin sya sa akin. Tumayo naman sya at lumapit sa akin.

Nang makalapit na sya ay sinuntok nya ang sikmura ko. "Shit!!" Wika ko habang dumadaing.

"That was my first kiss!! Idiot!" Sigaw nya.

Nang mawala ang sakit ng sikmura ko ay tumayo ako ng maayos at hinarap ko ulit sya. "I'm happy to be your first" pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng kwarto nya at nagtungo sa kwarto ko.

Shit!! Paano ko nagawa yun?! Tss.

Nagbihis nalang ako at bumaba sa kusina para maghapunan. Tanging si Tito lang nasa dinning area nang makarating ako dun.

"How's your mission?" Wika ka.

"Hmm. Great? I guess." Sagot ko sa kanya.

Maya maya ay dumating na si Shea, hindi sya makatingin sa akin at bahagya pa syang namumula. Ganun ba talaga Ka-big Deal sa babae ang first kiss? Well. first kiss ko din naman yun ah.

Hindi ko na sya pinansin dahil baka mailang lalo sya sa akin. Pero bakit ko nga din ba yun ginawa? Kusang gumalaw ang katawan ko nun at di ko yun makontrol. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang alalahanin ko ang mga nangyari. Nanatili akong tahimik hanggang sa matapos na ako sa pagkain ko at dumeretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.

Shea's Pov.

Hindi ako makatingin kay Lance kanina dahil sobrang naiilang ako. Damn! Kinuha pa nya ang first kiss ko!!  Tsk! Pero may parte sa akin na natuwa sa ginawa nya. Tang ina!! Bakit ganito?! Napahawak ako sa tiyan ko nang madamdaman kong parang may kung anong lumilipad sa loob nito. Psh.

Nasa kwarto ako at inaalala ko yung nangyari kanina. Shea naman kasi! Bakit ka nagpadala?!

Humiga na ako sa kama ko at pinilit na wag isipin ang nangyari. Kiss lang yun okay? Kiss lang.

Humiga na ako sa kama ko at natulog.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon