Shea's Pov
Tapos na ng training namin. Sumasabak na kami ni Lance sa mga mission. At ngayon, nandito kami sa kwarto ko sa dojo para pag usapan ang gagawin sa susunod na target namin.
Nilabas ni Lance ang isang blueprint ng isang condominium kung saan naka-check in ang target.
"May underground passage dito na di masyadong ginagamit. Doon tayo dadaan para makapasok sa building. Maraming guards ang nakabantay sa labas ng condo unit nya. Kaya kailangan mong itago yang mga mata mo" paliwanag nya.
Habang nagttraining kami ay nalaman ko na may demonyo pala sa loob ko. Sya si Midnight. Yung kay Lance naman ay si Hades. So inshort, mas malakas sakin ang lalaking to.
"May inutusan na ako na mag-hahack ng CCTVs sa buong building. May mga tao din tayo na magpapanggap na body guards. At vacant yung unit sa kabila ng unit nya kaya naman binili ko na yun"
Nanatili akong tahimik. Wala naman kasi akong masabi eh.
"Do you understand?" Tanong nya.
Humiga ako sa kama at nag unat.
"Yeah yeah. I get it" sabi ko.
Pinatong ko yung braso ko sa mga mata ko at pumikit. Pero wala pang isang minuto ay hinila nya yung paa ko.
"Ano bang problema mo?!" Singhal ko.
"Mamaya kana matulog! Nagpplano pa tayo oh!" Sigaw nya.
Di ko sya pinansin sa halip ay pinatong ko pa yung unan sa mukha ko.
"Tsk! Ayaw mo bumangon ah?" Sabi nya.
Hanggang sa naramdaman ko ang paghila nya sa paa ko pababa ng kama.
"Babangon ka o ihuhulog kita?!" Sabi nya.
"Tsk" sabi ko at bumangon na. Bwiset na lalaking to. Di ba sa kanya uso ang salitang pahinga?
"Oh. Game na. So, sa katabi ng unit nya tayo maghahand-" di ko na sya pinatapos.
"Magpahinga naman tayo! Alas 12 na ng madaling araw no?!" Sabi ko sa kanya at binato sya ng unan.
"Psh. Okay fine. Di mo ako kailangang batuhin ng unan" sabi nya at niligpit na yung blueprint.
"Bukas ng 6am. Magjojogging tayo paakyat at pababa ng bundok okay?" Sabi nya at umalis.
Teka? Tama ba narinig ko? Paakyat at pababa ng bundok? Bwiset! Para saan yun?! Tss. Magjogging sya mag isa!! Sabi ko at humiga na. Niyakap ko din ang teddy bear ko.
"Gising na!!" Nagising ako sa sigaw at paghagis sakin ni Lance ng unan.
"Punyeta! Paano ka nakapasok dito?!" Tanong ko.
"Hindi mo nilock pinto mo paglabas ko kahapon e. Hahaha yan tuloy!" Sabi pa nya.
"Anong oras na ba?!" Tanong ko
"5:30! Kaya bilisan mo na jan!!" Sigaw nya.
"Ba't kailangang sumigaw!? Kaharap mo lang ako oh!!" Sabi ko.
"Eh bakit ka din sumisigaw?!" Tanong nya.
"Ay bwiset! Lumabas kana nga!" Sigaw ko.
Buti nalang at sumunod sya. So, totoo nga na magjojogging kami? Tang ina naman. Kung yung Mt. Fuji ang aakyatin namin. Dadalhin ko sya sa Suicide Forest at ililigaw! Grr!!
Tumayo na ako at nag ayos. Ginawa ko ang morning rituals ko. Nagsuot ako ng rubber shoes, makapal na jogging pants at tatlong patong ng sweater. Nagsuot din ako ng bonet. Nang matapos na ako ay lumabas na ako.
"Bwiset ka talaga! Ang lamig lamig kaya!" Sabi ko.
"Hahaha. Akala mo talaga magjojogging tayo noh?! Hahaha. Kakain lang tayo ng Ramen. May nakita kasi akong ramen shop jan sa malapit." Sabi nya.
"Ginising mo ako para sa ramen?!" Tanong ko.
"Haha. Relax okay? Hahaha. Sulitin mo na dahil pagkatapos ng mission natin babalik na tayo sa Pilipinas para jan sa black mafias na yan. Haha" sabi nya pero inirapan ko lang sya.
"Saan ba yun?! Bilisan mo! Gusto ko pang matulog!" Sabi ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Maya maya pa ay nakarating na kami sa shop na sinasabi nya.
Maliit lang ang shop na to, pero ang daming tao sa loob. Masarap ba ang ramen nila kaya dito kaya ang daming tao dito? Umupo kami malapit sa may entrance.
May lumapit naman samin na naka-yukata. Mukhang Waitress to. NagNihongo sya, si Lance lang kinakausap nya. So ano ako? Estatwa? Ganun na ba kagwapo to? Shet. Erase erase... Di sya gwapo! Argh!
Umalis na yung waitress at maya maya ay bumalik dala yung inorder naming ramen. Nakita ko pang ngumiti sya ng todo kay Lance. Ganito ba nila itrato ang customer nila? Tss.
"Ba't ganyan ang mukha mo? Nakabusangot?" Tanong ni Lance.
Hindi ko na sya pinansin at agad sinunggaban yung ramen.
"A-aray" daing ko. Tss. Mainit nga pala to.
"Ayan kasi. Gutom na gutom kana ba talaga? Hahaha" sabi nya.
"Tss. Kumain kana nga jan!" Sabi ko, pero imbis na kumain sya ay kinuha nya ang bowl ko ng ramen at hinipan yun.
Bwiset. Bakit ba ako kinakabahan?! Nakakainis ah! Shea umayos ka! Umayos ka! Ilang sandali pa at ibinalik na nya sa akin yun.
"Oh ayan. Di na masyadong mainit yan. Siguro naman hindi kana mapapaso. Hahaha" sabi nya.
Kinain ko na yung ramen. Pero shet!! Sobrang sarap!! Shit. Kumain lang ako ng kumain. Wala akong pakialam kung para akong patay gutom dito. Nang mabusog na ako ay napatingin ako kay Lance.
Nagtama ang paningin namin. Tss. Nakaka-concious yung mga tingin nyang ganyan.
Dahil naiilang na ako, ako ang unang nag iwas ng tingin. Tss.
"Tara na sa dojo. Baka lumamig pa lalo." sabi nya kaya sumang ayon na ako.
Dumeretso ako sa kwarto ko pero guess what? Sumunod din sya dito. Gagawin na daw namin mamaya yung mission para bukas makauwi na kami.
Kaya eto kami, nagmemeeting para dun. May inutusan na syang maghack nung condo. Si Master daw nagrekomenda nun. Alam ko na din ang gagamitin namin kaya naman pagkatapos naming magplano ay lumabas na sya para makapagpalit na kami ng damit.
Pagkapalit ko ay lumabas na ako. Sakto namang lumabas na din sya. Hindi ko dala ngayon ang katana ko dahil mahahalata nila. Maliliit na sandata ang dala namin na itinago namin sa mga damit namin. Nag-contact lense din ako ng black.
May dalang maleta si Lance para mukhang lilipat talaga kami dun sa katabing unit nung target.
"Let the game begin" sabi ko sabay ngisi.
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
ActionShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.